💦Episode 15💦

31K 752 29
                                    


When I realized everything, tumalikod na lamang ako sa kaniya. I don’t want to see him. Nasasaktan ako, dahil ang mga pangyayaring ito ay tanda ng kahinaan ko, na wala akong laban at isa akong napakahinang tao!

“Yssa talk to me, let’s talk “ umiling ako sa kaniya dahilan para tumagis ang bagang niya.

“Why? Damn it! Pinaglalaruan mo ba ako, huh? Then what’s the meaning of that moan? Nasarapan kalang, ganon?” galit na angil niya at basta ko nalang siya tinalikuran ulit. Ngunit lumipat ulit siya sa harap ko at ikinulong ang mukha ko sa mga palad niya.

“One, break him up. I don’t want to see you in the others company, dapat sakin kalang. Please, I like you baby, forgive me. Gagawin ko lahat Yssa, mapatawad mo lang ako” he said makes me froze.

Napatitig ako sa kaniya ngunit walang ibang laman ang dibdib ko kundi inis, pagkamuhi at sakit. Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi niya.

“L-Let go, tapos kana sa pambababoy sakin hayaan mo na ako!”

“Yssa believe me, gusto kita at ayokong mapunta ka sa kambal ko, just break up with him!” tinulak ko siya at galit na tiningnan.

“Ayoko sayo! At mahal namin ang isa’t-isa, kaya wala kang magagawa doon!” he stared at me straight in my eyes and I don’t know kung ilusyon ko lang ang nakita kong sakit sa mga mata niya, at hindi ko alam ba’t parang tinutusok ang dibdib ko sa sobrang sakit.

“No, sakin kalang! Please tell me kung anong dapat kong gawin para mapatawad mo lang ako Yssa I___”

“Tama na Tauruz! Tigilan mo na ito! At kahit anong gawin mo di mo mabubura lahat ng sakit na dinulot mo sakin! At habang buhay kitang kinakamuhian!” I stood up immediately but he grabbed my wrist. Tinulak ko siya at mabilis na pinulot ang mga damit ko.

“Please, let’s fix this Yssa!”

“Huwag mo akong hawakan!” galit kong angil sa kaniya at napahilamos siya sa mukha. I hate him so much at nagsisimula palang ako.

Dapat maramdaman niya rin lahat ng sakit at hirap na naranasan ko! Iniwan ko siya doon at bumalik ako ng room namin ni Raz. Napayakap ako sa anak ko at napahagulhol ng iyak, di ko alam kung tama itong gagawin ko. Bakit ako nasasaktan ng ganito?

I tried to forget everything happened but I can’t, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga sinabi niya. Di ako makatulog at bigla-bigla nalang akong napapaiyak. Di ako tulad ng mga babae niyang maghahabol sa kaniya!

Ayaw niya akong pakinggan sa gusto kong ipaliwanag sa kaniya kung bakit nangyari ‘yon noon diba? Pwes magdusa siya! And alam ko namang hindi totoo ang sinabi niyang gusto niya ako.

Oo gusto, pero ang katawan ko lang dahil ganoon siya kababoy! I don’t believe on him and he can’t fool me! At darating din ang panahong makakaalis kami ni Raz dito. Because I don’t need him! I can manage to raise my son through my own! At sobrang pagod na ako sa lahat ng panghuhusga nila sakin!

Kinaumagahan ay agad akong nag-ayos ng sarili at di na ako nagbreakfast pa, wala akong gana at gusto ko na agad makaalis. Si Raz nalang pinakain ko ng agahan dahil ayoko siyang igaya sakin. Agang-aga umiinit ang ulo ko, lalo na kapag naaalala ko ang mga pinanggagawa ng gagong Tauruz na ‘yon sakin!

Lalong kumulo ang dugo ko nang makita ko si Shone, kapit na kapit pa siya kay Trez pero nakita ko mismo kung pano siya  tinabig nito.

“Will you please stop? Just go home Shone, walang may papansin sayo dito” kalma niyang sabi ngunit may dalang pang-iinsulto at nakita ko kung paano nasira ang mukha nito.

“Ano bang problema mo? Lagi ka nalang ganyan! I have a surprise for you today tapos sasabihin mo___” she didn’t finish her words and she frowned when she saw me, bigla nalang siya nagtaas ng kilay.

“Oh, the bitch of the year! You’re in hurry? Why don’t you talk to me? Alam mo napakakapal ng mukha mo Yssa! Nagawa mo pang sampalin si Mommy? Pasalamat ka wala ako nang araw na ‘yon! “

“Dahil kung nandoon ka Shone, dalawa kayo ang ilalampaso ko!” sagot  ko na siyang nagpapikon lalo sa kaniya kaya mabilis siyang lumapit sakin at akmang sasampalin ako but mabilis kong naibuhos sa kaniya ang kape na nasa mesa. 

“I’m sorry Shone I didn’t mean it.”

“How dare you!” galit na sigaw niya at akmang susugurin ako ngunit mabilis siyang hinarangan ni Trez. 

“Lay your hands on her at ako ang makakalaban mo! Get out!” napatitig siya kay Trez nang hindi makapaniwala at ganoon din sakin. Tila gusto niya kaming kainin ng buhay.

“What’s the meaning of this Trez?”

“Stop asking, just leave now!”

“Anong nangyayari dito?” natigilan kami ng pumasok ang ina nila. Mabilis namang nagpaawa si Shobe sa kaniya.

“T-Tita. That bitch, tinapunan niya ako ng kape at napakawalang hiya niya, because she slapped my Mom” tumitig ito sakin pagkasabi na pagkasabi ni Shone ng mga salitang ‘yon.

“She did it because she lacks of respect. You’re a teacher but it's not enough para turuan ang sarili mong rumespeto” nag-init bigla ang dibdib ko at parang gusto kong umiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko dulot ng sinabi niya sakin, but she stared at me more deepened when I give her a smile.

“Excuse me? I respect someone lalo na ang dapat respetuhin, but I didn’t respect someone na mas mukha ngang may pinag-aralan pero mas bastos pa sa akin kung umasta. Again, excuse me?” nakita ko kung paano siya namula dahil sa sinabi ko.

“Napakawalang hiya mo Yssa! Sa totoo lang dapat kang makulong dahil sa ginawa mo noon sa kapatid ko!” singit naman ng walanghiyang Shone.  Pero napatingin si Trez sakin ng napahalakhak ako, gayundin ang pagdating ng gagong Tauruz na nakakunot ang noo.

But I can’t stop myself for laughing. 

“Kung meron mang dapat ikulong? Ikaw ‘yon Shone, don’t worry hahanapin ko si Emma, ang kasabwat mo sa bar kung paano mo pinlano ang lahat at____”

“Shut up! You planned it, at huwag mong ituro sa akin at alam na ‘yon ni Shine at Ruz. Right Ruz? Dapat ipakulong mo na ang babaeng ito!” napatigil ako sa pagtawa at napatitig si Tauruz sa akin at pati kay Trez na nasa tabi ko.

“Go on Shone di ako natatakot, naghihintay nga ako na merong magsasampa ng kaso sa akin so that mahahalungkat ang lahat”

“Really, huh? Huwag ka nang mag maang-maangan Yssa! Huwag mong ituro sa akin ang mga kawalanghiyaang ginawa mo sa kapatid ko! Dahil malandi ka! You’re slut!”

“Shut up!” nagulat kaming lahat ng dumagundong ang boses ni Tauruz sa buong dinning hall. Pati ang ina niya ay nagulat at napatitig dito nang hindi makapaniwala.

“W-Why? Come on Ruz, sinira niya kayo ni Shine. At hindi lang ‘yon ang plano niya, gusto niya pang kunin lahat-lahat ng ari arian niyo and____”  natigilan siya at naestatwa nang mabilis ko siyang sinampal sa magkabilang pisngi.

Nanginginig ang mga kamay ko at gusto ko pa siyang hablusin ngunit pinigilan ako ni Trez.

“Shone! Kung sakim ka sa pera huwag mo akong idamay! Sobra sobra na ang paninirang ginawa mo noon pa! Ikaw ang hayop dito! Ito ang dapat mong tandaan,  gawin mo man lahat ng paninira sa akin hindi ako natatakot! Di na ako ang Yssa na isang utos mo ay susundin ka, sana di ko nalang sinunod lahat ng plano mo noon kung alam ko lang na ako ang maiipit at mabubuntis, at isisi sakin lahat ng kawalanghiyaang ginawa mo! Hindi sana hindi tahimik na ang buhat ko ngayon at hindi sana ako pinagsasamantalahan ng gagong ‘yan!”

Mamumula kong sabi at ramdam ko ang matinding pagtitig ni Tauruz sakin dahil sa sinabi ko.

“Watch your words! How dare you for accusing my son a rapist?! Kasalanan mo na ‘yon dahil malandi ka at___”

“Enough! Stop it Mom!” galit na sabi niya at nakaigting ang panga niya habang nakatitig sa akin. Wala silang alam! Wala silang alam sa pinanggagawa ng halimaw na ‘yan sa akin.

“Let’s talk!” sabay hila niya sakin ngunit agad akong hinila ni Trez sa kabilang braso.

“No! If you’re just hurt her, mas mabuti pang__”

“Shut the fucked up Trez! Let her go kung ayaw mong basagin ko ‘yang mukha mo!”  galit na sabi niya rito at nagbabaga ang mga mata niya sa galit. Ngunit nagtagisan sila ng tingin.


SBTBS > jayewel

PLEASE FOLLOW MY FB PAGE FOR MORE REELS ABOUT THEM. JAYEWEL'S NOVEL. THANK YOU PO!

Secretly Born The Billionaire's Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon