76

485 10 0
                                    

AGNES'S POV

Sigurado ako na wala ako sa wisyo the whole time na nagdadrive ako. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Si Pat naririnig ko na nagha-hum siya nung mga kanta sa radio. I like this feeling. Sana hindi na matapos tong gabi na to. Pero nakarating na kami sa venue kaya nagpark na rin ako. Ayokong bumaba ng sasakyan. Hindi ko pa ata kayang bitawan yung kamay ni Pat. I know that once we get out, my hands won't be able to go back to Pat's.

"Pat."

"Yes?"

"5 minutes lang please." She just smiled and held my hand tighter. Wala atang paglagyan yung tuwa ko. Hindi rin mawala yung ngiti sa mukha ko.

Nakakaramdam pa rin ako ng kaba. Ewan ko. Magkahalong saya at kaba talaga nararamdaman ko. But holding Pat's hands, it felt as if my hands fit hers perfectly. It was as if her's and mine just belonged there.

Nagulat kaming dalawa nung biglang may kumatok sa bintana ko kaya napabitaw kami. Pagtingin ko, andun si Andrew sa labas. Binaba ko yung bintana ko.

"Malanding gabi."sabi niya sa 'min. Panira ng moment tong si Andrew eh.

"Akala ko bukas pa kayo aakyat?"tanong ko sa kanya.

"Bukas pa sila. Kasama ko si Erika."sabi niya. Bumaba na kami ni Pat ng sasakyan.

"Anong ginagawa niyo dito?"tanong ko sa kanya.

"Manunuod kaming Pepper Alley eh. Balita ko magaling daw sila."sabi ni Andrew. Napangiti lang ako at pumasok na kami sa loob. Ang dami ng tao sa loob kaya inakbayan ko si Pat para hindi siya mahiwalay sa min.

"Kelan pa kayo dumating?"sabi ni Andrew sa min.

"Kaninang umaga lang."

"Nagcheck in na kayo sa hotel?"

"Hindi, sa bahay kami tumuloy."sabi ko.

"Speed talaga Lasaten. Meet the family ka pala today ah."sabi niya.

"Kailangan talaga mabilis Drew. Ikaw lang kasi nakikigulo ka eh."biro ni Pat.

"Bakit? Nakaistorbo ba ako sa moment niyo kanina?"sabi ni Andrew.

"Oo!"sagot naming dalawa ni Pat. Nagkatinginan lang kaming dalawa. Napangiti na lang din ako.

Maya-maya tinawag na yung mga kapatid ko sa stage. Proud talaga ako sa kanilang dalawa. Nakita ko na nage-enjoy din yung mga nanunuod sa kanila. Very proud ate moment lang talaga tong gabing to.

After ng set nila, umalis na rin kami at nagdinner kami nila Andrew sa isang Japanese resto tapos umuwi na rin kami. Ang bilis ng oras. Tapos na agad yung oras ko kasama si Pat. Pero natuwa ako habang magkakasama kaming kumakain. It's like she's always been a part of the family, like she was made to be with me. Hay Pat.

●●●●

Nakahiga na ulit kami ni Pat sa kama. Alam kong napagod siya sa sobrang daming lakad na ginawa namin. Pero nakatalikod ako sa kanya kaya hindi ko alam kung tulog na ba siya.

"Agnes, are you awake?"

"Yeah. Why?"

"Can I ask you something?"

"What?"

"Kung for any reason na magkakalayo tayo, would you miss me?" Humarap ako. Okay hindi ko ata dapat ginawa yun kasi medyo nagulat ako na I was very close to her. Mukhang nagulat din siya kasi narinig kong huminto yung paghinga niya at medyo nilayo niya yung ulo niya.

"You know what, nevermind. Sorry. Goodnight Agnes!"sabi niya tapos tumalikod na siya. Ramdam kong uminit yung tenga ko sa nangyari. Bakit kasi ang lapit niya pala sa kin? Ang lakas ng tibok ng puso ko. Naririnig niya kaya? Kinabahan ako dun. Tumalikod na ulit ako. Hindi ko alam kung pano at anong oras, pero nakatulog na ako.

5 MinutesWhere stories live. Discover now