Chapter 12

155 6 0
                                    

Chapter 12

Midterm week na namin ngayon at busy ako sa pagrereview, halos katatapos lang din ng exam ko ngayong araw tapos bukas may exam ulit ako kaya kailangan ko magreview mamayang gabi. Sa water resources pa naman ang exam namin bukas kaya kailangan ko mag-aral ng mabuti kasi may mga solving din kami, magkakabisado pa ako ng mga formula ang dami pa namang formulas doon.

"Tapos na exam?" Tanong sa akin ni Seph pagkaupo niya sa table namin dito sa canteen kasama namin si Ara at Sprouse. Lunch na rin kasi ngayon.

"Oo pero mayroon pa bukas tapos sa isang araw tapos may pre-board pa," sabi ko sabay hawak sa noo ko. Na stress na naman ako dahil sa mga irereview ko, sa pre-board kasi talaga ako kinakabahan.

"Kaya niyo iyan, kami next week pa midterm namin," sabi ni Seph.

"Kaya naman namin kaso nakakadrain at nakakapiga ng utak," sabi ni Ara.

"Kaya niyo iyan kayo pa ba," sabi ni Seph na pinapalakas ang loob namin.

"Next month finals na agad natin," sabi ni Sprouse na parang problemado na rin.

"Ang bilis naman," sabi ni Seph habang nakakunot noo.

"Last week ng April ang finals namin para sa May pictorial, clearance at aasikasuhin na namin mga requirements namin para sa pagreview at pag-take ng boar exam," sabi naman ni Ara napatango naman si Seph.

"Magiging mas busy kami noon maghahanap pa kami ng boarding house," sabi ko.

"May napili na ba kayong review center?" Tanong ni Seph.

"Sila mama gusto ako mag-Besa," sagot ko sa kanya.

"Maganda rin doon, doon na lang tayo," sabi ni Ara. Napatingin naman ako sa kanya.

"Ikaw Sprouse?" Tanong ko kay Sprouse.

"Pwede rin maganda rin naman daw doon e," sabi ni Sprouse.

"Sa Besavilla review center?" Tanong ni Seph.

"Oo, roon kasi nagreview si kuya Dash at maganda raw doon, bibigyan ako ni kuya Dash ng reviewer din daw," sabi ko.

"Pahingi rin ako ha," sabi naman ni Ara kaya tinanguan ko siya.

"Oo naman," sabi ko sa kanya. Nagsimula na rin kaming kumain ng lunch namin pagkatapos namin maglunch ay nagreview kaming tatlo sa library si Seph ay sumama lang sa amin at nakireview na rin siya sa mga subjects niya next week na kasi midterm nila nauna lang kami ng isang linggo kasi mga graduating kami.

After namin magreview ay umuwi na rin kami si Seph naman ay may klase pa. Pag-uwi ko ng bahay ay nagpahinga lang ako sa isang oras tapos magreview na ako at nagkabisado na ng mga formulas.

Sobrang busy talaga ng midterm week namin halos hindi na rin kami nakakapag-usap at nagkikita masyado ni Seph dahil busy na rin siya sa mga plates niya kasi magmi-midterm na rin sila.

Matapos ang isang linggong exam namin ay sila Seph naman ang nagmidterm busy siya, naunawaan ko naman iyon nagtetext lang kaming dalawa at nagbabalitan lang kami kasi hindi na talaga kami nakakapagkita dahil busy na siya sa mga plates niya at sa mga iba niyang subject.

"Baby mo naman busy ngayon," sabi ni Ara na nasa tabi ko lang nakatambay kami sa tambayan namin nagpapahinga lang kami. Hawak ko ang cellphone ko at naghihintay ako ng text ni Seph.

"Midterm na nila ngayon marami rin siyang tinatapos na plates at nagrereview siya sa mga subjects nila alam mo naman kapag freshmen may mga subject talaga na bida-bida," sabi ko habang nakatingin sa cellphone ko.

Eyes On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon