150

540 7 0
                                    

AGNES'S POV

"Hindi ka naman magpapapigil Aji."

"Bakit namumugto yung mata mo?"sabi ko.

"Wala. I'm just tired."sabi niya. But alam kong natakot siya at nag-alala siya. I can see it in her eyes. Umalis na silang lahat at kami na lang dalawa ang naiwan. Nakaupo siya ngayon sa tabi ko.

"I'll call Emil. Ipapahatid kita sa condo para makapahinga kang maayos."sabi ko.

"No. Babantayan kita. Narinig mo naman sinabi ni Tita Val di ba?"sabi niya.

"Pat, you shouldn't even be here. You should leave. Kaya ko naman sarili k--"sabi ko sa kanya.

"Bakit Agnes?"madiin na sabi niya. Nararamdaman kong nagagalit na siya dahil tumataas na ang boses niya.

"You have been avoiding me since you got back from Baguio. Ni hindi ko alam ano bang nangyari sayo dun. Tingin mo hindi ko napapansin na iniiwasan mo ako?! PARA SAAN AGNES? I DESERVE TO KNOW!"sabi niya tapos naiyak na siya. Tinakpan niya yung mukha niya ng mga kamay niya. All these pain relievers yet none of them works for my heart. Mas nadudurog yung puso ko nung nakikita kong umiiyak si Pat.

"Pat."

Hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak at hindi pa rin niya ako tinitingnan. I know it's hard for her. Alam kong nahihirapan din siya dahil bigla na lang akong umiwas ng walang dahilan and it is unfair for her. Lalo na ngayon. I know she got worried. I heard her screaming nung nasa ER pa ako. She was angry and this whole mess is hurting her too.

I pulled her up for a hug. Naramdaman kong tumulo din yung luha ko. I can't. I can't just let her go. Yumakap din siya sa kin at iyak pa rin siya ng iyak. She's having another breakdown. Naalala ko nung time na nahimatay ako. She was there just crying the whole night.

"Don't leave me please."sabi ko sa kanya. Lalo niyang hinigpitan yung yakap niya sa kin at iyak pa rin siya ng iyak.

Hindi ko rin naman kayang tuluyang mawala sa kin si Pat. Alam kong kailangan kong dumistansya para maging masaya sila ni Coelli, pero hindi ko kayang mawala siya sa kin ng tuluyan. Kung bestfriend na lang ako, I'll be exactly that.

"Pat, stop crying. I'm sorry." Hinalikan ko siya sa noo.

"I..can't."sabi niya tapos umiyak pa rin siya. "I.. I... I... missed... I... missed... you.. Aji."sabi niya in between sobs. "I got scared. You were hurt.. I... we shouldn't have agreed to --"

"Shh. Tahan na Pat."sabi ko sa kanya and I hugged her tighter. She wasn't talking. Umiiyak lang siya. I waited for her to calm down. Nung medyo nahimasmasan na siya, bumitaw na siya sa 'kin but she rested her head in my chest. Hindi niya pa rin ako tinitingnan. I think nakatingin siya sa mga benda ko. Maya maya kumuha siya ng tubig at uminom. Pinunasan niya rin yung luha niya at umupo na siya ulit sa tabi ko. Hay Pat. Paano ba naman kita titiisin kung iiyakan mo ako ng ganyan?

"Pat, 5 minutes please."sabi ko sa kanya.

"What?"

"Can you please stay here?"sabi ko sa kanya tapos tinuro ko yung kama at umusog ako. Humiga naman siya sa tabi ko. Niyakap ko ulit siya. Kahit man lang sa 5 minutes na to maging akin man lang siya. Kahit ngayon lang.

5 MinutesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora