XXVI

6.3K 101 2
                                    

XXVI

Demitri Previer

Naaprubahan yung paghingin namin ng permit na mag conduct ng private investigation sa school ni Maxine Lazerna. Napaka laki nito para kunan ng ebidensya. Haizt. . .

"Good Morning mr. Previer. Ano maipaglilingkod ko sa iyo?" Magalang na sabi ng school principal sa akin. Tumayo pa ito at nakipag kamay. Pinaupo nya ako sa visiting chair na kaharap ng table nya. Pagkaupo ko ay iniabot ko agad ang permit ko sa kanya. Napakunot naman ang noo nya at kinuha yun at binasa.

"All we need is the school permission, sir." Sabi ko. Napatingin naman sya sakin.

"It will give terror to the student. Di ko ito mapapayagan." Sagot nito. Expect ko na yun. Syempre uunahin nya ang kalagayan ng mga estudyante at ng paaralan. Napabuntong hininga ako. This is my first move to make a good true to life story and I wont let it pass.

"Then pwede ko kayong isama sa mga suspect sa pagkawala nya. Maxine Lazerna is a student here kung pilit nyong ipagsasang bahala ang kahiling ko maaaring idemanda ko ang school na to." nanlaki ang mga mata ng pricipal. Ayaw naman siguro nyang mabigit sa kahihiyan ang school nya.

"Binablack mail mo ba ako??" Tanong nya. Umiling ako... Bakit ko naman kasi yun gagawin diba?

"No sir. Sinasabi ko lang po sa inyo ang pwedeng mangyari." Seryoso kong sabi. Napabuntong hininga nalang sya. Maya maya pa ay pinirmahan na nya ang permit namin. Haha panalo ka nanaman Demitri..

"Thank you sir. Pwede bang makausap ang staff nyo isa isa. From teachers to janitor and guard I need them all." Napabuntong hininga ito. Wala na talaga syang magagawa.

Bumukas yung pinto. Lalaking mas bata sakin pero nasa 19 or 20 na ito.

"Amon ano ginagawa mo dito?" tanong nito sa lalaking naka civillian na damit. Napangiti nalang ito at lumapit.

"Tito may paki usap ako sayo." sabi nito. Tiningnan nya ako. Sandali lang iyon umupo na kaharap ko.

"Ano yun??"

"I want to be a substitute teacher. Kahit P.E lang." Sabi nito. Wow hah. Walang requirement. Paki usapan lang.

"Bakit naman? Ang layo ng criminology sa education. Ano naman napag isipan mo? Girl here are not as liberated as college girls. Wala ka---"

"Tito naman. Di ako ganun. I've changed. Promise. Nakikiusap lang ako. Kaylangan ko lang talaga. You know extra income. Alam mo naman kinakaharap ng pamilya namin. Paubos na rin ang saving ni mama at papa. Pati pera na nakuha ni papa nung nag retired sya ay nagagamit na rin. I just need this. Please. And anong malayo. P.E nga kang tito. Pwede na yun!!" Lakas makapakiusap nito. Napabuntong hininga nalang yung principal.

"Sige. Sakto naman na mawawala ng dalawang buwan si Ms. Aranas dahil buntis at malapit ng manganak. Bumalik ka nalang next week at iwan mo sa bahay yang kalokohan mo." ngiting tagumpay yung lalaki.

"Da best ka talaga tito. Kaya gagawin kitang ninong sa kasal ko. Sige tito. Bye." saka tumakbo palabad. Napailing nalang yung principal at back to topic na kami.

"I want the detension room now. List ng buong staff ng school. I want them one by one." Sabi ko. Tumango nalang sya at sinamahan na ako naturang kwarto. Wala naman tao at napakalinis. Buti naman. Kumuha ako ng isang upuan at iniharap sa table kaharap nun ay ang uupuan ko.

Napabuntong hininga ako... Simulan na natin to....

......

Tahimik na ang paligid at kaka alis lang ng isang teacher ng pumasok yung isa. Tingin ko ay ito yung mr. Alcantara. Tiningnan nya ako. Seryoso lang sya at hindi nakikitaan ang emosyon.

Teacher's ObsessionWhere stories live. Discover now