Chapter 2

266 13 1
                                    

Chapter 2

"Sprouse, kompleto ka na ng sagot sa Algebra?" Tanong ko kay Sprouse habang nasa canteen kami at kumakain ng lunch.

"Oo tapos na, ikaw?" Sagot niya sa akin.

"Pakopya!" sabi ko habang nakangiti sa kaniya.

Tiningnan naman ako ni Sprouse tapos kinuha niya iyong bag niya na nakapatong sa katabi niyang upuan, may kinuha siya roon papel at binigay sa akin.

"Salamat," nakangiti kong sabi habang nakatingin sa papel niya, ayos kompleto na sagot niya, mamaw talaga si Pareng Sprouse, lima pa ang walang sagot ko sa Algebra namin sa pre-board namin, ang hirap kasi ng mga problem na pinaassignment namin, samantala noong discussion okay naman madali lang pero ng bigyan kami ng take home exam papatayin kami sa stress at hirap ng mga problems.

Mabilis ko naman kinuha ang clipboard ko na nasa bag ko, nakalagay roon ang papel ko na take home exam nandoon din nakasingit ang scratch paper ko.

"Tapusin mo muna kinakain mo Lila," sabi sa akin ni Sprouse.

"Magaling ako magmulti-task, huwag ka mag-alala," sabi ko sa kaniya habang hawak ko ang ballpen ko.

"Bebs, oh my gas talaga bebs!" Tumitiling sabi ni Aislinn, kaya napalingon kami ni Sprouse sa kaniya.

Mabilis na umupo si Aislinn kung saan nakapatong ang bag ni Sprouse, kinuha iyon ni Aislinn at binigay kay Sprouse ang bag nito.

"Ano?" Tanong ko habang kumokopya ako sa papel ni Sprouse.

"Ano iyan?" Chismosang tanong ni Aislinn sabay silip sa papel na kinokopyahan ko.

"Bebs, nangongopya ka!" Malakas na sabi ni Aislinn tiningnan ko naman siya ng masama.

"Ay sorry, nagche-check ka lang ng sagot, kino-compare mo lang sagot mo sa sagot ni Sprouse," sabi niya.

"Ano ba ang chika mo?" Tanong ko sa kaniya habang busy pa rin ako sa pagkopya sa sagot ni Sprouse.

"Si Mister Arki, naka-chat ko kagabi, bebs alam mo ba ang bait niya, level 2 na pagka-crush ko sa kaniya," kinikilig na kwento ni Aislinn.

"May level ka pala sa pagka-crush," komento naman ni Sprouse kay Aislinn.

"Oo mayroon, palibhasa kasi ikaw bakla, ni-wala ka nga pinapakilala sa amin ni Bebs na babae mo," sabi ni Aislinn, nagkatinginan naman kami ni Sprouse, ako naman ay nagpipigil ng tawa.

"Mayroong nagugustuhan iyan si Sprouse," sabi ko.

"Totoo? Kaklase niyo ba? Bakit hindi ninyo pinapakilala sa akin? Unfair ninyo naman," nakangusong sabi ni Aislinn natawa naman ako lalo.

"H-- oy Sprouse, joke lang naman iyon akin na papel mo hindi pa ako tapos e," sabi ko bigla kasing kinuha ni Sprouse iyong papel niya.

"Manahimik ka Lila, hindi na kita papakopyahin," sabi niya sa akin.

"Oo na, akin na iyan," sabi ko sabay kuha sa papel niya, nakatitig naman sa amin si Aislinn.

"Madaya kayong dalawa, Sprouse akala ko ba ako bestfriend mo? Bakit wala akong alam?" Pagrereklamo ni Aislinn.

"Bestfriend," sabi ko ng natawa habang nagsusulat.

"Excuse me, pwede maki-upo?" Tanong ng taong nakatayo sa tabi ko, tiningnan ko naman ito at nakita iyong arki na feeling close.

"Hindi."

"Pwede," halos magkasabay na sabi namin ni Aislinn.

"Salamat," sabi noong arki na feeling close. Sabay upo sa vacant sa tabi ko.

Eyes On YouWhere stories live. Discover now