55

1.1K 36 0
                                    

55

"Ma'am wala na sila rito!!" Sabi ng isang tauhan ni Selena na nag halughog sa buong beach house na tiniran nila Max ngg ilang buwan. Halata na merong nanirahan doon pero wala na ito ngayon. Ang katunayan nga ay mukhang kaaalis lang ng nga iyo.

Sinipa ni Selena si Lana na nakatulala lang at parang wala na sa sarili. Napahiga ito at parang manika lang na bumagsak ron. Isang roba lamang ang suot nito. Halatang halata rito ang hirap na napagdaanan.

"Nasan sila!!" Sigaw ni Selena at sinabunutan pa si Lana paupo saka pinagsasampal. Matapos nun ay pabalibag na ibinagsak muli sa sahig.

"W-wala s-sila. M-mabuti n-naman." Halos pabulong ng sabi ni Lana saka nag iiiyak. Napatingin naman si Selena rito at muling pinagsisipa dahil sa galit. Hanggang sa gumulong si Lana papunta sa pader.

"Magsasalita ka pa!! Kabwanan na ngayon ni Max diba? Maybe they are at the hospital. Yeah tama. Sa hospital!" Natatawang sabi ni Selena pero natigilan sya ng makarinig ng mga putukan sa labas.

"Ano nangyayari!!?" Sigaw ni Selena sa mga tauhang nagsipasok ng bahay.

"They are here ma'am we have to move." Sabi ng isang lalaki at pinagtulakan na si Selena palabas sa backdoor. Di na nila inalala si Lana at iniwan nalang roon na parang manika..

FARRAH.

Narito na nga sila. Kitang kita ko sila mula sa bintana ng bahay. Halos 50 sa labas at di ko alam kung ilan sa loob.

"Papasok ako. Look out ka dito."Sabi ko kay Lander. Tumango naman naman sya at inayos ang baril nya. Ako naman ay maingat na tumakbo papalapit sa bahay. Walang masyadong mapagtataguan kaya naman doble ingat ako. Hanggang sa makalapit ako sa likurang bahagi ng bahay. Tinignan ko muna ang galaw nila at nagtago sa mga halamanan. Naroon si Selena. At shit si Lana!

Bakit naroon sya!? Puro dugo ang buo nyang katawan. Naka robe lang sya na nakabukas naman at kitang kita ang dapat nyang itago.

Nagpuyos lalo ang loob ko. Lalo na sa patay na expression ng mga mata ni Lana. Shit! Wag nyang sabihin na binaboy nya si Lana!!

"Don't do anything without us." Naalala kong bilin ni Jules. Mahigpit akongg napahawak sa katana ko. Putang ina! Badtrip! Wala akong magawa kundi panoorin lang ang ginagawa sa kanya. Hayop na Selena na yan!! Mapapatay ko sya!!

Maya maya pa ay nakarinig ako ng mga putukan. Narito na sila. Napatingin ako sa loob nagkakagulo na sila at agad na lumabas sa back door. Napatingin ako kay Lana. At agad agad na pumasok sa bintana upang puntahan sya.

"Lana! Lana!" Tawag ko sa kanya at inayos ang suot nya. Wala syang expresyon bumukas ang pinto ng bahay at..

"LARA!!"

AMON

Pagkarating namin sa lugar ay sinalubong na agad kami ni Lander. Pito nga lang kami rito. Kasama na roon si Jules. Napaka unti ng bilang namin kaysa sa pinadala nya sa Tagaytay.

"Updates?"

"Nasa loob si Selena. May mahigit 50 katao ang nasa labas di ko alam ang bilang ng mga nasa loob. Nakalapit na po si Farrah at tinitignan ang loob." Sagot ni Lander.

Tinutok ni Jules yung baril nya sa mga tao roon. Napakalayo para matamaan. Napaka layo namin! Maya maya pa ay kinalabit na nya ang gatilyo nun at pucha!! Headshot!! Naalarma ang lahat ng naroon. Napabuntong hininga nalang ako at tinatagan ang loob ko. Kaya ko to!

--
Alam ni Amon ang kakayahan nya kaya lumikod nalang sya para na rin di maka gulo sa mga marurunong talaga sa labanan.

Nakakatakot silang tignan lahat sila nakangisi habang niraratrat ang mga kalaban. Para bang ang tagal nilang hinintay ang pagkakataong to.

Forlorn VowWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu