122

440 9 0
                                    

JAM'S POV

"Sino kausap mo?"sabi ni Agnes. Lumabas kasi siya para bumili ng chocolate sa malapit na convenience store sa condo niya.

"Ah. Si Pat."

"O, anong sabi niya?"

"Uuwi na daw siya."

Halatang nagtaka si Agnes sa sinabi ko. Pero after ilang minutes, narinig ko na may tao sa labas ng pinto at naghahanap ng susi. Hay nako Patricia. Marupok ka talaga. I laughed quietly.

"ANONG GINAGAWA MO DITO?!" sigaw ni Pat.

"O. Andito ka na."sabi ni Agnes. Halatang naguluhan din si Agnes kung anong nangyayari. Hindi ko na napigilan sarili ko, natawa na lang ako ng tuluyan.

"Galit na galit, gusto manakit?"sabi ko kay Pat.

"UMAYOS KA JAMANTHA! ANONG IBIG SABIHIN NITO?"tumingin siya bigla kay Agnes. Scary niya ma.

"ISA KA PA!"sigaw niya kay Agnes. Katakot naman to si Patricia Mae.

"Teka, anong ginawa ko?"sabi ni Agnes.

"Patricia Mae. Calm down. Walang alam si Agnes."sabi ko. Namumula sa inis si Pat kaya lalo akong natawa.

"Hoy Jam. Anong sinabi mo kay Pat?"sabi ni Agnes.

"Secret. Di na mahalaga anong sinabi ko kay Pat. Ang mahalaga dito, yung sasabihin mo sa kanya. O siya. Goodnight love birds. Ako naman ang may date."sabi ko sa kanila tapos umalis na ako.

Nagwagi nanaman po ako.

●●●●

PAT'S POV

Iritable pa rin ako. Bwisit talaga to si Jam eh.

"Nasaan date mo?"tanong ko kay Agnes.

"Ayun kakaalis lang."

"AH SO MAY KADATE KA NGA?!"

"Huy bakit ka nagagalit? Si Jam. Si Jam kadate ko. Iniwan mo kasi ako, kaya inaya ko si Jam magdinner. Ano bang nangyari?"

"Did you know about her post?"

"What post?"sabi ni Agnes tapos hinanap niya agad yung phone niya. "Ay."

"Ay ka dyan. Sabi ni Jam alam mo!"

"Wait, wait. I didn't know. She told me she has a plan. Then she sent me out. May binili ako so I didn't know."

"So wait..."sabi ni Agnes.

"Umuwi ka ba because you thought I had a date?"sabi niya tapos ngingiti-ngiti siya.

"No."

"Promise?"

"Hindi nga!"

"Swear?"

"OKAY FINE. Happy?"sabi ko sa kanya.

"Pat ha."sabi niya tapos nakangiti lang siya. Nagulat ako kasi kinuha niya yung flowers na hawak ko tapos kinuha niya yung kamay ko.

"I won't date anyone else. Promise."sabi niya. Susko naman talaga Agnes. "Kahit sa kabilang buhay."

"Sira."sabi ko sa kanya.

Hindi ko alam pero bigla akong naconscious kasi feeling ko mahahalikan ko siya eh. Inalis ko na yung kamay ko tapos kinuha ko na yung flowers. Naghahanap ako ng pwedeng paglagyan nung nakita ko yung drawing ni Agnes ng sunflower na may nakalagay na Happy Valentines at may nakapatong na chocolate sa counter.

"Sorry, I didn't have time to buy you a real one. And kaya ako lumabas.."nahihiyang sabi ni Agnes at napakamot na lang siya ng ulo. I smiled.

All these flowers in the world and yet, itong drawing na to ang pinakamaganda.

5 MinutesWhere stories live. Discover now