XXXIV

4K 84 4
                                    

XXXIV

Anthony

"Ang drama no Tol! Ok lang si tito. Tingnan mo nga buhay pa. Tulog nga lang. Pero gigising din yan. Masamang damo yan di yan mamamatay agad agad.." Pagpapalubag sa loob ko ni Kiel. Apat na buwan nang coma si Tito. Pucha bat sa tv pag nababaril araw lang binibilang magigising na. Bat sya buwan na sleeping detective parin ang peg! Kaasar na buhay. Di naman natengga yung paghahanap kay Max. Pero parang nag back to zero ako. Parang bulag nanaman akong naghahanap. Ilang beses ko ng binalikan yung village na sinasabi ng hayop na yun pero wala. Nag bahay bahay ako pero wala daw silang kilalang Maxine. May isang bahay roon na di ko mapasok. Wala daw yung may ari. Di ko alam kung bakit pero gustong gusto ko iyong pasukin. Gustong gusto ko yung tignan. Pero baka makasuhan pa ako kaya hinayaan ko nalang...

"Ako parin may kasalanan." ako. Nandito rin yung tatlong ugok. Wala daw kasi silang magawa napuntahan na namin lahat ng lugar sa buong city pero wala parin kaming nakita. Nakakainis man maging ako nawawalan na ng pag asa. Pero hindi pwede. Hangga't nararamdaman kong buhay si Max. Di ako pwedeng sumuko.

"Magbakasyon kaya muna tayo?" Si Kris. Napatingin naman kaming lahat sa kanya.

"Ka---"

"Good Idea Kris. Guys puro gulo nalang nangyayari satin dito. Kahit minsan lang malapit naman nang magpasko. Bakit dito tayo sumaglit ng bakasyon. To clear our mind. Para fresh ulit tayo and mas maayos ang utak natin. Mas makakapag hanap tayo ng maayos kung di tayo stress." Trigger. Tama naman sya.

"Pero pano pag---"

"Anthony. God give us challenges not because He want us to suffer but because He wants us to value life, to value everything and every single one we have if He really want you and Max to meet again He will make a way. HE will help you He will lead you to her" Natahimik ako sa sinabi ni Erick. Minsan may sense din syang kausap kahit na madalas ay wala. Napabuntong hininga nalang ako. Siguro nga kaylangan ko rin to.

"Sige na nga. Saan ba?" Tanong ko. Muka silang mga loko loko na nagsi apiran pa. Jusme. Malaki bang himala na magbabakasyon ako...

"Sa Ilocos norte may bahay kami doon. May makakasama naman tayo dun. Nga caretaker namin. Game kayo!?"Kris...

"Ohhh ayun na oh. Mamayang gabi? Sakin na sasakyan!?" Si Erick.

"Ok! to Ilocos!" Sigaw ni Kiel...

"Ang ingay mo. Nakakabulahaw." Trigger.

"Hayaan mo ng magising na. Ang ganda pa naman ni ate Kim.. Haha akin nalang sya." Sabi pa nito. Adik talaga to.

-----------

"Stop over muna tayo. Wala daw stock doon sabi ng caretaker namin." Sabi ni Kris samin.

Nasa tabi lang ako ng bintana at tumitingin lang sa dinadaanan namin. Nagbabakasakali na makita ko sya.

Tumigil yung van ni Kris sa isang super market. Napatingin naman ako sa kanila na nakatitig samin.

"Bakit?" Tanong ko.

"Sasama ka." Sabi ni Erick. Inilagay ko yung earphone sa tenga ko. Ayoko nga lumabas

"Di na." Sabi ko pero hinila nila ako palabas. Pucha naman gusto kong matulog...

-----

"Bro dyan ka muna dun muna ako sa wet Section." Si Kiel. Sya kasi kasama ko. Tapos yung tatlo naman na naglalandi. Naghahanap ng babaeng malalandi.

"Sige." Sabi ko at nagpaiwan na dito sa liquior section. Kumuha ako ng limang beer. Tss akin lang to huh. Di ko sila bibigyan kung gusto nila. Bumili sila. Tss mayayaman naman sila. Kaya na nila yan.

Teacher's ObsessionWhere stories live. Discover now