** Watch Hanggang Kailan as scored by Agnes Reoma.
AGNES'S POV
Hinatid ko na si Pat sa office niya dahil coding siya ngayon. Dalawang araw na lang Friday na. Mukhang hindi ako makakasama sa rehearsals at sa gig sa Sunday. Gusto ko pa naman sanang umuwi ng Baguio sa weekend. Namimiss ko na rin kasi yung pamilya ko.
Maghapon na rin akong nag-iisip ng concept at kung paanong arrangement ang gagawin ko. Natapos ko na halos lahat ng piece ko. Sobrang laking tulong ni Pat sa kin dahil yung ibang videos ay galing sa kanya at sinasabi niya sa kin paano mas magandang lapatan yung video. Para mas makapagconcentrate ako, pinasok ko yung mga gamit ko sa kwarto at dun na lang ako nagtrabaho.
Ginagawa ko na yung composition para sa recital ko. Pero habang pinapakinggan ko yung narrative at habang pinapanuod ko yung video, nanlumo ako. Mabigat ang mensahe nito. Kasing bigat ng mga kamay ko na hindi alam paano ko lalapatan ng music yung mga naririnig ko. Nakakagalit, nakakapanlumo. Hindi ko napigilan sarili ko at naiyak ako. Hindi ko kaya.
●●●●
PAT'S POV
Pumasok ako sa kwarto ni Agnes para ayain siyang kumain. Pero pagbukas ko nakita ko na nakatungo siya at umiiyak. Tiningnan ko yung computer niya at nakita ko yung video na pinapalabas. Tungkol siya sa war on drugs at extrajudicial killings. Kaya pala siya umiiyak. Malambot ang puso ni Agnes para sa mga ganito.
Lumapit ako kay Agnes at niyakap ko siya. Hinayaan ko lang siyang umiyak. Matapos ang ilang minuto tumigil na rin siya.
"Are you okay?" Tumango siya pero hindi pa rin siya nagrerespond. "Break ka muna."sabi ko sa kanya then I took her hand and hinila ko siya palabas ng kwarto. Ramdam kong pagod na siya at hindi rin nakakatulong na mabigat yung content na pinapanuod niya.
"I cooked dinner."sabi ko sa kanya. "Uy first time ko to kaya wag mo kong tatawanan."sabay hinain ko yung pagkain sa harap niya.
"Depende sa lasa."sabi niya. Ngumiti ako. Alam kong medyo gumaan na yung pakiramdam niya. Sumubo na siya. "Masarap ka naman pala magluto eh."sabi niya then she smiled.
"Ayan. Ganyan."sabi ko. "Dapat lagi ka lang nakangiti."sabi ko sa kanya. Nagulat ako kasi tumayo siya tapos niyakap ako galing sa likod at bigla siyang bumulong sa tenga ko. Naramdaman kong tumayo yung balahibo ko sa batok. Nakuryente ata ako.
"Thank you Pat. For making me feel better."
