32

507 7 1
                                    

AGNES'S POV

Nakakamiss tumugtog pero ang sarap sa pakiramdam. Grabe pinawisan ako dun ah. Kinuha ko yung bag ko at kinuha ko yung tumbler sa loob. Grabe.

"How are you still single?"sabi ni Andrew sa kin.

"Wait, eh di nga sabi niya nahanap na niya yung the one?"sabi ni Migs. Muntik ko ng mabuga yung tubig na iniinom ko.

"Migs napakaingay mo."sabi ko.

"Ay secret ba yun?"

"Game na kaya tayo?"sabi ko naman. Tumawa si Migs tapos kinuha na niya yung gitara niya. Hindi naman secret yun Migs pero andito kasi siya kaya sana hindi ka nag-iingay. Tiningnan ko si Pat. Abala na ulit siya sa pagtugtog ng piano.

After ilang minutes nagrun na kami ng isang buo nung kanta. Hindi nagkamali ng pagpili si Miguel at Paolo. Magagaling silang lahat. No doubt. Natapos kami magrehearse ng halos gabi na. Teka, uuwi pa ba si Pat sa Laguna nito?

"Grabe guys. Ang gagaling niyo."sabi ni Miguel. "Pero alam kong pagod na kayo. May 1 week pa naman tayo bago yung event. So next weekend, alam niyo na ha. Pero kung available kayo ng weekdays, sabihan niyo rin ako para makapagschedule tayo."sabi ni Migs.

"Pass ako."sabi ni Pat. "May work ako pag weekdays eh."sabi niya.

"Hindi rin ako pwede. May class ako."sabi ko.

"Okay, okay. So weekend?" Tumango kaming lahat.

"Friday night?"hirit niya.

"Uhm. Medyo alanganin ata ako ng Friday night kasi mahirap magdrive pauwi."sabi ni Pat.

"Sa min ka na lang ulit tumuloy." "Sa condo ka na lang tumuloy." Sabi namin ng sabay ni Keifer. Aba teka.

"Wow Reoma. Speed."sabi ni Andrew. Tiningnan ko siya ng masama. Tinaas niya yung dalawang kamay niya na para bang sumusuko na siya.

"Thank you na lang Keif, Agnes. Bahala na okay. But I'll be around Ortigas lang naman. So if kaya naman ng time, then I'll join. If not, Saturday ako pupunta."sabi ni Pat.

"Okay. Sige. Sounds good naman sa kin. Pero Pat, if mahihirapan ka ng Friday, I would suggest na dito ka na lang nga magstay. Nagvolunteer na din naman tong si Keifer at Agnes so may option ka naman."

"Yes thank you."

"O so paano guys? See you next week?"sabi ni Migs. "Ah ng pala, bilang pa-thank you na rin namin, free up niyo schedule niyo ng Saturday night ha. Sagot na namin ni Pao dinner."dagdag niya.

"Sure. Sige."sabi namin.

5 MinutesWhere stories live. Discover now