29

1.2K 39 4
                                    

29

FARRAH

Agad agad na nilabas ni Jules ang babaeng hawak nya ng makarating kami sa pinaka malapit na hospital na napuntahan namin. Sobra syang duguan at isang bagay ang nagpatigil samin ni Mak sa pag galaw. Ayun ay dahil wala na yung Jules na kilala namin. Yung palaging walang emotion. Yung palaging may alam na paraan. Ngayon ang nakikita namin ay isang lalaking takot na takot na mawala ang taong mahal nya. Agad naman na sinakay sa streacher yung babaeng hawak nya at tinakbo sa loob ng emergacy room.

"Please do everything. Please. I pay even million. Please just save her." Pagmamakaawa ni Jules habang umiiyak. Nanghihina ako sa nakikita ko. Di ako sanay na wala sya sa sarili. Di ako sanay na nagmamakaawa sya!

"Sir. Di po kayo pwede dito. Please po pumunta po muna kayo sa waiting area." Sabi ng nurse at pinaalis na si Jules roon but ayaw nito.

"She needs me. My wife needs me." Pagmamatigas nito. Nilapitan naman sya ni Mak at pinilit pakalmahin.

"Come on bro. Layo muna."

"But Makkie. please I can----pak!!" I slap him. Ayokong umiyak pero napapaiyak ako sa nakikita ko. I hate to see him like this!

"Jules. She cannot be treated if you are here. Makakasagabal ka lang sa galaw nila!" Sigaw ko. Natahimik naman sya at lumabas na ng ER. Sinundan nalang namin sya palabas. Napakaraming tao kaya naman wala syang naging upuan kundi sa lapag. Malayo layo sa tao at umiiyak. Lalapit sana ako kayalang pinigil ako ni Mak.

"Mak."

"Let him be. He need space." Sabi nito. Tumango nalang ako. Nagpaalam na syang pupunta sa kabilang side ng hallway para magbantay doon.

Napabuntong hininga nalang ako at vi-ni-dio call si Luke at Lyka. Sumagot naman sila agad.

"Zap? Nakita nyo na?" Tanong ni Luke sakin. Napatingin ako kay Jules ng unti at timingin ulit sa magkapatid.

"Yes, but she badly injured. We're at the hospital. Jules, he is crying." Nagkatinginan silang dalawa at...

"He what!" Sabay nilang pasigaw na tanong.

"He cried for her. Di rin ako makapaniwala!" Sagot ko.

"I don't believe you." Di makapaniwalang sabi nito. Itinapat ko sa kanila si Jules na duguan, nakayuko, nakatulala at nakaupo sa lapag. Marami din kasing pasyente ngayon at mga kamag anak ng mga ito dahil sa banggaan malapit dito. At wala ng upuan. Kaya si Jules ayan. Kawawang yagit ang drama.

"He's really fucked up." Komento ni Luke.

"See I told you. He really love her that much!" Sabi ko. Napangiti naman sila.

"Tao sya! Hahaha" sabi ni Luke. Yes, tao sya. Tao na nga talaga sya. Salamat naman. Halata naman kasi talaga na di nya mahal ang babaeng mahitad na yun. Ngayon lang namin talaga nakitang ganyan sya para sa isang babae.

"I have to go." Sabi ko at agad na pinatay yng call.

Lumabas ang doktor na sumusuri kay Maxine nagsipuntahan naman kami sa tabi ni Jules

JULES

Mabilis akong napatayo ng makita ko ang doktor na nanggamot kay Maxine. Kinakabahan ako. Di ko alam kung ano ang gagawin ko. Sana lang maayos sya.

"Is my Wife ok? Maxine, Maxine Alcantara?" Sabi ko. Napatingin naman sya sakin.

"Her left leg is dislocated, ganun din ang kanang braso nya. May isang tama ng baril sa hita nya but so far wala naman kaming nakikitang further damage. Maayos na ang lagay nya. Kaylangan lang nya ng pahinga. Lalo na ngayon sa kalagayan nya." Parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan. Thank God she's fine. "Sa grabe ng nagyari sa kanya. Milagrong nakaligtas pa ang pinag bubuntis nya." Nanlaki mga mata ko. She's what!

Forlorn VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon