AGNES'S POV
Naghuhugas ako ng plato nung biglang lumapit si Mama sa kin.
"Aggie."
"Po?"
"Hindi naman sa pinapalayas na kita, pero wala ka bang balak na bumalik ng Maynila? Siguradong hinahanap ka na ng mga kaibigan mo."
"Alam naman nilang andito ako Ma. Uuwi rin naman ako pero gusto ko lang muna magpahinga."sabi ko. Hindi ko pa rin sinasabi sa kanya kung bakit ako nandito. Kasi kahit ako hindi ko pa rin alam kung bakit.
"Anak, walang masamang magpahinga kung pagod ka. Pero kung andito ka para tumakbo sa problema, yun ang masama. Kailangan mong harapin ang mga problema mo Aggie. Hindi ka pwedeng tumakbo at magtago lang habang buhay."sabi niya sabay inakbayan niya ako at niyakap ng patagilid. "Hindi mo pwedeng takasan ang puso."
"Ate. May bisita ka."sabi ni Lia. Sino naman yun? Pagpunta ko sa sala nagulat ako kasi andun si Andrew.
Inaya ko siya lumabas at pumunta sa Burnham.
"Bakit ka pa nagpunta dito?"tanong ko sa kanya.
"Come on Agnes. Bumalik ka na. The band needs you. We need you."
"I just need time Drew. Babalik naman ako."
"Alam mo Agnes screw that. Akala ko ba mahal mo si Pat?"
"Mahal ko nga siya. Kaya ko nga to ginagawa."
"Ganyan ba karupok ang pagmamahal mo para sa kanya Agnes? Kung talagang mahal mo siya, get your ass down in Manila and be happy for her!"
"I can't. Hindi ko pa kaya Drew. I don't know how to face her. I don't know paano magsisimula. I want what's best for Pat. Alam niyo yun. Alam niyong lahat yun. And I want to give everything that would make her happy but I can't be happy right now for her. Kasi katangahan ko to eh. I had my chance. Wala pa si Coelli may chance na ako. Dumating si Coelli, I still had my chance but I let it go."
"Mahal mo ba si Pat?"
"Ano ba namang tanong yan?"
"God Agnes, oo o hindi lang."
"Oo naman. Mahal na mahal ko siya."
"Then fight for it. Mahal mo pala siya eh. Kung ayaw mong ipaglaban, mahalin mo pa rin siya. Dapat ba tumigil ka sa pagmamahal sa kanya dahil lang may girlfriend na siya? Minahal mo ba siya dahil single siya o minahal mo siya kasi si Pat siya?"sabi ni Andrew. Tamang dito ko siya dinala. Sa lakas ng boses niya malamang nabulabog namin mga kapitbahay namin. "Tangina Agnes. Hindi pa naman sila kasal. Maaagaw mo pa si Pat."
"Gago."
"Look, nagmamahal tayo dahil mahal natin yung tao. Sure okay kung mahalin din nila tayo pabalik pero sabi nga ni tita Toni..."
"Dakila ang pagmamahal na walang inaantay na kapalit."sabi namin ng sabay. Bumuntong hininga na lang ako. Tama naman si Andrew. Huli man na ang lahat, pero hindi ko rin naman maitatanggi sa sarili kong mahal ko pa rin si Pat.
"Uwi ka na Agnes. Nag-aantay kami sayo."
