VIII

13.8K 145 7
                                    

VIII

*Krrinnnngggg*

Nagising ako dahil sa malakas na tunog ng phone ko. Yes naka loud na yun dahil laging nag te text at tumatawag si Sir Jules at napaparusahan ako pag di ko yun nasasagot agad. Mabilis akong bumangon at sinagot agad yun.

"He-hello." Kinakabahan kong sabi. Naramdaman kong bumangon din si Anthony. Nasa kwarto na kaming dalawa. Sinenyasan ko syang wag maingay tamango naman sya.

"Di pa ba lalabas ang lalaki mo sa bahay nyo?" Nanlamig ang buong katawan ko sa sinabi nya. Paano nyang nalaman!?

"Wa-wala akong lalaki." Nauutal kong sagot sa kanya. I heard him smirk. Kinakabahan ako. Shit nakita nya!?

"Ako pa ginago mo. Maxine. Di ka talaga marunong sumunod... Hahaha hintayin mo nalang parusang ibibigay ko sayo... I already warn you. Babe. You're mine." seryoso nyang sabi. Napakapit ako kay Tony. Ano ibig nyang sabihin. Kinakabahan ako at di ko na alam ang iisipin ko. Naramdaman ko ang yakap ni Tony mula sa likod ko.

"Please don't wala talaga please kaibigan ko lang sya. Please... Wala kaming ginawa.. Parang awa mo na... Please wag si-----

*bang*

*bang*

*bang*

O_O

Mabilis kaming napababa ni Tony. Suot ko ang T-shirt nya at naka panty lang ako sya naman ay ang boxer lang nya. Ano yon!!? Mabilis kong tinungo ang labas ng bahay. Ang dami ng ususera at usisero doon na nakapaligid. Mabilis ko silang hinawi at....

"MAMA!!!!!" Histerya kong sigaw at dinaluhan si mama na nakahiga na sa kalsada duguan at dilat ang mga mata... "Mama mama!! Please ma!! Wag mo kaming iwan. Ma!!" Umiiyak kong sabi habang yakap yakap ko sya. Naramdaman ko ang pag agos ng dugo sa ulo nya at pati sa likod nya. Ang mama ko... Ang mama ko... Iyak lamang ako ng iyak.

"Hindi!!!!!!! Mama!!! Sorry... Mama sorry... Ahhhh!!! hindi. Ma gumising ka!!" Histerya ko pa. Naramdaman ko ang yakap ni Anthony sa likod ko.

"Tama na Max." Seryoso nyang sabi pero di parin ako tumatahan. Nadamay ang mama ko. Hayop sya!! Dimonyo syang talaga!!!

"Hayop sya.... Napaka sama nya." iyak ko pa.

"Mylyn!! Mylyn!!!!" Si papa.. Kinuha nya sakin si mama at niyakap ito. Napayakap nalang ako kay Anthony.

"Sorry papa. Mama.... Huhuhuhu. Mama ko!" iyak ko hanggang sa may dumating na na mga pulis kasama ang mga reporters at may nakastandby na ambulansya. Pumasok kami sa bahay. Tuliro ako tangin si Anthony ang umaasikaso sakin. Dinala nya ako sa kwarto at binihisan ng disenteng damit ganun rin sya.

"Love, We have to stop him. Isumbong----"

"Hindi Anthony. Maraming madadamay. Nadamay na si mama... Napaka dimonyo nya. Pinatay nya mama ko.. Hayop sya!!" Umiiyak kong sabi. Niyakap ako ni Anthony pero di parin non maibsan ang galit at lungkot ko. Ano ba nagawa ko sa kanya!! Bakit nya ako ginaganito. Tumunog ang phone ko at dali dali ko yung binuksan.

"Like my surprise? Di lang yan ang mangyayari pag di ka tumino. Maxine akin ka." Text nito sakin...

"AAAAAAHHHHHHH!!!!! HINDI!!!! MAMA KO!!!!!" Rinig ko ang kalambog papunta sa kwarto ko. I saw my brother crying together with my dad.

"Max." Si papa at niyakap ako ganoon din si kuya.

"Si mama... Hindi patay si mama. Hindi hindi hindi..."

"Maxine... Diyos ko.." umiiyak na sabi ni papa at hinigpitan pa ang yakap sakin. Walang mapagsidlan ang galit sa loob ko. Bakit kaylangan pa nyang idamay ang mama ko.

-------

Opo ito po yung story ni Maxine na nasa FUBU.

Jules Alcantara 23
Maxine Lazerna 16
Anthony Villaflor 17
Lara Nadine Cruz 17
Amon Lazerna 19


Teacher's ObsessionWhere stories live. Discover now