116

426 7 0
                                    

PAT'S POV

"O ayan na ssob. Iwan ko na kayo."sabi ni Alex tapos umalis na siya.

Naglakad na kami ni Coelli papunta dun sa restaurant. Hindi ko alam kung bakit ang awkward ng pakiramdam ko. Pagpasok namin, humanap na kami ng upuan. Hinila ni Coelli yung upuan at pinaupo ako. Nag-order na rin siya ng pagkain.

"Madam, okay ka lang ba?"

"Oo naman."

"Bakit parang uneasy ka? Dati naman tayong kumakain na tayong dalawa lang ah."sabi niya. Totoo rin naman. Hindi ko lang din alam bakit parang ang awkward na ngayon.

"Sorry madam. Awkward ba? Isipin mo na lang na parang nung dati lang. Yung tipong parang lunch lang natin after the meeting."

"Hindi ko ata magagawa yun kasi pag ganon kailangan may kasamang sermon."sabi ko sa kanya. Natawa siya.

"Oo. Paborito mo kasi akong pagalitan eh."sabi niya. "Don't worry madam. 1 hour lang naman to tapos papalayain na kita." Ako naman yung natawa. Hindi naman torture na kumain kasabay niya. Ewan ko ba bakit ako naiilang.

Nagkwentuhan lang kaming dalawa habang kumakain. Nageffort din naman si Coelli na gawing less awkward yung lunch. Pinagusapan lang namin karamihan tungkol sa trabaho.

"Madam. Sorry, di ko lang mapigilan."

"Ano yun?"

"Ang ganda mo today." Ngumiti lang ako. Hindi ata ako sanay ng ganitong compliment.

"Sorry! Awkward. Pero madam may gusto rin pala sana akong ibigay sayo."sabi niya tapos inabot niya sa kin yung isang envelope. Pagbukas ko nakita ko na may dalawang concert tickets ng Paramore.

"Hala. Thank you Coelli. Kaya lang..."

"May tickets ka na?"

"Hindi wala pa. Kaya lang..."

"Ah. May kasama ka na?"sabi niya. Hindi ko pa naman talaga napagplanuhan manuod. Pero si Agnes sana ang gusto kong isama sa concert.

"Okay lang madam. Sayo naman na yang tickets na yan. Yung alam ko lang naman na happy ka, okay na sa kin yun."sabi niya tapos ngumiti siya. Nahiya naman ako.

"Hindi na. Nakakahiya naman." Sasama ba ako sa kanya?

"Ganito na lang madam. 2 months pa naman yan. Pag-isipan mo na lang muna. Kumain na muna tayo."sabi niya.

After naming kumain hinatid na rin ako ni Coelli pabalik ng office. Sinalubong naman agad ako ni Alex.

"Kumusta date?"

"Ikaw Alexandra ibubuhol kita eh."

"Nagtatanong lang. Ikaw naman. Ay nga pala madam, may pumunta nga pala kanina dito. Hinahanap ka."

"Ha? Sino daw?"

"Wait. Inaaalala ko nga pangalan... ano.. ayun!

"Agnes Reoma."

"Pumunta dito si Agnes?!"

"Oo. Hinahanap ka."

"Anong sinabi mo?"

"Kalma lang madam. Sabi ko nakipagdate ka lang. Babalik ka naman."

"BAKIT MO SINABING MAY DATE AKO?"

"Kalma madam. Sino ba yun? Jowa mo ba yun?" Oo nga naman. Bakit ba ako biglang kinabahan na nalaman ni Agnes na nakipaglunch ako? Bakit din siya pumunta dito?

"Hindi."sabi ko.

"Kung makareact ka kasi madam kala mo guilty ka eh. Jowa ka? Sino ba yun?" Soon to be girlfriend ko sana kung hindi siya magagalit ngayon.

5 MinutesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon