Epilogue

380 9 1
                                    

Epilogue

Seven months later.

"Ara ayos na ba iyong mga balloons na sinabi ko sa iyo?" Tanong ko kay Ara na kausap ko sa cellphone ngayon. Ngayong araw kasi ang birthday ni Seph at isu-surprise ko siya. Ngayon ang twenty-seventh birthday niya.

"Oo nga ayos na, papunta na ako riyan," sagot ni Ara sa akin at pinatay na ang tawag. Nasa bahay ako ngayon at nadedesign na ako ng cake kasama ko si Aislinn dito sa bahay kasi marunong siya magbake ng cake tinutulungan niya ako.

"Mommy gusto ko cake," sabi ni Aisee habang nakatingin sa cake na pabilog na kulay blue.

"Later na anak," sabi naman ni Aislinn sa anak niya. Ngumuso naman si Aisee.

"Mamaya baby ikaw una kong bibigyan ha," sabi ko kay Aisee sabay pisil sa pisngi niya. Ngumiti naman si Aisee at inipit ang kamay ko na pinangpisil sa kanya gamit ang mataba niyang pisngi at kamay. Natawa naman ako sa kanya.

"Bebs mag-ayos ka na roon sa taas ako na bahala rito mamaya nandito na si Ara," sabi ni Aislinn sa akin. Tumingin naman ako sa kanya at tumango. Umakyat na ako sa taas at nagsuot ako ng dress na kulay blue. Nag-ayos na rin ako naglagay ako ng make-up pero light lang.

Matapos kong mag-ayos ay sumilip ako sa kabilang bahay kung nasaan ang bahay nila Seph. May ilaw pa roon at nakita ko si Miguel na tumatakbo na may dalang petals ng bulaklak na nasa basket. Napailing naman  ako katulong ko siya sa pagsurprise sa daddy niya at mukhang tuwang-tuwa at kinacareer niya pa dahil may papetals siya. Nasa trabaho pa si Seph kaya naman ang plano ay pupunta ako sa bahay nila at doon siya isu-surprise. Sila mama nasa restaurant sila kasama kapatid ko tutulong daw at marami raw customer ngayon.

Nakita ko naman si Ara na lumabas sa gate nila Seph tapos namatay ang ilaw sa bahay nila Seph. Napakunot noo naman ako bago ako bumababa.

Pagbaba ko ay nakita ko si Ara na nasa living room may dala siya mga balloons na pinapalobo nila ni Aislinn.

"Ano ginawa mo sa kabilang bahay?" Tanong ko kay Ara bago ako kumuha ng lobo at pinalobo ito gamit ang pangpalobo.

"Sumilip lang ako tsaka nagdala ako ng ibang lobo roon na natapos na namin kanina para kaunti na lang dadalhin natin sinabi ko rin kay Miguel na ikalat na iyong lobo na dinala ko," sabi ni Ara. Tumango naman ako sa kanya at nagpatuloy kami sa pagpapalobo si Aisee naman ay tuwang-tuwa sa lobo nilalaro-laro niya pa ito.

Nang matapos kaming magpalobo ay lumabas si Ara dala ang lobo na nakalagay sa basket ihahatid niya raw sa kabilang bahay.

Pumunta naman ako sa kusina at inayos ang cake nilagyan ko iyon ng candles na may age ni Seph.

Si Aislinn naman ay nagbihis na rin kasama si Aisee, mayamaya ay bumalik na si Ara.

"Okay na roon sa kabilang bahay si Seph parating na iyon mayamaya bilisan na natin baka mauhanan tayo noon," sabi ni Ara napatingin naman ako sa relo ko na nasa kamay ko. Mag-aalas otso na pauwi na nga iyon.

Mayamaya ay ayos na sila Aislinn at Aisee. Kinuha ko na ang cake na nakalagay na ito sa karton para hindi madumihan.

Ilang sandali pa ay lumabas na kami ng bahay habang dala ko ang cake pero itong si Ara may kinuha pa sa kotse niya iyong lobo na pakurting puso ito nasa tatlong piraso iyon.

"Tara na excited na ako," sabi ni Ara habang hawa iyong balloons.

"Ninang pahingi balloons," sabi ni Aisee kay Ara binigyan niya naman ito ng isang balloon at iyong bata ay tuwang-tuwa naman sa balloon.

"Tara na," sabi ko. Tumango naman sila sa akin. Marahan akong naglalakad dahil baka madapa ako at masira ang cake ayoko maging palpak ito. Mamayamaya kasi ay nandito na si Seph kaya dapat maayos na ang lahat.

Eyes On YouWhere stories live. Discover now