II

14.8K 180 4
                                    

II

"Bash mauna ka na sa canteen. Cr lang ako." Paalam ko kay Lana. Naiihi na kasi ako..

"Sige. Ingat ka. Kaninang discusion ang lagkit ng tingin sayo ni sr. Alcantara." Paalala nito. Di naman siguro. Di ko naman napapansin. Nagtuturo lang naman sya kanina.

"Bash utak mo. Sa gwapo ba naman ni sir pagtutuunan pa nya ako ng pansin? I doubt it. Mauna ka na nga. Mamaya wala ng vacant seats don. Tatadyakan kita." Singhal ko sa kanya. Paarte nya akong inirapan at iniwan na ako...

------

Success...

Haha Pag labas ko ng cr wala ng masyadong tao sa hallway siguro umuwi na yung iba yung iba naman nasa canteen na. Ahh ano ba paki alam ko. Naglakad nalang ako papuntang canteen. Siguradong mapapagalitan na ako ng sira na yun. Lakad lang ako ng lakad hanggang sa.....

"Ahhhh!!" Sigaw ko. May nanghatak sakin at natagpuan ko nalang ang sarili ko sa loob ng isang madilim na kwarto. Parang ito yung stock room ng school. Binalot ng takot ang buo kong sistema. Shit!! Sino ba to!? Ano ba kaylangan nya sakin. Pilit akong sumisigaw at kumakawala pero napaka lakas ng lalaking may hawak sakin. May panyo sa mukha ko at nakakahilo ang amoy nun.

"Sleep for now Maxine." Bulong ng taong yun sakin hangang sa nawalan na ako ng malay....

--------------

ANTHONY

"Lana!! Nakita mo si Max??" Tanong ko sa kaibigan ni Max ng mapadaan sya sa bilyarang pinagtatambayan namin. Ano oras na kasi? Halos ala sais na tapos wala pa yung babaeng yun. May pustahan pa naman kami mamaya. Hasler yung babaeng yun sa bilyar. Pag yun kumana. Wala ng magagawa yung iba. Talo na.

"Ayung babae yun!! Pinaghintay nya ako sa canteen kanina tapos di pumunta! Di rin pumasok ng hapon." Inis na inis nitong sabi. Napakunot ng noo ko. Di nya gawaing nag skip ng classes.

"Di nya gagawin yun." komento ko.

"Ayun na nga di nya gagawin. Nag aalala nga ako sa babaeng yun. Sana lang di totoo kutob ko." Sya. Nangunot naman ang noo ko.

"Ano yun?"

"Wala sige alis na ako." Paalam nya at nauna ng maglakad. Naiwan naman ako dito. San na ba yun!

"Si Max wala pa?" Tanong ng isa naming kaibigan.

"Wala pa bro. Ituloy nalang kaya natin bukas?" Tanong ko. Sila lang naman kapustahan namin. Natawa naman ito.

"Sige sige, hanapin mo na yang girlfriend mong mas lalaki pang gumalaw sayo!" Ito at pinagtulakan na ako.

"Ulul di ko pa gf yun."

"May 'pa' talaga. Hahaha"

"Naman. Haha sige bye na." saka ako umalis doon..

----------

Teacher's ObsessionWhere stories live. Discover now