XVI

9.9K 98 0
                                    

XVI

MAXINE

"I have to go." Sabi ni Jules sa akin ng makatapos sya. Tumayo sya at nagsimula ng ayusin ang ibinaba nitong slacks at boxer. Umupo ako at tinignan sya. Nasa gitna ako ng kama nya at as always naman hubad damit. Halos di na nga ako nag dadamit rito.

"Pwede ba akong pumunta sa puntod ni mama?" Tanong ko. Napatingin sya sakin habang inaayos ang belt nya.

"You know I won't let you." Sya. Frustrated akong napa suklay sa buhok ko. Sa ilang araw ko dito ni minsan di ako nakalabas ng bahay lahat ng pwedeng daanan na kalock pag wala sya. Walang internet, walang telephone. Talagang tago ako sa buong mundo.

"Please Jules. Di ako nakapunta sa libing ni mama. Kahit ngayon lang. Pagkapunta ko don babalik din agad ako." Umupo sya sa gilid ng kama at hinaplos ang mukha ko. Gusto kong paluin ang kamay nga wag lang nya akong mahawakan pero di ko magawa. Hinayaan ko lang sya.

"Baka naman gusto mo lang makita ang An--"

"No. Di ako makikipagkita kay Anthony. Please maniwala ka. Pupuntahan ko lang si mama." Hinawakan ko ang kamay nya na nasa mukha ko. Bakit ba laging nadadamay si Anthony sa usapan namin pag lalabas ako? Nananahimik yung tao. At kahit na gusto ko syang makasama di pwede dahil ayokong may mapahamak sa kanilang lahat.

"Are you sure? You know I always have ways to find everything about you." yeah di ko rin alam kung paano nya nagagawa pero alam nya lahat sa akin. Gano ba sila kayaman para magawa nyang pasundan ako!

"Yes. Sigurado ako. Di ko pupuntahan kahit sino. Si mama lang. Sandali lang yun. Lunch nandito na ako." Pakiusap ko pa sa kanya. Mas maayos naman syang kausap ngayon. Di tulad noon na di ako nakatira dito. Yun nga lang rough parin sya pagdating sa bagay na yun.

Nanahimik sya panandalian at maya maya pa ay bumuntong hiningi. Tumingin sya sakin na para bang pinag aaralan kung totoo ang sinabi ko. Tiningnan ko sya sa mata. Muka namang sumuko na sya sa paghihinala.

"Ok but siguraduhin mong bago ako makauwi ng lunch nandito ka na. Or else--" I kiss him di kami gumalaw nakalapat lang ang labi namin sandali lang yun at lumayo rin ako.

Inisip kong kaylangan kong makuha ang tiwala nya. Di man ako maka alis dito. Magiging maayos naman ang buhay ng mga naiwanan ko. Parang nagulat sya sa ginawa ko pero maya maya pa ay napangiti na sya at kinabig ako payakap sa kanya.

"I love you." Sya. Nanahimik lang ako pero sa loob ko. Gusto kong isigaw na kinamumuhian ko sya. Na sya yung kahuli hulihang tao na pwede kong mahalin.

Hinalikan nya ang noo ko at lumayo na.

"Ano gusto mong pasalubong??" Tanong nya. Umiling nalang ako. Ang gusto ko patay nyang katawan ng ipasalubong sakin ng kung sino mang papatay sa kanya.

"Ok alis na ko" kinuha nya ang bagpack nya. Iniwan nya yung dalawang susi na nakakabit sa car key nya. Ayun siguro yung susi ng bahay at gate. Nagiwan din sya ng pera.

"I don't need that money." Sabi ko tumigin sya sakin pero sandali lang yun.

"You need that." Sabi nya. Nanahimik nalang ako.

"Kukunin ko rin to sayo mamaya. Pag may natira. " Sya at umalis na. Nang narinig ko ang pag alis nya ay napahiga ako sa kama nya. One week. One week na akong nandito. I miss my family. Sigurado akong nag aalala na si papa. Si Lana. Baka nag histerikal na yun at pinahanap na ako sa lahat ng ilog, dumpside at estero sa buong city. At si Anthony. Ano na kaya ginagawa nya? Nag aalala kaya sa sakin?

My tears begun to fall. I can bare this suffering for them but, how long can I take it?

Tumayo ako at pumasok sa banyo. Maige kong nilinis ang buong katawan ko na para bang sa pamamagitan nun ay mawawala lahat ng hawak nya sakin. Matapos kong maligo ay napatingin ako sa malaking salamin na sakop ang isang buong pader ng banyo. Humarap ako doon.

Teacher's ObsessionWhere stories live. Discover now