PAT'S POV
Pumasok na kami ng kwarto. Tulog pa rin si Agnes at under observation pa. Pero medyo nakahinga na ako ng maluwag nung sinabi ng doctor na safe naman na siya.
"I had a call with her mom. Dati na daw may gastritis si Agnes and she always have medicine with her. Baka naiwan lang daw today. Sabi rin niya na nangyari na to with Agnes before. She was in so much pain and her bp dropped. She was very worried pero sinabi ko sa kanya na okay naman na si Agnes. Tinatanong din niya kung kasama ka daw ba ni Agnes."sabi ni Tita Val.
"Did you know na may gastritis siya?"sabi ni Tita Val. Umiling ako. Sa lakas niyang magkape, hindi ko naman naisip na may gastritis siya. Wala rin naman nabanggit si Tita at hindi naman yun sinabi sa kin ni Agnes. Ang hilig pa naman din niyang wag kumain pag umaga.
"Tita Val, guys, ako na lang ang magbabantay kay Agnes. Umuwi na kayo to get some rest."sabi ko sa kanila habang nakaupo kaming lahat. Hindi pa rin nagigising si Agnes.
"We're okay Patty. We can wait until she wakes up."sabi ni Keifer.
"Pat, don't worry. She's fine."sabi ni Pao tapos pinisil niya yung balikat ko.
I know she's safe but I still can't help na matakot. Until now nanginginig pa rin yung mga kamay ko. I feel helpless.
●●●●
AGNES'S POV
Nagising ako na nasa loob na ako ng isang kwarto. Hindi ko alam kung anong nangyari. Ang natatandaan ko lang sobrang sakit ng tyan ko at nahihilo ako.
Naramdaman ko na may nakahawak sa kamay ko. Tiningnan ko kung sino at nakita ko na nakayuko siya at natutulog. Hinawakan ko yung ulo niya. Halatang nagulat siya.
"Aji. Gising ka na."sabi niya tapos kinusot nya yung mata niya. "Are you okay?" Tumango ako.
"Anong nangyari?"tanong ko sa kanya.
"Hinimatay ka after ng gig natin eh."
"Gig? Wait, kabanda kita?"tanong ko sa kanya. Kumunot yung noo niya
"Anong sinasabi mo?"
"Sorry, pero..."sabi ko sa kanya. "Sino ka?"
