36

505 9 0
                                    

PAT'S POV

I hate Wednesdays kasi coding yung sasakyan and I need to commute to work. Alam niyo yung ang aga mo aalis ng Laguna para di ka malate? Tapos pipila ka sa MRT or tatayo ka sa bus. Ang hassle lang din kasi talaga.

Tumunog yung phone ko pero hindi ko pinansin kasi ayokong maglabas ng phone at delikado. Pagdating ko sa building namin, nakita ko na nagmessage pala si Agnes.

• Good morning Pat. Ingat ka on your way to work. See you soon!

Hi Agnes. Just arrived sa building. Ingat ka rin. See you! •

Papunta na ako sa desk ko nung napansin kong nagkukumpulan yung mga officemates ko.

"Hoy. Anong ginagawa niyo dyan?"sabi ko.

"Teka teka. Tumabi kayo at baka matapakan niyo yung napakahabang buhok ni Pat."sabi ni Alex.

"Di mo naman kami ininform."sabi ni Coelli.

"Ano bang pinagsasasabi niyo?"sabi ko tapos tumabi sila. Nagulat ako na may chocolates at drawing ng sunflower sa table ko.

Pat,

I know that you're coding today (from your plate number) and I know that commuting is hard. So here's something to make you feel better. I think this would not be enough so perhaps lunch at 12 sounds better? I'll pick you up.

M.A.R.

Sino to?

Pinag-isipan ko kung sino naman to. Wala naman akong naiisip na gagawa nito kundi si Agnes. Pero paano naman niya malalaman saan ako nagtatrabaho eh di ko naman nilalagay company ko sa Facebook? O baka sila Alex lang to at pinapagtripan lang ako?

Nung lunch time, inaaya na ako kumain nila Coelli pero nagdecline ako.

"Ay kasi may ka-lunch date nga pala siya."sabi ni Alex.

"Hindi yun date."

"Eh kung samahan ka na lang namin?"sabi ni Coelli.

"Hindi na. Kaya ko naman sarili ko. Pati mukhang may idea naman ako kung sino. Sige na mauna na kayo."sabi ko sa kanila.

"Sure ka ha?"sabi ni Coelli. Tumango ako kaya umalis na sila ni Alex. Inayos ko lang gamit ko at bumaba na rin ako. Pag baba ko sa lobby, andun na nga siya. Sabi ko na nga ba. Maristella Agnes Reoma.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Aayain ka maglunch."

"Oo nga pero paano mo nalaman office ko? Sinusundan mo 'ko 'no?"biro ko.

"Alam mo Pat, kung susundan rin lang kita, sana sinundo na lang kita sa Laguna. Papayag ba naman akong mahirapan ka?"sabi niya tapos ngumiti siya.

"Alam mo cute mo, sarap mo ibulsa."sagot ko sa kanya.

"Alam mo pangalawang beses mo na akong tinawag na cute, namumuro ka na. Baka isang tawag mo pa sa kin ng cute angkinin na kita."

5 MinutesWhere stories live. Discover now