10

2.2K 59 3
                                    

10

"He's is under observation dahil na rin sa balang tumama sa lungs nya. Titingnan pa kung walang magiging complication. But he's fine now. Di lang natin alam kung kailan sya magigising. Maraming dugo ang nawala sa kanya and halos brain dead na ng madala sya rito. He's in coma." sabi ng doktor. Langhiya naman kung kaylan ko malalaman ang katotohanan. Kung kailan ko malalaman kung sino ba talaga ako saka to nangyari. Iyak ng iyak si Arc. Si Maxine ay nakatulala lang..

Si Max ang huli nyang sinabi diba? Si Maxine.. Pwede. Pwedeng sya pero bakit ayaw nyang sabihin!? Bakit ayaw nya ipaalam kung sya yun o hindi!

"Max!" sigaw ng isang lalaki. Napatingin kaming lahat. Cast! Mabilis syang lumapit kay Maxine at tiningnan ito.

"Are you ok?" tanong nito. Nabwisit akong bigla. Langya! "Lets go you need to rest. " Sabi pa nito at tumingin sakin. "Kukunin ko na muna si Max. She need to rest."

Wala akong nagawa. Tama ito. Kaylangan ni Maxine ng pahinga. Napatingin ako rito. Nakatitig ito sakin.

"Go and rest. Nadamay ka pa."

"Its ok. I promise this so I wont mind. Sabi nya sakin na ikinagulo pa ng utak ko. Tumayo sya at sumama kay Cast. Napabuntong hininga ako.

"Arc."

"Jules please nasa bingit ng kamatayan ang asawa ko. Just an advise. Don't believe Selena. Ayun lang." At iniwan nya na rin ako....

MAXINE

Gloomy kahit na napaka ingay ng paligid. Ganito nalang ba talaga lagi ang buhay ko? Laging malungkot? Laging walang buhay?

"Girl simula ng umalis kayo ni sir last week naging ganyan ka na. Ano ba nangyari?" Tanong ni El sakin. Nasa canteen kami at kumakain ng lunch. Napabuntong hininga ako.

Lagi nalang madugo ang way namin ni Jules. Noon hanggang ngayon. Laging may nasasaktan. Maraming nadadamay dahil sa gusto lang namin sumaya. Nakaka asar!

"El ano gagawin mo kung may amnesia ang taong mahal mo. Syempre di ka nya naaalala. Tapos nakita mo sya meron na syang iba. Ano gagawin mo? Makiki alam ka pa ba or di na?" Tanong ko sa kanya. I want to fight for Jules pero si ate ang inaalala ko. Ayokong magtanim sya ng galit sakin.

"Sang teleseryo mo naman yan nahugot?" tanong ni El habang itinatabi yung mga carrots. Fave yan ni Trigger. Tapos ayaw nya. Hump bagay sila..

"Wala lang. Naisip ko lang. Ano na!? Sabihin mo na!" ako. Tumingin naman sya sakin.

"Kung ako yun. Ipapa alala ko sa kanya. Dadalin ko sya sa lugar na napuntahan namin. Ipapakain ko sa kanya yung mga pagkaing nakain namin together. Yung mga ginagawa namin. Pati yung mga sinabi ko sa kanya sasabihin ko rin. Maalala lang nya ako. Alam mo kasi Max makakalimot to *turo sa ulo ko* pero kahit kaylan hindi ito. *turo naman nya sa dibdib ko* kaya kung totoo ka nyang mahal. Mawala man ang memorya nya. Yung puso nya maaalala ka. Gets?" Napangiti ako sa sinabi nya. Pwede kaya!? Pwede ko kayang gawin yun. Pero saan ko naman sya dadalin? Eh sa bahay lang naman kami noon at sa Ilocos. Pwedeng yung pagkain. O kaya naman yung mga sinabi ko sa kanya noon. Di pwede yung gawa. Baka masisante ako ng di oras.. Ang ginagawa lang naman kasi namin ay maglambingan at magganun noon. Hay v.v

"Oh natahimik ka dyan??" Tanong nya.

"Wala. Una na ko. Bye bye." Sabi ko. Nawalan na kasi ako ng ganang kumain. Hay. Si Jules kaya kumain na? Pinauna na nya kasi ako kanina.

Mapuntahan na nga lang....

Pagpasok ko sa office nya nakita ko agad sya na subsob sa trabaho. Simula ng ma coma si Lei ganito na sya. Naaawa ako.

Forlorn VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon