Chapter 11

173 7 0
                                    

Chapter 11

Dalawang linggo na ang nakalipas simula ng payagan ko manligaw si Seph, okay naman ang lahat at nagkakakilanlan na rin naman kami ng kaunti pero hindi ko pa siya naipapakilala sa mga magulang ko dahil parehas din kaming naging busy siguro ay baka ngayong linggo ay maipakilala ko na rin siya. Okay naman si Seph madalas magkasama kaming dalawa, sumasama kasi siya sa amin kapag wala silang klase.

"Tulungan kita," sabi sa akin ni Seph habang nakatingin sa sinosolve ko sa pre-board namin.

"Kaya ko na nga ito tsaka reinforce concrete design ito at isa pa favorite subject ko yata ito sisiw na lang ito sa akin at baka malaman mo pa mga sekreto namin dahil dito ano," sabi ko sa kanya, natawa naman siya sa akin. Ako naman ay nagpatuloy magsolve, kaming dalawa lang ang magkasama ngayon dito sa lagi naming tinatambayan sila Ara wala pa kausap pa niya iyong mga kagrupo niya sa reporting kasi sila na magrereport mamaya.

Binuklat-buklat naman ni Seph ang maliit kong libro na civil engineering formulas at binabasa-basa niya rin iyon.

"Wala ka pang klase?" Tanong ko sa kanya.

"Mamaya pa," sabi niya habang nakatingin sa maliit kong libro.

"Wala kang gagawing plates?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Wala na tinapos ko na noong isang araw," sabi niya ulit.

"Okay," sabi ko tapos nagpatuloy ulit ako sa pagsolve.

"Maganda rin ba itong libro mo na ito?" Tanong niya sa akin habang nakataas iyong maliit kong libro.

"Oo, gamit na gamit ko talaga iyan although iyong sa RCD ay NSCP 2001 ang ginamit diyan pero halos parehas pa rin mga formula," sabi ko naman. Tumango-tango lang naman siya.

"Kapag nakapasa ka na ng board may napili ka ng pagtatrabahuhan mo?" Tanong niya sa akin, napatingin naman ako sa kanya saglit tapos binalik ko ulit tingin ko sa sinosolve ko.

"Mayroon na actually kami nila Sprouse at Ara," sabi ko.

"Saan?" Tanong niya.

"Sa Hernandez-Villaluna Architectural and Engineering firm," sabi ko. Napansin ko naman na napatingin siya sa akin ay tumingin din ako sa kanya.

"Wow, bigatin." Nakanglalaking mata niya sabi sa akin.

"Hindi naman, sila tita at tito doon kasi ako pinapasok tapos si kuya Dash din halos araw-araw akong tinatanong kung kailan ako gagraduate," sabi ko.

"Dashiel Villaluna?" Tanong niya nagulat naman ako na kilala niya si kuya Dash.

"Oo, paano mo nakilala?" Tanong ko.

"Iyong daddy niya tsaka daddy ko batchmate sila noon sa engineering," sabi niya napatango naman ako.

"Ganoon bigatin pala kayo," sabi ko sa kanya.

"Hindi naman, ikaw bakit kuya tawag mo sa kanya? Pinsan mo?" Tanong niya sa akin. Napatango naman ako.

"Oo pinsan ko siya," sabi ko napansin ko naman na napatitig siya tapos ngumiti sa akin.

"Ikaw naman pala bigatin," sabi niya.

"Hindi naman, sila lang kasi iyon iba naman kami sa kanila ako lang talaga naligaw sa pamilya namin na nag-engineering kaya natuwa lang sila sa akin," sabi ko tapos nagsolve na ulit ako.

"Bakit naman ikaw lang sa pamilya niyo?" Tanong niya.

"Sa side kasi nila mama ko pinsan sila tapos halos lahat ng sa kanila puro engineer talaga, iyong lola ko tsaka iyong lolo niya kasi magkapatid tapos sa side ng lola ko wala nag-engineering puro nag-education sila tapos iyong ako nagcollege nag-engineering ayon natuwa sila kasi at last daw may nag-engineering sa side ng lola ko," sabi ko sa kanya. Tumango-tango naman siya.

Eyes On YouWhere stories live. Discover now