EPILOGUE

10.1K 116 24
                                    

------EPILOGUE------

"Jazz, pakitawag na si Jace at Jade. Tanghali na." Sabi ko sa anak kong si Jazz Mackenzie Alcantara. Una kong nilabas hahaha.. Nakaupo na sya dito sa dining pero ang loko nagbabasa lang ng libro.. Mana sa tatay mahilig magbasa..

Nakahiwalay na kami ayoko naman na umasa sa asawa ni papa. Mabait si tita Leila at ate Selena ayokong abusuhin yun. Kaya kumuha na ako ng sarili kong condo unit. Dito kaming apat kasama ang yaya nila. Courtesy of kuya. Di daw kasi sya papayag na wala kaming kasama sa bahay.

"Nanay!! Si Jace nang aaway!! Sinabi ko lang na may crush ako sa classmate ko." Si Jade. Unica hija ko. Jade Marion Alcantara.

Natawa nalang ako. Over protective kasi yung mga kakambal nya sa kanya. Princess kasi.

"Nanay 7 palang kami tapos she have crush na!! Bawal yun nanay. Diba? Bata pa?" si Jace na kasunod ni Jade. Jace Maximus Alcantara. Pangalawa.. Sya nakakuha ng pagka over protective but playful side ng tatay nila.

Umupo sila ng magkakatabi sa harap ko. Tiningnan ko sila isa isa. Kamukang kamuka nila ang tatay nila. Labi nga lang ang nakuha ni Jade sakin. Hahaha lahat sa tatay na nila.

Pitong taon na sila at kasalukuyang grade two sa isang exclusive school. Nakuha nila talino ng papa nila kaya lagi silang nag aagawan sa top place buti nga at di nag aaway away.

"Tigil na yan. Tama ang kapatid mo Jade. Bata pa kayo. Crush lang hah" Then I wink at her. Napa pout naman si Jace.

"Nanay!! Bawal! Walang crush crush.. Sisipain ko yang Travis na yan makita nya." Natawa nalang ako sa sinabi nya..

"Baby crush lang naman. Alam naman ng baby girl natin na bawal muna diba? Baby?" Tanong ko tumango naman ito.. Isa isa ko na silang inasikaso. Naka bihis na rin naman sila at kakain nalang. Nilagyan ko sila ng pagkain sa mga plato pati milk. Choco milk nga lang yung kay Jazz kasi ayaw nya sa plain.

"Jazz baby put your book down kakain na." Saway ko sa kanya. Napatingin naman sya sakin inayos ang salamin nya at ibinaba ang hawak nyang libro.

Nakatitig lang ako sa kanila habang kumakain. Di naiwasan ang bwisitan ni Jade at ng kuya nya. 2 minute lang ang agwat nila sa isa't isa.

Jules pitong taon na rin. Sana nandito ka. Sana kasama ka namin ngayon. Lumaki silang mabait at magalang. Akala ko di ko magagawa yun pero eto oh. Top pa sila. Sana nandito ka para tulungan ako.

Miss na miss na kita kung nasaan ka man sana. Saan naaalala mo parin ako.. Sana maayos ka. Sana balikan mo kami.

Napahawak ako sa mga singsing nya na nakapendant sa kwintas ko. Yes nasa akin parin to at nakasuot parin sakin ang singsing na isinuot nya. Walang tanggalan. Parang yung pag asa ko na makikita ko sya. Di parin mawawala.

Wala akong nakitang katawan kaya bakit ako maniniwalang patay sya.

"Nanay umiiyak ka." Si Jazz. Napahawak ako sa muka ko. Meron ngang luha. Pinunasan ko yun at ngumiti.

"Wala. Baby ok lang si nanay. Napuwing lang." Sabi ko at umupo na rin at kumain. Kaylangan di ako ma late. First day ko ngayon sa trabaho. And first time ko rin. Makikita ang boss ko kaya dapat magla impress ako. Natanggap akong secretary.. Buti nga at first interview tanggap agad. Thanks kay God dahil doon.
-----

"Kiss na si nanay." Sabi ko ng maihatid ko sila sa harap ng school nila. They kiss my check goodbye then pumasok na. Nakapagitna si.baby girl ko. Hahaha over protective brothers si kuya Amon nga lang ang hirap na dalawa pa kaya. Good luck sa baby girl ko. Tinanaw ko sila hanggang sa mawala sila sa paningin ko. Napahinga ako ng malalim at sumakay na sa kotse ko.. Woooohhhhh tingin sa orasan. Di pa ako late!!

First day!!! Dapat impressive. Jules hubby guide me please... I still love you I'm still waiting for you.

--------TEASER

"YOU SAID YOU LOVE ME!! YOU SAID YOU WONT FORGET ME!! THEN WHY!?"

Read by order para masundan nyo yung time line.

1. TEACHER'S OBSESSION
2. FUBU (SPIN OFF) AMON X LANA

3. FORLORN VOW

Teacher's ObsessionWhere stories live. Discover now