XXXV

3.7K 79 0
                                    


XXXV

Maxine

Nabitawan ko ang hawak ko ng makita ko sya. Totoo ba tong nakikita ko? Si Anthony nga ba talaga to. Mabagal ang lakad ko na papunta sa kanya. Si Anthony to diba? Di naman ako namamalik mata.

"Maxine." Sya at tinakbo na ako at niyakap. Di ko alam ang nararamdaman ko. Pero ang nangingibabaw ay saya. Ang tagal ko syang di nakita. Miss na miss ko sya pero bakit parang may iba. Mahal ko parin sya diba?

"Oh God! Di ako nananaginip diba. Love ikaw yan? Diba?" umiiyak nyang tanong ng maghiwalay ang yakap namin at hawakan nya ang magkabila kong pisngi. Kapwa kami umiiyak. Di ko akalaing makikita ko pa sya. Hinalikan nya ako sa noo. Sa ilong at sa labi. Tumugon ako pero nag flash sa utak ko ang imahe ng asawa ko. Si Jules... Napalayo ako sa kanya. Naguguluhan naman sya. Pakiramdam ko nagtataksil ako. Pakiramdam ko ang sama kong babae.

"Love." Naguguluhan nyang tanong. Mapatitig ako sa kanya. Di na kami pwede. Maayos na kami ni Jules ang totoo ay may nararamdaman na ako para sa kanya. Kaya kahit na may natitira pang pagmamahal sa puso ko para kay Anthony ay dapat ko ng ialis. Maayos na kami.

"Bash iwan na muna kita." si Kyle na hawak na ang naihulog ko.

"Sige. Uuhhm paki palitan yung ibang apple kung may pasa na. Ayaw nya nun eh. Pakuha na rin ng wine.. Alam mo naman na yung iniinom nya... Salamat bash." ngumiti ako. Hinawakan nya ang kamay ko, pinisil at maya maya pa ay umalis na rin. Naramdaman ko yung hawak ni Anthony sa kamay ko. Napapikit nalang ako.

"Love be with me, please." Sya. Di ko mapigilan ang luha ko. Napahawak ako sa tyan ko..

"Anthony alam mong---"

"Maxine!!!!! Wahhhh ikaw-----buntis ka nga!!!" sigaw ni Kiel na kasama si Erick, Kris at Trigger. Nagsilapitan sila at isa isa akong niyakap.. Miss na miss ko silang lahat.

"Uwi na tayo Maxine." Sabi ni Anthony. Napatingin naman ako sa kanya.

"Di pwede." parang nagulat sila sa sinabi ko.

"Maiwan na muna namin kayo." Sabi ni Kiel at hinila na paalis yung iba..

"Coffee gusto mo? Oh bawal sayo yun?" Sya. Napangiti ako. Di ko alam ang nararamdaman ko. Basta iba. Di katulad ng dati. Wala na yung mabilis na pagtibok ng puso ko pag kasama ko sya. Wala na yung kaka ibang feeling na nararamdaman ko pag hinahawakan nya ako. Ano ba to? Diba mahal ko sya. Bakit pakiramdam ko mali ang pagkikita naming to. Matagal ko na sya dibang gustong makita! Tumango nalang ako at inalalayan na nya ako palabas ng market side.

"Maxine anak san ka pupunta?" Tanong ni Mang Estong na nakapila na sa counter malapit sa pasukan ng mall.

"Sandali lang po ako mang Estong. Kausapin ko lang po kaibigan ko." paalam ko sa kanya. Di talaga ako magtatagal.

"Sige at nagtext si sir.. Nag aalala na sa inyo." Napangiti ako. At tumango nalang. Di talaga yun mapakali pag wala ako. Tumingin ako kay Anthony. Nawala yung ngiting yun. Shit! Ano ba nangyayari sakin di ko maintindihan.

Naglakad na kami. Tahimik lang syang naka alalay sakin na para bang babasaging kristal ako na ayaw nyang mabasag. Hanggang sa makarating kami sa isang coffee shop. Umorder sya pagbalik nya ay tig isa na kaming bubble tea.

"Salamat." Sabi ko at ngumiti naman sya. Tumabi sya sa akin at niyakap ako.

"I miss you." Sya. Alam kong buong puso ang pagkakasabi nya non pero bakit di ko maramdaman!

"Anthony."

"Max chance mo na to para lumayo sa tarantadong yun! Iwan mo na sya!" Putol nito sa sasabihin ko. Napabuntong hininga ako.

"Anthony.. Di ganun kadali yon. Magkaka anak na kami at nakapangako na kami sa isa't isa. Di ko kayang baliin yun." Sagot ko. Tiningnan nya ang kamay ko. Ayun yung may singsing. Mabilis ko iyong ibinaba at tumingin ako sa ibang lugar. Nahihiya ako.

"You marry him."

"Di pa kami kasal pero naghahanda na sya. He really wants to marry me." sagot ko. Naramdaman ko yung pag higpit ng hawak nya sakin. Napapikit ako. Ayokong umiyak!

"Bakit Max. Ilang buwan akong parang tanga na hinahanap ka. Ilang buwan akong nagdudusa. Ang dami nyang dinamay Maxine! Nakikisama ka sa isang mamamatay ta----pak." Di ko napigilang masampal sya. Pero pinagsisihan ko na nagawa ko yun. Ano karapatan kong gawin yun? Naghirap sila mahanap lang ako. Nasaktan ko sya at patuloy ko syang nasasaktan dahil sa buhay na pinili ko kasama si Jules.

"Sorry Anthony. Di ko sinasadya. Sorry Tinanggap ko na sya sa buhay ko. Wag mong iikot sakin ang buong buhay mo Tony. Maraming babae. Babaeng mas karapat dapat sayo. Hindi katulad ko. Wala akong maibibigay sayo Tony. Kinuha na nya lahat ng meron ako. Kaya please." Nakita ko yung sakit sa mga mata nya. Napaka wala kong kwenta. Sobra kong sama pero para sa ikabubuti rin naman to ng lahat. Yes nagbago na si Jules pero di parin ako nakakasigurado na di na nya gagawin yung mga bagay na nagawa na nya noon.

"You love him, right?" Tanong nya.

"Di ko alam Anthony pero kaylangan sya ng magiging anak namin." Tatayo na sana ako pero niyakap nya ako at nagsumula nanaman yumugyog mga mga balikat nya indikasyong umiiyak sya. Napayuko nalang ako.

"Mahal na mahal kita Maxine. Bumalik ka na sakin. Please. Pinatay nya mama mo. Yung guard sa school nyo pati si tito Demi na tumutulong samin ay muntik ng mapahamak. Please kriminal sya!" Anthony. Hinawakan ko yung kamay nya. Lumayo sya sakin at tinitigan ako. Nilagay ko ang palad nya sa mukha ko at dinama ang init nun.

"Max."

"Alam mong minahal kita, diba? Pero mali yung nangyari satin. Sa tingin mo ba magiging masaya ako. Isipin ko palang na di mo ako buong nakuha nakukunsensya na ako. Madumi ako Anthony. Di nababagay sayo. Please let me go. Please find your happiness."Lumuluha kong sabi. Umiiling naman sya habang umiiyak. Nasasaktan din ako. Sobra pero pinili ko to. Papanindigan ko.

"No please Max no. I love you. Please." Tumayo na ako at tumalikod. Hawak ko ang tyan ko na medyo sumasakit. Baby sorry... Sorry kakalma si mama ok.. Napahinga ako ng malalim at lumakad na palayo.

"Maxine please. Choose me. Please." Habol nya sakin. Umiiyak kong lumalakad at di ko sya nililingon. Baka kasi di ko mapigilan ang sarili ko at yakapin ko rin sya. Malapit na kami sa market side ng makita ko sila Kiel na papalapit.

"Max."

"Alagaan nyo si Anthony. Please." Paki usap ko sa kanila.

"Di ka ba sasama samin?" Tanong ni Erick. Umiling ako.

"Di pwede. Di na pwede. Please help him. He don't deserve me. He deserve the best. At hindi ako yun."

"You cannot decide for us Max. I know you still love me!"

"Help him. For me." Sa mga kaibigan parin namin ako makatingin di ko sya nililingon. Nasasaktan ako pag nakikita ko syang nasasaktan dahil sakin. Tumango nalang sila. Ngumiti ako at naglakad na.

"uhhm..." impit kong ungol dahil may nararamdaman akong sakit. Baby please dyan ka lang kakalma na ako.

"Max!! Maxine!!!" Pinilit kong di intindihin pero di ko kaya. Kahit anong sabihin kong kumalma kusang tumutulo luha ko.

"Ma'am Max!" Si mang Estong. Napatingin ako sa kaya. Nasa exit sya ng mall malapit sa parking. Napakapit ako sa tyan ko. Humihilab kasi. Bawal akong ma istress. Mahina daw kapit ni baby.

"H-hospital p-po t-tayo. P-please." Sabi ko. Tumango sya at inalalayan na ako. Hanggang makarating kami sa owner.

Kinalma ko ang sarili ko pero maisip ko lang ang itsura ni Anthony di ko magawang di umiyak. Nasaktan ko sya. Sobra sobra.

"Sir. Opo papunta po kami sa hospital. Opo. Opo. Sige po." So Kyle sa likod ko. Napatingin ako sa kaya.

"Wag nyong sasabihin na nakita ko sila Anthony. Please." Pakiusap ko. Di nya pwedeng malaman. Baka anong gawin nya. Baka bumalik sya sa dati. Di pwede yun.

"Sige po ma'am." Ngumiti ako at pumikit na.

"Baby dyan ka lang... Si tatay mo nag aalala na yun. Papaluin tayo nun. Uhhhhm" Biro ko mawala lang ang sakit. Wag kang mawawala baby wag...

Teacher's ObsessionWhere stories live. Discover now