Chapter 17

189 7 2
                                    

Chapter 17

After ng pagkikita namin sa elevator ay kinausap ko na rin si Sep-- I mean si Architect Javier na pag-usapan namin ang tungkol sa project namin. Pumayag naman siya at pumunta kami sa isang coffee shop. Magkaharap kaming dalawa habang nag-uusap, pormal lang din naman kaming dalawa mag-usap.

"Aalis na ako Architect Javier may aayusin pa ako sa office," sabi ko pagkatapos namin mag-usap. Tatayo na sana ako ng magsalita siya.

"Hindi ka pa kasal," sabi niya habang nakatingin sa daliri ko. Tinaasan ko naman ng kilay.

"So? Ikaw rin mukhang hindi pa kasal," sabi ko ng mapansin ko rin na wala pa siyang singsing doon. Ngumiti naman siya sa akin.

"Oo naman may pinangakuan pa ako," sabi niya natigilan naman ako. Siguro iyong nanay ng anak niya ang tinutukoy niya. Tumayo na ako sa pagkakaupo ko at tumingin na sa kanya.

"Aalis na ako," sabi ko sa kanya.

"Sasabay na ako," sabi niya tiningnan ko lang naman siya tapos nauna na ako maglakad mabilis niya naman akong hinabol.

Napatigil naman ako sa may gilid  ng kalsada kailangan kasi tumawid para makapunta sa office namin.

"Takot ka pa rin tumawid hanggang ngayon," sabi niya sa akin. Tiningnan ko naman siya ng masama.

"Hindi na tayo close huwag mo ako kausapin," sabi ko. Natawa naman siya sa akin.

"Parang dati lang a," sabi niya kaya naman tiningnan ko ulit siya ng masama. At ng wala ng sasakyan na dumadaan ay tumawid na ako siya naman ay humabol sa akin.

"Pikon mo naman ate," sabi niya hindi ko naman siya pinansin. Bahala siya sa buhay niya.

Sumabay pa rin siya sa akin hanggang makapasok kami sa loob tapos sumabay pa siya sa akin sa may elevator.

"Hoy ate," sabi niya sa akin hindi ko pa rin naman siya pinapansin. Napipikon na naman ako sa kanya ang kapal naman ng mukha niya na tawagin akong ate. Nag-fe-feeling close na naman siya. Hanggang sa pagsakay ng elevator ay kinukulit niya pa rin naman ako ako naman ay hindi siya pinapansin. Mabuti na lang at kaming dalawa lang ang nasa elevator.

"Pwede ba huwag mo ako kausapin na parang okay tayong dalawa," sabi ko sa kanya. Natigilan naman siya tapos natahimik na siya. Nagring naman ang cellphone ko at sinagot ko naman iyon.

"Hello," sabi ko.

"Hi love."

"Love," masayang sabi ko napansin ko naman na napatingin sa akin si Architect Javier.

"Magpapaalam sana ako aalis kasi ako may bago akong project at sa Cebu iyon," sabi niya sa akin.

"Okay lang naman atsaka trabaho iyan, ingat ka roon," sabi ko sa kanya.

"Lagi kitang tatawagan, I love you, Love."

"I love you too," sabi ko tapos binaba ko na. Napatingin naman ako sa katabi ko nakita ko naman na nakakunot noo siya at nakakuyom ang kamay niya.

"Boyfriend?" Tanong niya sa akin.

"Oo," sabi ko sa kanya. Sakto naman na bumukas na ang elevator lumabas na ako at iniwan ko na siya. Wala naman ako dapat ipaliwanag sa kanya.

Mayroon akong boyfriend at magdadalawang taon na kaming dalawa okay naman kami. Atsaka alam ko naman na may pamilya na rin naman siya.

Pumunta ako sa table ko at naupo ako sa sa upuan ko at napabuntong hininga ako. Pinikit ko lang saglit ang mata ko. Mayamaya ay magkumatok sa office ko.

Eyes On YouWhere stories live. Discover now