XXIX

5.4K 102 2
                                    

XXIX

Sobrang boring parin maghapon akong nanunuod. Maghapon nag se cellphone nag ti twitter, insta, wattpad at fb. Wala naman akong magawa dahil di naman ako pwedeng mag post. Di rin ako pwedeng nakipag chat sa mga friends ko. Tiningnan ko nalang yung mga post nila at isa isa silamg inistalk. Iisa lang ang pagkakaparehas nila. May missing pic ako sa timeline nila. Shared by Lara Nadine Cruz. Yung pandak talaga na yun naiyak ako kanina habang binabasa ko yung mga post nya. Pero nakaka intriga yung pinaka latest. Nakalagay kasi

'I've learn my lesson. It's not a mistake but I wish I never let myself into it. It hurts!'

ayun yung nakalagay. Broken yata sya at sayang wala ako para gatukan sya sabay sabing magtigil sya dahil walang forever.

Inis stalk ko rin si Anthony. Ayun puro broken quote and picture namin together ang nakalagay. Napaiyak ako ng sobra. Kasi naman sabi

' I miss you boyish laugh that make me feel complete, your sadist act even if it hurt alot specially when you pull my hear harshly make me happy. Your funny gesture. Your childish mind.. I miss how it feels like to be by you side. I miss your touch. I miss everything concerning about you. I miss you in every way, everyday. I will find you. No matter what. I still find you. The girl of my dream the reality of my world. My air, my water, my life..

ayan yung nakasulat tapos yung pic pa yung magka harap kami sa bilyaran habang hawak namin yung tako tapos parang nag eespadahan kami. Wahhh I missed him.

Yes, kahit naman sinabi ko kay Jules na magbabago na lahat na kakalimutan ko nakaraan may mga bagay na di parin maaalis ng mabilisan sakin. Ayun ay si Anthony at ang pagmamahal ko sa kanya. Kamusta na kaya sya. Hinahanap parin kaya nya ako. Sana naman tumigil na sya. Dahil wala ng Maxine na babalik. Tinanggap ko na na lalayo kami dito ni Jules. Tanggap ko na ring sya ang makakasama ko. Maayos naman na kami, eh. Hahaha. Sana lang ganon kadaling ibaling ang pagmamahal ko sa kanya.

Napatingin ako sa date. O.O Bukas birthday ni Anthony!!! Sayang naman at di ako makakapunta. Last year. Ibinato ko sa kanya yung maliit na cake na binili ko. Sapul sa mukha nya haha ayun yung gift ko sa kanya. Ang loko kinain parin yung cake na yun. Hahahaha ang epic nya nun.

"Anthony. I love you. Pero pipilitin ko ng ibaling kay Jules. Alam mo ba? Maayos na sya. Di na sya katulad ng dati. Di na sya baliw. And si baby. Two months na sya. 7 months nalang. Sana naman maka move ka na. Tayo. Kasi kahit kaylan dina tayo magiging tayo." sabi ko habang tinitignan ang picture nya. Napabuntong hininga ako at binira lahat ng history ng surfing sa phone ko. Mamaya kunin ni Jules mahirap na.

Tingin ako sa oras. Mag aalas tres na!! Malapit na uwian! Matawagan nga si Jules. Wait... Pwede naman diba? Sige na nga tatawagan ko na. Naka speed dial na yung number nya. Ayun lang kasi number dito.

Naka ilang ring lang at sinagot na nya. Sana nasa klase sya ng tumunog yun. Hahaha para masaya. Pinalitan ko kasi ringtone nya yung kanta ng wonder pets. Hahaha..

"Babe" Sabi nya agad..

"DI KA PA BA UUWI!!" Sigaw ko.

"Oo na uuwi na ako.."

"Talaga?"

"Oo"

"Sige sige!!! Bilan mo ko ng kwek kwek yung madami. Yung malalaki!!" excited!! Miss ko na yung kwek kwek kasi naman ayun laging kinakain namin ni kuya pag napapagdiskitahan naming mag gala.

"Kwek kwek? Ano yun?" Tanong nya. I pout. Di ko mapigilan mapahikbi. Kasi naman eh ayaw lang yata nga akong bilan.

"Wag na nga. Ayaw mo yata eh.."

"Oo na bibili na wag ka ng umiyak dyan..."

"Talaga?"

"Tatapusin ko lang yung last class then uuwi na ako.."

"Yes, Oo na nga hahanap na ako." Di ko gusto yung tono ng pananalita nya. Parang galit na aya sakin.

"Wag na nga *sob* di mo naman gusto eh *sob* di na ko magpapabili *sob* nagagalit ka!" Sigaw ko habang umiiyak. Narinig ko syang napabuntong hininga.

"Babe, stop crying ok ma iistress si baby." Sabi nya na balik sweet na boses. Pinunasan ko yung luha ko. Alam ko naman na emotional talaga ako ngayon.

"Bibili ka hah."

"opo opo."

"Mag iingat ka pauwi."

"Sige po.."

"Ok bye bye"

"Bye"

"Bilisan mong umuwi. Nagugutom na kami ni baby. Madaming madami hah!" paalala ko pa.

"opo nga po.."

"Bye ulit."

"Sige I love you." The I ended the call. Wahhh di ko alam isasagot ko kaya sinend ko nalang!.. Humiga ako sa sofa maya maya ay nakatulog na.

------

Teacher's ObsessionWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu