XLII

4.1K 80 0
                                    

XLII

Jules

Ang sakit ng ulo ko. Ramdam ko ang pag galaw ng kinauupuan ko at ang mga usapan ng mga lalaki sa tabi ko.

"Di pa ba natin to papatayin?" Tanong nito sa mga kasama nya.

"Di pwede magagalit si ma'am. Iharap daw--- gising napala to eh.." Ano bang katarantaduhan kasi to!! Putang ina naman. Kaylangan ako ng mag iina ko.

Pilit kong idinilat ang mga mata ko. Una ay blured lahag pero unti unti ring luminaw. May limang lalaki dito. Dalawa sa harap at dalawa sa likod at isa ang nasa tabi ko.

"Ano ba kaylangan nyo! Ibaba nyo ako kaylangan ako ng mag iina ko!" galit na galit kong sigaw. Siguradong gising na si Maxine ngayon at hinahanap ako. Dapat ako yung unang makita nya hindi ibang tao. Di sila nagsalita. Ni di nga nila ako pinapansin! Tang ina naman.

Nagsimula na akong mag wala. Ang tanga nila para hindi ako itali. Sinuntok ko yung katabi ko at pero agad naman akong nasukol ng mga kasama nya. Fuck!!!

"Pakawalan nyo ko!!! Sigaw ko pero di nila ako pinakakawalan. Naramdaman kong sinapak ako ng isa pero di ako pumayag na mawalan ulit ng ulirat! kaylangan ako ni Maxine....

"Patigilin nyo yan. Tang ina!!" Sigaw ng driver napatingin ako sa kanya... Siniko ko ang naka hawak sakin at mabilis na dumukwang papunta sa driver at inagaw ang manibela.

AUTHOR

Pagewanggewang ang sinasakyan nilang van dahil na rin sa pang aagaw ni Jules sa manibela. Pilit inaalis ng driver pati na rin ng mga kasamahan nito ang kapit ni Jules sa manibela pero di nila magawa. Parang bakal ang kamay nito na naka hawak roon. Pilit nyang iniiba ang ruta ng sasakyan pabalik sa hospital. Pabalik sa taong mahal nya. Sa mga anak nya...

Dahil sa pag aagawan nila sa manibela ay di na nila nakita ang mga concrete barrier na naka hanay sa dinadaan nilang kalsada...

Huli na ng mapansin nila iyon at malakas na sumalpok ang sinasakyan nilang van roon. Nagpa ikot ikot sa daan ang sinasakyan nila hanggang sa huminto ito ng nakataob.

Nakadilat si Jules ngunit halos takasan na ito ng lakas. Lamog na lamog ang katawan nya dahil sa tama nya sa kung saan saang parte ng van dahil sa pag paikot ikot noon.

"Max---ine..." Usal nya sa pangalan nga kanyang mahal. Napaluha nalamang sya. Nais nyang mabuhay nais nyang makita ang mga anak nya na lumaki. Makasama ang kanyang asawa hanggang pagtanda ngunit mukang malabo na iyon. Ramdam nya ang panghihina mg katawa ang pag tulo ng dugo nya mula sa sugat nya sa ulo. May mga bubog ding naka tusok sa ibat ibang parte ng katawan nya.

" Maxine." Nahihirapan nitong usal habang lumuluha. Hanggang sa naradaman nya ang pamamanhid ng sistema nya at unti unting pagdilim ng lahat sa kanya.....

Teacher's ObsessionWhere stories live. Discover now