AGNES'S POV
Valentines na ngayon at maaga sinundo ni Alex si Pat. Hindi ko nga gets bakit ang aga nyang sinundo si Pat eh mamayang gabi pa naman yung pyro. Kinuha ko na lang yung phone ko at tinawagan ko si Jam.
"Jam."
' Yo. What's up? '
"May plans ka ba today? Labas tayo!"aya ko sa kanya.
' Himala. Wala kayong date ni Pat? '
"Wala. May date sila ni Coelli."
' Tsk Agnes. You're so slow kasi. Papatalo ka na lang ba palagi kay Coelli. '
"Eh ano namang gagawin ko di ba? Matagal na daw siyang nagpromise sa kanila."
' Fine. Whatever. Pero sige. Let's have dinner. Daanan mo na lang ako. May naisip ako. '
Anong naisip nito?
Sinundo ko si Jam and nagpunta lang kami sa isang restobar. Wala ito na lang kasi yung lugar na wala masyadong tao.
"Anong plano mo?"
"Hahanapan ka ng date."
"Sira! Hindi ako naghahanap ng date. Alam mo namang si Pat..."
"Shhh! Gusto mo bang sumulpot si Pat dito?"
"Ano si Pat, she who must not be named?"
"Sira. Pero kung si Pat naman ang gusto mo talaga makadate, sisiguraduhin kong darating siya."
"Ano ka genie? Hoy Jam, di pa tayo umiinom parang lasing ka na."
"Gusto mo ba o hindi? Mga 45 minutes na drive lang to mula sa MOA. Mga 30 minutes depende sa galit ni Pat."
"Hoy! Umayos ka Josephine Amelia! Walang sasakyan si Pat. Sinundo siya ni Alex. At baka awayin lang ako nyan."
"Agnes, relax. May pasurprise ka ba kay Pat?"
"Wala. Eh kasi alam ko namang hindi kami magce-celebrate together."
"Gahd Reoma. How will I help you kung ganyan ka kahina? Flowers umorder ka ba?"
"No."
"Chocolates?"
"No."
"Susmiyo marimar."
Bakit nga ba wala akong hinanda? Uuwi naman si Pat? Bakit nga hindi ko yun naisip?
"Itutuloy ko pa ba plano ko o mapapahiya ako dito?"sabi ni Jam.
"Alam mo ikaw sira ulo ka rin eh. Ang sabi ko sayo, lumabas tayo today for dinner. Hindi ko naman sinabing i-plano natin paano ko aagawin si Pat sa kadate niya."
"Gusto mo ba o ayaw mo?"
"Syempre gusto ko. Pero.. kasi.."
"Walang kasi-kasi Agnes. Mag-isip ka na ng surprise mo para kay Pat. Kahit sa condo mo. Basta ang gagawin ko lang sisiguraduhin ko lang na uuwi si Patricia sa condo."
"Teka muna. Di mo man lang ba ako pakakainin? Grabe ka namang ka-date."
"Arte mo. Sige na, let's go eat. Pero sagot mo 'to kasi ihahandover naman kita sa talagang gusto mo."
