114

446 10 1
                                    

AGNES'S POV

"WHAT?"sabi ni Poch tapos nanlaki yung mata niya.

"I mean, sa 'kin na lang si Pat. Since sabay naman kami uuwi and para hindi na mahirapan maglipat ng gamit mamaya. Si Keifer na lang siguro kay Coelli."sabi ko. Magkakilala na rin pala si Keifer at si Coelli noon pa. Nagkasama na sila sa isang gig dati.

"Oh. Sige okay lang naman."sabi ni Coelli. "Saan ka pala nakapark Agnes? Samahan ko na muna kayo para malagay ko tong keyboard."sabi niya. I just nodded to acknowledge what she said.

"Okay, well settled na tayo ha. See you there na lang sa resto."sabi ni Poch tapos lumabas na kami.

Nauna kaming lumakad nila Andrew habang nakasunod naman sa 'min si Coelli, si Pat, at si Keifer.

"Brave strong ka dun ha."sabi ni Toni sa kin.

"Sira."

"Gusto mo yung ganon Tones? Pa-mine naman po sa keyboardist."sabi ni Andrew.

"Shh! Mamaya marinig kayo."saway ko sa kanila.

"Style mo Maristella."sabi ni Andrew. "Nangangamoy PatLi versus PatNes to ah."

"Tumigil ka nga. Walang versus okay..."sabi ko tapos binuksan ko yung pinto ng sasakyan.

"... dahil walang PatLi."

Pumunta na kami sa resto. Nakangiti lang sila Andrew sa likod habang katabi ko si Pat. Busy naman si Pat sa pag-aayos ng mga gamit niya.

"Baba na kayo."sabi ko habang nakahinto ako sa entrance nung resto.

"No na. Samahan kita sa parking."sabi ni Pat.

"Well sasama na kaming lahat."sabi ni Andrew. Kaya ayun, magkakasama pa kami hanggang sa parking. Nilock ko yung sasakyan tapos naglakad na kami. Pagpasok namin, naunang pumasok si Pat. Hihilahin ko sana yung upuan para kay Pat pero hinila rin ni Coelli kaya pareho kaming nakahawak sa upuan.

"Ay sorry Agnes. Dito ka ba uupo?"sabi ni Coelli.

"Ah hindi. Okay lang."

"Hala. Sorry talaga. Dito ka na. Let me just pull up another chair for Pat."sabi ni Coelli.

"No. Okay lang, dyan na si Pat sa tabi mo."sabi ko sa kanya tapos umupo ako sa tapat ni Pat.

"Nako. 1-0."sabi ni Andrew. Napalingon kaming lahat sa kanya.

"Ay sorry. One big fight! Lamang na Ateneo."sabi ni Andrew. Tiningnan ko siya ng masama. Minsan talaga tong si Drew eh.

Nagstart na kaming magluto. Nung napansin kong may naluto na nung pork, nilagay ko yung luto na sa plato ni Pat. Lalagyan palang din sana ni Coelli yung plato ni Pat pero naunahan ko siya.

"Thank you."sabi ni Pat.

"Tie na ba?"sabi ni Toni kay Andrew.

"Ay oo mukhang tabla na."sabi ni Andrew tapos kunyari pinapakita niya phone niya kay Toni. Gusto ko silang sipain sa ilalim ng mesa eh. Ang kukulit nila.

"Iced tea madam."sabi ni Coelli sabay inabutan niya ng juice si Pat. After niyang abutan si Pat, nilagyan niya rin lahat ng baso namin.

"Alam mo Drew, yung manok ko ang bagal talaga no?"sabi ni Toni.

"Ang bagal talaga."sabi ni Jam.

"Oy."sabi ko sa kanila. Tumingin sa 'min si Pat.

"Pasali naman ako dyan."sabi ni Pat. "Ano yan?" Mga pisti. O kayo ngayon sumagot kay Pat.

"Ito o."sabi ni Andrew tapos pinakita niya phone niya. May UAAP game nga ang Ateneo. Ready ka ah.

"Sinong manok mo dyan Tones?"sabi ni Pat.

"Si Agnes." Nalunok ko tuloy ng buo yung pork. Naubo tuloy ako ng sobra. Shet. Bumara ata talaga yung baboy. Ubo pa rin ako ng ubo.

"Agnes okay ka lang?"sabi ni Pat tapos inabutan ako ni Coelli ng tubig. Tumayo naman si Pat at mahina niyang hinahampas yung likod ko. Inyo na yung score niyo. Panalo na 'ko. Chars. Naluluha na ako sa kakaubo.

"You okay?"sabi ni Pat. Tumango ako. Bumalik na rin siya sa upuan niya. Langya to si Toni.

"Okay ka lang? Ito pa tubig."sabi ni Coelli tapos inabot niya sa 'kin yung tubig. Alam ba niyang gusto ko si Pat?

"Thanks."sabi ko. Sumakit dibdib ko. Tiningnan ko ng masama si Toni.

"As I was saying... si Agnes, ako, si Jam, ang manok talaga namin si Melecio. Eh kaso ang bagal kasi tumakbo."sabi ni Toni. Nice save.

Nagkwentuhan na lang kami after ng dinner. Pinagusapan din namin kung anong future plans na gagawin namin para sa mga kanta namin.

"Uy PatNes. Next song natin gawa kayo ng solo niyo ha."sabi ni Migs.

"PatNes?"tanong ni Coelli tapos tiningnan niya kami ni Pat.

"Ah.. oo.. kasi... ano.. para mabilis lang namin sila tawagin ganyan."explain ni Migs. Natatawa ako kasi alam kong naging conscious siya bigla. Ayaw ni Migs maging insenstive kaya nag-iisip siya ng palusot niya. "Parang si Jam pati si Poch, JaPoch. Ganyan. Si Agnes at si Poch, PochNes. Mga tandems para mabilis lang tawagin."dagdag niya. Sige Migs, explain pa. Di na namin napigilan ni Jam tumawa.

Pero para marescue na si Migs sa awkward explanation niya, kinuha na ni Pao yung bill namin. After namin magbayad, nagpaalam na kami sa isa't isa tapos pumunta na kami ng parking.

"Uh madam. Aalis ka na ba?"

"Bakit?"

"Ibibigay ko lang sana to."sabi ni Coelli tapos nag-abot siya ng maliit na cake kay Pat.

"Alam ko kasi na kapag kumakain tayo lagi kang naghahanap ng matamis after. Eh nadaanan namin ni Keif kanina. Naalala kita."

"Ah. Thank you ha. Though di naman kailangan. Thank you."sabi ni Pat.

"Hatid ko na kayo sa parking niyo?"

"Di na. Kasama ko naman na si Agnes."

"Ah.. sige. Hatid na lang kita sa tingin."sabi ni Coelli kaya kumaway na kami sa kanya.

"Madam."

"Yes?"

"Ingat kayo."

"Don't worry safe siya sa kin."sagot ko. Ngumiti lang siya tapos kumaway lang ulit. Naglakad na kami ni Pat.

"Madam!"

"O?"

"I love you."

Okay.

Coelli - 10,000
Agnes - 0

"Sira."sabi ni Pat tapos ngumiti siya at kumaway na kay Coelli. Pakiramdam ko binuhusan ako ng tubig. Yung ngiti ni Pat kitang-kita ko. Saan ba kumukuha ng lakas ng loob si Coelli na sabihin yun kay Pat? Bakit hindi ko makayang gawin yun sa kanya?

Pagbalik namin sa sasakyan tinitingnan pa rin ni Pat yung cake niya. Ano kayang iniisip niya?

"Gusto mo?"tanong niya sa kin.

"Hindi na. Thank you."sabi ko.

"Mukhang masarap o."sabi niya tapos pinakita niya sa kin.

"May alam akong mas masarap pa dyan."

"Ano?"

"Mahalin ka."

"Bakit mahal mo ba ako?" Sasabihin ko ba? Aaminin ko na ba?

"Oo..."

"Oo?"sabi niya. Nakita ko na nanlaki yung mata ni Pat sa sobrang gulat.

"...as a friend."dagdag ko.

ANONG KATANGAHAN YUN MARISTELLA? BAKIT BINAWI MO PA?

5 MinutesHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin