PAT'S POV
Nagulat naman ako nung biglang tumunog yung cellphone ko. Sino naman to? Bakit ba palagi na lang?
"Hello?"
' Uy Pat. Ano kumusta si Agnes? ' Si Migs pala.
"Okay naman na siya."
' Ayun sakto! Pwede na kayo for rehearsals mamaya? '
"Yup. Tingin ko naman okay na siya kaya pwede na kami. Daan na lang kami sa studio. Mag-breakfast lang kami tapos punta na kami dyan."
'Sabay ba kayo o magdadala nanaman kayo ng mga sarili niyong sasakyan?'
"Sabay na kami. Marunong na siya ulit makipagusap sa kin. Maganda na nga 'ata ang gising. Nakakaganda 'ata ng mood kapag nakakainom ng gamot."
'Buti naman. Akala ko hindi pa rin kayo speaking terms eh.'
"Akala ko din eh. Medyo nagbago naman na ihip ng hangin kaya mukhang nakabalik na si Aji. Kung ano ano na nga ang sinasa--"
"Oo Pat mahal kita."biglang sabi ni Agnes.
Hindi ko na narinig yung mga sunod na sinabi ni Migs kasi nabitawan ko yung cellphone ko. Tiningnan ko siya at nagtama yung mga mata namin.
"Ano?"tanong ko sa kanya. Sandali maaa. Kalma self. Lumapit na siya sa kin. Pinulot niya yung phone ko at in-end yung call sabay humarap siya sa kin at tiningnan ako sa mata. Shet ma. Natutunaw ata ako. Maa tulong di ako makahinga maaa.
"Mahal kita Pat."
Ang lapit sa 'kin ni Agnes. Gahd. Wait sandali. Hindi ako makahinga. Hindi ko maprocess. Sandali lang!
"As a friend?"tanong ko. I laughed nervously. Alam ba niya sinasabi niya?
"Hindi Pat. Higit pa dun. Mahal na mahal kita Pat. Matagal ko ng gustong aminin sayo na mahal na mahal kita. Pinigilan kong mahulog sayo pero lalo kitang minamahal sa araw-araw. Hindi ko na kayang itago sayo. Alam kong huli na. Alam kong may Coelli ka na. Hindi ko alam bakit ko pa sinasabi sayo to, basta ang alam ko lang mahal kita Pat. Hindi man ako yung piliin mo ngayon, pero handa akong maghintay na balang araw baka sakali. Mahal kita Pat. Mahal na mahal kita. Ikaw ang mahiwaga ko. Araw-araw kitang mamahalin kahit hindi ako yung mahal mo. Kasi hindi naman importante sa kin yun. Gusto ko lang na mapasaya ka, na mapasaya kita. Mahal na kita Pat simula pa lang nung una. Nung unang beses kitang nakilala hindi ka na naalis sa isip ko. Palagi na kitang gustong makita at gustong makasama. Siguradong sigurado ako sayo. Mahal kita Pat, mahal na mahal ki --"
Hindi ko na napigilan sarili ko at hinalikan ko na si Agnes. Naramdaman kong nagulat siya sa ginawa ko. Pero hindi na importante yun. Binitawan ko na yung pisngi niya at tiningnan ko rin siya sa mata.
"Mahal din kita Agnes."
