Chapter 5

203 9 0
                                    

Chapter 5

Isang linggo na rin ang lumipas matapos huling makausap ko iyong arki na feeling close. Nagkikita lang kami sa canteen at minsan nakakasalubong ko siya pero hindi kami nag-uusap busy rin yata siya ako naman ay laging kasama ko mga kaklase ko gumagawa kami ng report namin naging busy rin ako ng isang linggo dagdag pa ang pre-board namin, tapos may mga pumupunta na rin na review center sa university namin para hikayatin kami na sa kanila mag-review.

Tapos may project pa kaming gagawin para sa midterm namin, malapit-lapit na rin kasi mag-midterm kami isang buwan na lang. February na rin ngayon at next week na rin ang birthday ko pero hindi ko na rin masyadong iniisip ginagawa ko na mga report ko sa ibang subject tapos sinisimulan ko na rin gumawa ng project namin para hindi na ako maghabol sa deadline namin. Magre-review na lang ako at hindi ko na poproblemahin ang project namin.

Nakatambay ako sa may malapit sa canteen namin kung saan may bench at may lamesa roon kasama ko si Ara at si Sprouse tapos si Steven at Joyce na kaklase namin bali nakahiwalay lang ng table sa amin sila Joyce, Steven at Sprouse, masikip kasi sa table kapag nagsama-sama kami tapos may mga gamit pa kami, may dala kaming tube kung saan nakalagay iyong project na ginagawa namin, nagde-design kasi kami.

"Sprouse pahiram t-square," sabi ko kay Sprouse na solo ang isang table, lumingon naman siya sa akin at inabot ang t-square niya, ako naman ay hinanap ko ang pantay na bahagi ng table naginagamit namin bago ako maglinya sa tracing paper.

"Ka-stress naman ito, dapat AutoCAD na lang natin ito edi mas madali sana," sabi ni Ara na kasama ko sa table.

"Kaya nga e," sabi ko habang gumagawa ng border sa tracing paper ko.

"Okay lang iyan floor plan lang naman gagawin natin na drawing," sabi naman ni Joyce na nasa kabilang table.

"Buti floor plan lang talaga wala pa naman akong talent sa pag-drawing," sabi ko.

"Buti uso na ang autoCAD ngayon," sabi naman ni Ara na nagsusulat na sa tracing paper. Ako naman ay matapos ko mag-border ay binalik ko kay Sprouse ang t-square niya kasi nasisikipan ako sa table namin kung doon ko pa ilalagay, nakakalat kasi sa table namin ang mga papel at mga drawing material namin ni Ara.

Kinuha ko ang techpen ko na point five, kumuha muna ako ng scratch paper at doon ko nilagay ko ang techpen ko at hinayaan na magkalat muna ang tinta bago ko iyon punasan.

"Walang hingahan na this, away-away ha walang gagalaw sa atin," sabi ko kay Ara na busy rin sa pagsusulat sa plate niya hindi ako nito pinansin at patuloy itong marahang nagsusulat nasa tapat ko naman siya kaya okay lang.

Nagsimula na rin ako ng marahan na sulat pero patigil-tigil ako, nagtatae kasi iyong techpen ko.

"Sino may steadler na point five pahiram," sabi ko kasi tae nang tae talaga iyong techpen ko. Inabot naman sa akin ni Steven ang techpen niya kaya ngumiti ako sa kaniya at nagsulat ulit.

"Busy kayo ah," sabi ng taong umupo sa tabi ko napatigil naman ako sa pagsulat at tiningnan ko siya. Iyong arki na feeling close.

"Hoy Arki, long time no see," sabi ni Ara na tumigil din pala sa pagsulat.

"Hi Ate," sabi nito kay Ara. Tinanguan lang ito ni Ara tapos nagsulat na ulit. Ako naman ay nagsimula na rin magsulat ulit.

"Wow, bahay mo ito, Ate?" Tanong ng katabi ko kaya naman napatingin ako sa kaniya, nakita ko na pinakialaman niya iyong laman ng tube ko, nakalagay kasi roon iyong naging project namin sa Building Design 1 namin, pinagawa kami roon ng bahay o dream house raw namin.

"'Wag ka nga makialam," sabi ko sabay tingin ng masama sa kaniya.

"Ganda Ate, kaunting ayos na lang ito okay na," sabi niya habang nakatitig pa rin sa bahay na ginawa ko. Hinayaan ko lang siya at tinapos ko ang pagsusulat.

Eyes On YouWhere stories live. Discover now