Chapter 10

201 7 0
                                    

Chapter 10

Tatlong araw na ako nakalipas simula ng tanungin ako ni Ark- I mean ni Seph kung pwede manligaw siya. Actually noong araw na iyon din ay hindi ko siya nasagot ang ginawa ko kasi ay tumakbo papasok sa loob ng bahay hindi ko kasi alam ang isasagot ko sa kanya. Tatlong araw din na walang paramdaman kami, nagtext siya sa akin noong valentines pero hindi ako nagreply. Mabuti na lang din ang wala akong pasok ng valentines tapos siya wala naman pasok noong Saturday tapos nitong linggo wala rin akong pasok ganoon din naman yata siya. Napabuntong hininga na lang ako kasi hindi ko talaga alam ang isasagot ko sa tanong niya parang mabilis pa kasi ang mga pangyayari.

"Lalim ng naman ng buntong hininga mo," sabi ni Ara nakakarating lang. Nandito kami ngayon library gagawa kami ng report ayoko rin muna kasi sa labas gumawa baka magkita kami ni Ark- I mean ni Seph, hindi ko alam ang gagawin ko pa rin.

"Bakit ang tagal mo?" Tanong ko sa kanya, sabi niya kasi magbabanyo lang siya kaya nauna ako sa kanya sa library.

"Mahaba pila sa banyo girl," sabi niya naman kaya tumango lang ako tapos nagpatuloy sa paggawa ng report powerpoint presentation ang ginagawa ko ganoon din naman ang kay Ara. Matapos kong magtype ay natulala lang ako naisip ko na naman iyong tanong ni Seph.

"Hoy," pabulong na tawag sa akin ni Ara kaya naman tumingin ako sa kanya.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Tulala ka girl," sabi niya sa akin umiling  lang naman ako tapos pinatay ko na iyong laptop ko.

"Puyat ka ba?" Tanong niya sa akin.

"Hindi naman," sabi ko habang inaayos ko iyong laptop ko at iba kong gamit.

"Mukha kang puyat," sabi niya sa akin tapos inayos niya na rin ang gamit niya tapos na rin yata siya.

Actually medyo puyat talaga ako kakaisip doon sa tanong ni Seph lalo na noong araw na tinanong niya sa akin iyon hindi talaga ako makatulog alas tres na nga yata ako ng madaling araw nakatulog mabuti na lang at kinabukasan ay wala akong pasok. Tapos kagabi naisip ko na naman kasi hindi malayong magkita kaming dalawa rito sa university lalo na't iisang building lang kami.

"Ara," tawag ko kay Ara saglit naman niya ako tiningnan bago niya kuhain ang ballpen niya at iyong take home quiz namin sa TOS o sa Theory of Structures one and two iyon.

"Bakit?" Tanong niya sa akin habang nakatingin sa problem sa take home quiz namin.

"Si Ark- I mean si Seph may tinanong sa akin," sabi ko kaya natigil siya sa pagtingin sa ginagawa niya at nilipat niya ang tingin sa akin.

"Ano?" Tanong niya agad sa akin.

"Tinanong niya ako noong after natin lumabas noong birthday ko," sabi ko.

"Ano nga?" Tanong ni Ara na excited sa sasabihin ko.

"Tinanong niya ako kung pwede ba raw manligaw," sabi ko bigla naman nanlaki ang mata niya tapos ngumiti.

"Oh my gosh!" Bigla niyang sigaw.

"Quiet!" Sigaw naman ng bantay sa library.

"Sorry po," sabi naman agad ni Ara.

"Huwag ka kasing sumigaw," sabi ko sa kanya.

"Gagi nagulat lang ako kahit expected na iyon," sabi ni Ara.

"Anong expected na?" Tanong ko sa kanya.

"Duh, halata naman na gusto ka niya talaga," sabi ni Ara tapos inirapan pa ako.

"Eh?" Tanong ko sa kanya.

"Ano sinagot mo?" Tanong sa akin ni Ara. Umiling naman ako sa kanya.

Eyes On YouNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ