41

1.2K 34 2
                                    

41

Maxine.

Rinig kong tawag ni Lana sakin. Di ako tumingin sa kanya at sa dagat lang ako nakatingin. Kung sa tingin nyo ay lumabas kami ng bansa. Nagkakamali kayo. Nasa Palawan lang kami. Puerto Prinsessa Palawan.

Napaka ganda rito ngunit di ko yun ma appreciate dahil na rin sa wala si Jules sa tabi ko. Dalawang buwan. Dalawang buwan nang walang Jules sa buhay ko. Napakasakit sobra. Wala manlang sya para makatulong ko rito puro si Lana at Alister lang. Inaalagaan din ni Lana si Levi. Pangalawang anak nila kuya. Napakahirap lalo na at nagpapa psychiatrist pa ang mga anak ko. Lalo na sa tuwing sinasabi ni Jazz na nakapatay sya. Natatakot ako sa maaaring kahantungan nila.

Napahawak ako sa tyan ko na umuumbok na. Sigurado akong di lang iisa ang nasa loob ko nanaman ngayon. Napaka abnormal para sa 3 buwang buntis ang ganito na kaumbok. Sana kasama ko sya at inaalagaan nya kaming lima o anim o pito ahh basta! Naloloka ako sperm ni Jules. Ang lakas magproduce ng lahi!

"Max." Naramdaman kong paghawak nya sa mga balikat ko. Napapikit ako. "It's for your safety. Jules is not good f---

"Walang makakapagsabi ng tama o mali sa akin kundi ang sarili ko lang din." Sabi ko sa kanya. Ang daming nagsasabi na di kami bagay sa isat isa. Nakakainis na.

"But he is an illegal businessman. He do illegal works! Mas mapapahak lang kayo pag nandyan sya." Sya napatingin ako sa kanya.

"We start in the wrong way. Nakilala ko na ang dimonyo nya. Lana. You know how much I love the father of my children. I don't care if he is a rapist, kidnapper, carnapper, holdaper o even a murderer. Matatanggap ko sya. Kahit ano pa sya." Inis na inis kong sabi sa kanya. They don't know him! Ayun lang ang alam ko. Di nila ganoon kakilala si Jules. Masakit na ganun kasama ang tingin nila rito.

"Maxine bestfriend mo ako at utang ko sayo ang pagsasama namin ngayon ng kapatid mo pero sa kalagayan ngayon ng asawa mo. Sa lagay ng buhay nya ngayon! Di namin mapapayagan na mapunta ka sa kanya." Napaiyak nalang ako.

"Alam mo ba yung pakiramdam na iniwan kang mag isa ng taong mahal mo? 7 taon Lana. Pitong taon akong miserable. Hinahanap sya. Nag aalala kung buhay o patay na. Alam mo ba yung sakit na nakita ko sya pero di nya ako maalala? Alam mo ba kung gaano ako pinapatay habang nakikita ko sya araw araw pero di ko sya mahawakan? Naramdaman mo ba yung nakakabaliw na sakit nung nalaman mong bagong nagmamay ari sa mahal mo ay ang kapatid mo? Alam mo ba! Hah! Naramdaman mo ba lahat ng nararamdaman ko ngayon! Na nasa akin sya pero wala parin sya sa piling ko! Nagusto ko nang lumagay sa tahimik. Mamuhay ng masaya pero puro masasamang pangyayari parin ang nangyayari sa buhay ko!" Sigaw ko sa kanya dahil na rin sa di ko na mapigilan ang hinanakit ko sa lahat! Sa mundo! Sa bawat taong nakapaligid sakin. Sa sarili ko. "Gusto ko lang sumaya! Gusto ko lang magkaroon ng masayang pamilya. Ayun lang. Masama ba yun?" Tanong ko. Di sya nakasagot. Tingnan nyo! Ang lakas nilang magdikta sa akin pero di naman nila alam ang totoo kong damdamin.

"Maxine." Sabi nito at niyakap ako. Di ako sumagot pero di ko sya inilayo sakin. "I'm so sorry."

"Tita nanay, mama si Jazz nakikipagsuntuk an!!" Si Alister. Nanlaki ang mga mata ko at dali dali kaming lumabas ng bahay. Pahilom palang ang sugat nya! Nakita kong putok ang labi ni Jace tapos inaawat naman ni Jade yung kuya nya.. At binubugbog ni Jazz ang lalaking pinangingibabawan nito.

"Don't you dare lay finger to my sister!" Sabi nito. Halos triple ng tanda nila ang binubugbog ng anak ko pero sya parin ang nanaig.

"Jazz stop!!" Sigaw ko. Napatingin naman sya sakin. Di ko gusto ang nakikita ko sa mga mata nya. Sya ang di matulong tulungan ng councillor at mga psychiatrist. Napatingin sya sakin. Walang emosyon ang mukha nya ngunit may galit ang mga mata nya. Tumayo sya at pinuntahan si Jace.

Forlorn VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon