AGNES'S POV
Hindi ko alam kung anong plano ni Pat pero sinunod ko na lang lahat ng sinabi niya. Wala rin naman akong pasok since nag-aantay na lang ako ng grad. Napa-aga ako kaya nag-antay na lang ako sa lobby.
"Aji. Sorry! Kanina ka pa ba?"
"Hindi naman. Okay ka na?"tanong ko sa kanya. Tumango siya kaya naglakad na kami papunta sa parking.
"Akin na yung susi."sabi ni Pat nung malapit na kami sa kotse.
"Why?"
"Wag ka na magtanong. Ako na magdrive."sabi ni Pat.
"Okay, pero alagaan mo baby ko."sabi ko sa kanya habang kinukuha ko yung susi.
"Buti pa yung sasakyan."
"Bakit gusto mo ba baby din itawag ko sa 'yo?"biro ko sa kanya. Bigla namang namula si Pat.
"Sira. Sasabihin ko kasi buti pa yung sasakyan inaalagaan yung sarili niya hindi." Natawa na lang ako.
"Dali na. Keys."sabi niya.
"Linawin mo kung anong hinihingi mo kasi baka iba maibigay ko sayo."sabi ko sa kanya. Namula nanaman si Pat. Cute talaga nito.
"Keys! Susi!"sabi niya. Natawa tuloy ako.
"Ito na, ito na."sabi ko tapos inabot ko sa kanya yung susi. Pinagbukas ko lang siya ng pinto tapos umikot na rin ako. Sa totoo lang kinakabahan ako na si Pat ang magda-drive. Not that I don't trust her, pero nakakatakot naman talaga pag ibang tao ang nagda-drive ng sasakyan mo.
Akala ko naman kung saan kami pupunta ni Pat. Sa bahay niya lang din naman pala kami pupunta. Nagpark lang siya tapos pumasok na kami sa bahay nila.
"Wait there."sabi niya tapos pinaupo niya ako sa sofa. Chineck niya lang ata kung gising pa sila Tita.
"Basta stay there."sabi niya tapos pumunta na siya sa kusina.
Ngumiti na lang ako. Naupo na ako sa sala at inantay na matapos siya. Habang nasa sala ako, naririnig ko na may kausap si Pat. Nagdecide akong silipin siya at nakita ko na ka-video call niya si Andrew. Napangiti na lang ako. Nagpapaturo siya kay Andrew kung paano magluto ng steak.
I stood by the entrance and nakasandal lang ako dun. My eyes are drawn to her. Natatawa ako kay Pat kasi natatakot siyang matalsikan siya ng mantika. Naka-apron pa siya at nakatali ang buhok. Pinartidahan nanaman po ako ni Patricia. Ang ganda niya pa rin talaga kahit na medyo pawisan at magulo na buhok niya. I smiled.
"Kanina ka pa dyan?"nahihiyang tanong niya sa 'kin. Umiling ako.
"Shoo! Wag ka nga dito sa kitchen!"sabi niya sa 'kin habang tinataboy niya ako palabas.
"Grabe ka naman sa 'kin!"sabi ko sa kanya.
' Si Agnes ba yan? ' narinig kong tanong ni Andrew. Tinutulak pa rin ako ni Pat palabas pero umiwas ako sa kanya at nag-hi kay Andrew.
"Hi Drew."sabi ko.
' Kaya naman pala nape-pressure si Pat na magluto ng masarap na steak. Para naman pala kasi sa 'yo. '
"Okay. Bye Andrew!"sabi ni Pat.
'Bye ka dyan! Di ka pa tapos magluto.' Natawa na lang ako.
"Sige na, sige na. Lalabas na ako."sabi ko kay Pat kasi nakasimangot na siya. Naglakad na ako pabalik ng sala. Naririnig ko na inaasar pa rin siya ni Andrew habang nagluluto siya. Ang kulit din talaga nito ni Andrew eh.
Nung natapos si Pat, tinawag niya na ako papunta sa dining area nila. Ang bango ng niluto niya. Mapapalaban ata ako ng kain.
"Dahil lagi na lang ikaw nagluluto para sa kin, ako naman magluluto for you."
"Ikaw nga lagi nagluluto ng breakfast natin eh."sagot ko.
"Yeah, but madali lang naman kasi yun. This time I want to cook something else. I wanted to prepare dinner for you for a change."sabi niya tapos hinain niya na sa kin yung steak.
Masarap naman yung niluto ni Pat kahit na first time niya. Nakakaproud lang.
"Aji. Can I ask a favor?"
"Yeah. What's that?"
"Please stay for tonight...
...I just want you to stay beside me today."
