PAT'S POV
Malapit na akong matapos dun sa libro. Siguro mga isang chapter na lang or less. Parang last ten pages na lang ata ako. Nakahiga ako sa legs ni Agnes habang nakaupo siya sa sofa at naglalaro.
"Matatapos mo na ba?"sabi niya sa kin. Tumango ako.
"Yes. Why?"
"Wala naman. Is it good?"
"Yeah. Lalo na kasi may importanteng letter sa loob."sabi ko. Ngumiti lang siya.
"Do you want something?"
"Wala love. Okay lang ako. Tapusin ko lang din to."sabi ko pero tumayo na ako kasi tatayo siya. Lumipat ako sa may balcony. Mas masarap kasi magbasa dun. Naririnig ko si Agnes na gumagawa ng kape at nagluluto ng meryenda. Nakatalikod ako sa kanya kaya hindi ko sigurado kung anong niluluto niya.
Nung nasa dulong page na ako, nakita ko na yung mga naka-bold na letters. I had to write it down.
WILL
YOU
SANDALI. Biglang kumabog ang dibdib ko. Hindi ko pa natatapos yung nakasulat pero napatayo na ako. Paglingon ko, nakita ko si Agnes na nakaluhod na at may hawak na singsing.
"Nasabi ko na yata lahat ng dapat kong sabihin. But Pat, being with you is the happiest I've ever been. Patricia Lasaten. Will you marry me?"
I can feel tears starting to form. Parang lumulutang pa rin ako. Umiikot ata yung paligid. I am overwhelmed. Wait. Isn't this too soon? Handa na ba kaming magpakasal? Sandali. I can't even wrap my head on what's happening.
Niyakap ko si Agnes. Hindi ko maexplain. Hindi ako makapaniwala. Naramdaman ko na umiiyak din siya. Hinalikan ko siya.
"I love you Agnes and yes, I will marry you."
