Chapter 19

201 12 2
                                    

Chapter 19

"Daddy nakita ko na iyong sinasabi mo na love mo, iyong nasa wallet mo tapos nasa picture frame na nasa kwarto mo," sabi ni Miguel dito ako naman ay nagulat sa sinabi ng bata.

Napatingin naman sa akin si Architect Javier tapos iniwas niya rin ang mata niya sa akin.

"Jorhem," tawag ni Architect Javier habang nakatingin sa labas ng pintuan ng opisina ko, mayamaya naman ay pumasok si Jorhem.

"Kuya?" Tanong ni Jorhem napakunot naman ang noo ko tapos tinitigan ang dalawa. Kaya pala sabi mo may kamukha si Jorhem.

"Sabi ko sa iyo bantayan mo si Miguel, bakit mo iniwan dito kay Engineer Morales?" Nakanot noong sabi nito.

"Si Miguel kasi kuya," sabi ni Jorhem habang kumakamot sa batok niya.

"Hello ikaw po daddy ni Miguel?" Tanong ni Aisee na nasa tapat na pala ni Architect Javier, nakatingala ito kay Architect Javier. Ngumiti naman si Miguel at nagpababa sa tatay niya tapos lumapit kay Aisee at hinawakan ang maliliit at matabang kamay ni Aisee.

"Daddy share kami sa iyo tapos share rin kami kay mama, wala raw daddy si Aisee," sabi ni Miguel. Nagpalipat-lipat naman sa akin si Architect Javier  at kay Aisee.

"Aisee come here baby," tawag ko kay Aisee lumapit naman siya sa akin.

"Ano kailangan mo Architect?" Tanong ko kay Architect Javier.

"Daddy gutom na ako kain na tayo," sabi ni Miguel sa ama niya kaya naman ay napatingin ito sa anak niya.

"Mama gusto ko rin foods," sabi naman sa akin ni Aisee.

"Kaya lalo kang tumataba e," sabi ni Ara tapos kinurot ang pisngi ni Aisee hamagikgik naman si Aisee.

"Kakausapin lang sana kita about sa project, pwede ba pag-usapan na lang natin over lunch? Mukhang gutom na iyong mga bata," sabi ni Architect Javier.

"Mama foods," sabi sa akin ni Aisee.

"Okay," sabi ko naman. Pumunta ako sa table ko tapos kinuha ang bag ko. Si Aisee naman at tuwang-tuwa habang sinusuot ni Ara ang maliit na bag nito. Nang masuot na nito ang bag ay lumapit si Miguel kay Aisee tapos hinawakan ang maliliit nitong kamay at sabay silang naglakad palabas ng opisina.

"Aba nakahanap ng kalaro si Aisee," sabi ni Ara natawa naman ako tapos ay sabay kaming lumabas sumunod naman si Architect Javier sa amin. Nasa harapan namin ang dalawang bata at nasa likod nila si Jorhem.

"Jorhem alalayan mo ang mga bata," sabi ni Architect Javier kaya naman ay pumagitna si Jorhem sa dalawang bata pero mukhang ayaw bitawan ni Miguel si Aisee, nang mapaghiwalay kasi ni Jorhem iyong dalawa ay mabilis na bumitaw si Miguel sa hawak ng tito niya at tumakbo papunta sa kabilang side ni Aisee kaya ang nangyari si Aisee ang nasa gitna nila ni Miguel at Jorhem.

"Pasensya na makulit ang anak ko," sabi ni Architect Javier. Tumango lang ako sa kanya.

"Nasaan nanay ng anak mo?" Tanong ni Ara kay Architect Javier kaya naman ay siniko ko si Ara.

"Busy," sagot lang nito.

Nang makarating kami sa tapat ng elevator ay nilapitan ko na si Aisee.

"Mama karga," sabi ni Aisee habang nakataas ang dalawang kamay niya sa akin. Akmang kakargahin ko na si Aisee ng unahan ako ni Architect Javier.

"Architect ako na mabigat si Aisee," sabi ko sa kanya.

"Okay lang, sanay na ako," sabi niya.

"Ano ito family day tapos ako ang yaya," sabi ni Ara kaya naman tiningnan ko siya ng masama. Bumukas iyong elevator tapos pumasok kami roon. Nang makarating kami sa lobby ay napagdesisyunan namin na sa tapat ng ng office kami kumain may restaurant kasi sa tapat ng office namin.

Eyes On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon