Chapter 9

180 8 1
                                    

Chapter 9

"Happy birthday Lila," bati sa akin ni Ara ng makapasok ako sa room at ng marinig naman iyon ng mga kaklase ko ay bigla na lang silang nagkantahan ng happy birthday parang mga tanga lang kasi iyong happy birthday nila masaya sa una tapos palungkot ng palungkot ang pagkanta nila, matapos nila ako kantahan ay nagpasalamat ako. Si Ara ay may inabot naman sa akin regalo.

"Ate Lila na kita," sabi ni Ara sa akin pagka-abot ng gift niya, nilagay ko naman sa bag iyon mamaya na pagka-uwi ko bubuksan ko.

"Salamat, pero gaga ka next month na kaya birthday mo magka-age na tayo," sabi ko sa kanya. Tumawa naman siya sa akin.

"Happy birthday Lila," sabi ni Sprouse pagdating niya sa room may inabot din siyang regalo sa akin tinanggap ko naman iyon at nilagay ko ulit sa bag, mabuti na lang at medyo malaki ang pack bag ko. Hawk ito na kulay gray at black.

"Salamat, may shanghai ako," sabi ko sa kanila. Agad naman sila ngumiti sa sinabi ko.

"Ayon," sabi nila.

"Mamaya na natin kainin," sabi ko tumango naman sila.

Nagsimula na ang klase namin tatlong oras lang naman ang klase namin ten am to one pm ito tapos wala na kaming klase alas dos ang kitaan namin doon sa may bench. At ng matapos ang klase namin ay bumaba na agad kami dumeretso muna kaming canteen dahil nagugutom na rin kami umorder kami ng makakain namin tapos nilabas ko iyong shanghai na luto ko.

"Tirhan natin si Aislinn baka umiyak iyon," sabi ko sa kanila.

"Iyong arki mo Lila itext mo na," sabi ni Sprouse inirapan ko naman siya tapos kinuha ko ang cellphone ko nagtext ako na nasa canteen kami.

Habang kumakain kami ay nakita ko iyong arki na parang naghahanap kaya tinaas ko iyong kamay ko para makita niya ng makita niya kami ay lumapit siya sa amin.

"Happy birthday Bri," sabi niya ng makaupo siya sa tabi ko.

"Lunch na," sabi ko sa kanya.

"Tapos na ako kanina pa," sabi niya.

"Shanghai Seph, masarap ito si Lila nagluto niyan," sabi ni Ara, tumingin naman iyong arki sa akin tapos sa shanghai.

"Pwede?" Tanong niya sa akin tumango naman ako sa kanya kaya kumuha siya roon tapos nakangiting kumagat.

"Sarap 'di ba," sabi ni Ara tumango naman si Arki.

"Bebs! Happy birthday," sabi ni Aislinn na kararating lang niyakap naman niya ako tapos inabot niya sa akin iyong paper bag na dala niya.

"Salamat," sabi ko tapos umupo si Aislinn sa tabi ni Sprouse kung saan may bakanteng upuan.

"Wow lumpia," sabi ni Aislinn sabay kuha ng lumpiang shanghai.

"Naglunch ka na?" Tanong ni Sprouse kay Aislinn.

"Hindi pa," sabi ni Aislinn kaya naman sinubuan ito ni Sprouse ng kanin, ngumanga naman si Aislinn bago kumagat sa lumpiang shanghai.

"Isang malaking sana all na lang talaga," sabi ni Ara. Napatingin ang ako sa kanya tapos napailing, tinuloy ko lang ang pagkain ko hanggang sa matapos kaming maglunch. Nagpahinga lang kami saglit at ng mag alas dose na ay tumayo na kami.

"Saan tayo?" Tanong ko sa kanila.

"MOA tayo," sabi naman ni Aislinn.

"Okay," sabi ko kaya naman pumunta kami papunta sa sakayan ng jeep papuntang MOA naghintay lang kami ng jeep doon at ng may dumating na ay sumakay na kami roon.

Eyes On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon