XL

4.1K 78 0
                                    

XL

Anthony

"Bro tama na yan. Nakakadami ka na!" Sigaw ni Trigger sakin. Nasa bar kami. VIP dahil kay Erick ang bar na to. Sa Manila. Yes! Matapos yung pagkikitang yun inuwi nila agad ako. Tang ina ang sakit sakit! Kitang kita ko sa mata nya na mahal nya yung putang inang rapist nya!!

"Bakit!? Rapist nya yon! Rapist nya! Bakit minahal nya!" Sigaw ko sabay tungga ng beer na hawak ko pero kinuha yun ni Kiel.

"Bro. Nakita mo ba yung mata ni Maxine! She fucking care about you!! She wants you to be happy. Nakikita mo ba na nasasaktan sya pag nakikita ka nyang nasasaktan! Tang ina Anthony. Napaka insensitive mo!" Galit na galit nyang sabi sakin. Nasasaktan!? Natawa ako. Nasasaktan sya sa lagay na yun!? Halata sa kanya yung saya habang binibilan ng kung ano ano ang lalaking yun. Sya masayang masaya ako!! Tang ina ako! Eto miserable!

"I think her tummy ached that time." Kris. Napatingin ako sa kanya.

"Yeah I see her. Sapo sapo nya yung tyan nya kanina. She was in pain that time. Her pregnancy reflect her emotion. Stress sya that time." napangiti ako.

"Sana nga ay mawala nalang yung anak nila. Baka bumali---"

*bogsh.*

Naramdaman ko nalang ang sakit ng kanang pisngi ko. Napatumba ako sa couch. Napatingin ako kay Kiel. Galit na galit sya.

"You son of a bitch!! You know how much she value the life of other. Yung anak pa kaya nya. Ganyan ka na ba kahibang para ipanalangin na mamatay anak nya!? Tarantado ka pala eh!" sigaw nya habang pinipigilan sya ni Trigger at Erick. Napaiyak nalang ako.

"Di nyo alam kung gano kasakit ang nararamdaman ko!! Sabi nya mahal nya ako! Sabi nya mahal nya ko! Sabi nya yun" humahagulgol kong sabi. Di ko nalang talaga kaya! Mawala na lahat wag lang si Max. Wag lang sya. Wag lang nya akong iwan! Natahimik silang lahat.

Tumayo ako at wala sa direkton ang isip. Sya lang ang iniisip ko. Yung ngiti nya, yakap nya, haplos nya. Mukha. Kung paanong mapakatama ng bawat sandali na kasama ko sya.

"Maxine." Wala sa loob kong sabi..

Girl's P.o.v

Pauwi na ako galing sa trabaho ng may makita akong lalaki na parang lasing. Umiiyak sya at parang may tinatawag sa kabilang side ng kalsada. Infernes kay kuya. Zack Efron ang itsura!!! Ang wafu!!! Patawin na sya!! Langya bawal kayang tumawid dyan. Ang bibilis ng kotse.

"Hala kuya!!!" Sigaw ko at tinakbo ko na sya. Hinila ko sya pabalik dahilan para mapaupo ako sya naman ay mapahiga sa hita ko.

Haizt ang sakit ng pwit ko!!

"Maxine please. Wag mo kong iwan." lumambot yung puso ko ng marinig ko sinabi nya. Maxine!! Second name ko yun. Pero syempre wag assuming.. Pero sa gwapo nya umiiyak sya. Kawawa naman nito. Nakatulog na sya sa hita ko pero umiiyak parin. Tiningnan ko yung mukha nya. Shit ang kinis! Ang puti. Ang pula ng labi at ang tangos ng ilong.

"Anthony!!!" Sigaw ng mga lalaki. Napatingin naman ako doon. Heaven!! Ang wa wafuu!! *Q* Pinagtulungan nilang buhatin si wafung lasing.

"Sorry miss.. Nasaktan ka ba? May problema lang yung kaibigan ko." Nganga ako. Si Sehun ba to!? Yung isa si Tao! Yung isa si... Uhhh sino yun yung bida sa Percy Jackson! Tapos yung isa si Ren ng NUEST!! Oh Gee!!!

Tinulungan ako ni kamuka ni Tao. Tapos si kamuka ni Ren at Percy Jacson nakahawak kay Zack Efron!

"O-okey lang." lumakad na ako.

"Max please wag.." Kaloka. Di ikaw yun!!! Assumera. Pero masayang mag assume! Wafu kasi eh!! Hahahaha

------------------------------------------------------------------------------

Teacher's ObsessionWhere stories live. Discover now