XVII

9.3K 107 0
                                    

XVII

Maxine

Pumasok ako sa museo ng pamilya namin. Kita ko agad ang puntod ni mama na nag iisa sa loob. Pinipigil ko ang mga luha ko habang papalapit sa puntod nya. Pero di ko magawa kusang tumulo yun na walang pahintulot galing sa akin. Mabilis ko iyong pinunasan at umupo ako sa harap ng puntod nya. Ibinaba ko ang dala kong bulaklak sa tapat ng pangalan nya at sinindihan ko ang puting kandila na binili ko kanina sa labas ng simenteryo.

"Mama. Sorry hah. Di ako nakapunta sa libing mo. Alam nyo naman po kalagayan ko. Sorry po talaga. Sorry din kung nadamay ka sa kamalasan ko. Di ko naman ginusto to ma." humahagulgol kong pakikipag usap kay mama. Hawak ko ang lapida nya at hinahaplos ko iyon. "Siguradong di ka masaya kung nasaan ka mama. Nakikita mo na kasi ako eh. Yung paghihirap ko." Pinunasan ko ang mga luha ko bumangon lahat ng galit sa loob ko. "Gagawa po ako ng paraan. Magbabayad po sya sa ginawa nya sa inyo. Pagbabayaran nya po lahat ng kahayupang ginawa nya sa atin." pangako ko kay mama. Pero paano ako bibigyan ng hustisya ang lahat ng nangyari kung takot parin ako!? Kung---

"Maxine?" Napatingin ako sa right side ng museo namin.

O.O Anthony!

Nakaupo sya sa mahabang wooden chair don at halatang kagigising. Bakit nandito sya!? Kinabahan akong bigla at nilibot ang paningin ko sa labas ng pinto. May nakikita akong mangilan ngilan na tao dito. Lalapit sana sya pero umiling ako. Tumango ako para di ako makitang magsalita ng kung sino mang nagmamanman sakin.

"Dyan ka lang. Wag kang aalis dyan." Bulong ko. Tago ang napwestuhan nyang lugar. Kaya pala naka bukas ang lugar na to. Nandito sya. Miss na miss ko sya. Tumayo ako at marahang lumapit sa kanya. Ng matantya kong di na ako kita sa labas ay tumakbo na ako payakap sa kanya.

"I miss you." Umiiyak kong bulong. Ganun rin sya at pinaghahalikan ang buo kong mukha.

"Ang tagal mong nawala, Max. Alalang alala ako sayo. Pati papa at kuya mo halos mabaliw kakahanap sayo." Sya. Umupo ako sa kandungan nya at niyakap lang sya ng mahigpit. Miss na miss ko kasi talaga sya. Minsan sya ang iniisip ko pag ginagawa namin ni Jules ang bagay na yun. Buti nga lang at di ko naisisigaw ang pangalan nya kundi patay talaga ako kay Jules.

"Babalik ka na ba?" tanong nya. Umiling ako. Panatingin ako sa mukha nya. Kita ko yung lungkot at galit roon. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya at ipinatong ko ang noo ko sa noo nya.

"Di pwede Tony. Nag usapan na kami. Matatahimik kayo kung di ako aalis sa tabi nya. Sorry." Naramdaman ko ang pagbigat ng paghinga nya at mabilis nyang paghikbi. Hinawakan nya ang kaliwang kamay ko at hinalikan ang palad ko.

"Max. Alam na nila tito. Matutulungan na nya tayo." Nanlaki ang mga mata ko. Bakit kaylangan pa nilang malaman!

"Bakit mo sinabi!!" Galit na galit kong tanong. Siguradong galit na galit si papa at kuya. Paano pa ako haharap sa kanila. Lalayo sana ako pero mariin nya akong niyakap. Inis na inis kong pinagpapalo ang balikat nya. Di nya ako pinigilang gawin yun pero natigilan ako ng halikan nya ako. Una ay nakalapat lang iyon pero kinalaunan ay marahan na nyang iginalaw ang labi nya. Tinugon ko ang kanyang mga halik. Napayakap ako sa leeg nya ng lumalim ang mga halik namin.

Miss na miss ko talaga sya. Di ko na alam kung ano nangyari pero naramdaman ko nalang na nakahiga na ako sa upuan at nakapaibabaw sya sakin. Pero lumayo rin sya.. Bakit?

"Why?" Tanong ko. Marahan nya akong inupo at hinalikan sa noo.

"Di ka pang kung saan saan lang, Max. Di kita kayang galawin ng wala tayo sa tamang lugar." Sya. Napatulala ako. Ibang iba talaga sya kay Jules. Napayakap nalang ako sa kanya.

"Mahal na mahal kita. Max. Makakagawa rin ako ng paraan. Maililigtas din kita roon." sabi nya. Sa puso ko palihim parin akong umaasa na makakahanap sya ng paraan. Para magsama na kami. Para di ko na danasin to. Pero alam kong malabo na yun. Lalo pa ngayon na nakatira ako kay Jules. Malabo yun malabong malabo.

----

Teacher's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon