FIN

2.2K 55 8
                                    


Maxine

WAAAHHHH BASH!!! ANG GANDA GANDA MO!!!" Sigaw ni Lana ng pumasok sa sa kwarto ko. Kwarto sa bahay na kinalakihan ko. At ngayon bahay na nila Lana at kuya. Dito ko kasi piniling maglagi ng sinabi nilang di pwedeng magkita ang groom and bride bago ang kasal. Pamahiin na daw kasi. Ni yung gown ko nga di ko naisukat dahil na rin sa bawal daw. Natatawa na nga lang ako. Di naman kasi ako naniniwala sa mga pamahiing ganun. Napakadami na naming napagdaanan ni Jules. Ngayon pa ba kami maghihiwalay?

Pero para na rin sa ikakatahimik nila. Isang linggo rin kaming di nagkita. Syempre nasakin yung mga anak namin. Marami syang inaasikaso sa company nya so di nya maalagaan yng mga bata. Napaka raming blessing ang natanggap namin. Yung triplets. Mag na 12 years old palang ay junior high na. Nako naaalala ko pa nung mag test sila (SPECIAL CHAPTER PO YUN) nakaka loka. Minsan iniisip ko anak ko ba talaga sila? Ang utak kasi nila. Manang mana sa ama..

"Sigurado akong masusundan yung kambal mamayang gabi." Sabi ni Lana na kinatawa ko. Di malabo! Haha

"Bakit ka naman tumatawa?" tanong nya. Umiling ako.

"Wala naman. Bakit ka nandito? Yung mga bata?" Tanong ko at saka tumapat sa napakalaking salamin sa gilid ng kama ko. Kitang kita ko ang napaka gandang gown na pinagawa ni Jules para sakin. Black and white ang napagkasunduan naming tema ng kasal namin. Black ang white kasi black is nag rerepresent ng hirap na napagdaanan namin yung mga problema, mga pasakit, mga paghihirap and white ayun naman yung nakamtan namin na kasiyahan at katahimikan ng malagpasan namin yung ng mga bagay na humadlang samin dalawa. Ayun yun. Kaya nga kahit na napakaraming tumutol sa gusto namin kami parin ang nanaig. Kasi nga kasal namin yun. Nakiki epal lang sila.. Hahaha...

"Nasa simbahan na. Nandyan na rin yng kotse mo. Si papa nasa baba. Ayaw umakyat." Natatawang sabi ni Lana. "Para syang si papa ng nagpakasal kami ni Amon. Hahahaha umiiyak." Tawa ito ng tawa na parang inaalala ang itsura ni tito ng nagpakasal sila ni Kuya. Nakita ko nga yun. Than time kahit na anong pigil ko sa sarili ko alam ko sa sarili ko na inggit na inggit ako sa kanilang dalawa kasi sila nagpakasal na ako noon. Umaasa parin. Pero ngayon eto ako. Ako naman ang ikakasal at sa lalaking mahal ko pa. Nakakaloka ang mundo. Ang dami nang pligoy ligoy.

"Ewan sayo. Bumaba na nga tayo." Sabi ko. Kinuha ko na ang boquet ng white tulips sa kama ko at bumaba na kasama si Lana. Nakita ko si papa na nasa baba at nakatitig sakin habang bumababa ako sa hagdan. Kita ko ang pagtakas ng luha sa kanyang mga mata habang nakangiting hinihintay ako sa huling hakbang ng hagdan..

Ngumiti naman ako at hinawakan ang kamay nya na nakalahad sa akin.

"Papa, Umiiyak ka naman. Ang pangit mo na." Sabi ko. Ngumiti naman sya habang pinupunasan ang mga luha nya.

"Napakaganda kasi ng anak ko. Kung nandito lang sana ang mama mo. Siguradong tatalunin nya si Laida sa kakaiyak." Natawa si Lana. Naalala naman nya ang mama nya.

"Pareho pa namang OA ang dalawang yun." Natatawang sabi ni papa na ikinatawa na rin namin. Alam kong masaya si mama sa langit at alam kong nakikita nya ako mula sa taas. Kahit na wala sya dito physically. Alam kong nanunuod sya.

"Wag ka ng umiyak papa. Haharap ka sa camera mamaya. Alam mo yun. Nationwide coverage ang kasal ko. Baka mamaya sabihin ng mga tao. Tatay ng bride haggard na haggard dahil ayaw pakawalan ang anak. Ang pangit nun pa. " Natawa sya at niyakap ako. Niyakap ko rin sya. Siguro nga ganito ang lahat ng mga magulang pag ikakasal na ang kanilang mga anak. Nagiging emosyonal..

"Di lang kasi ako makapaniwala na yung batang nakapasan sakin noon. Yung baby'ng pinapaliguan ko. Yung iyaking bata na ayaw lumayo sakin pag matutulog na. Yung kalaro ko sa bilyar at basketball. Ngayon ikakasal na. Akala ko kasi noon. Tomboy ka." Napaiyak nalang din ako. Wahhh buti di madaling masira make up ko. Naiiyak ako. Kasi si papa pina-flashback pa yung buhay namin habang tinitignan ako..

Forlorn VowOnde histórias criam vida. Descubra agora