11

2K 59 3
                                    

11

MAXINE

Nadatnan namin si ate sa loob ng office ni Jules. Agad agad itong tumayo at hinalikan sa labi si Jules. Napalayo ako ng tingin. Hay ano ba yan. Di pa kasi ako nagpa iwan sa labas.

"Max. Buti nalang at nandito ka. Di talaga to kumakain ng lunch. Laging trabaho ang inaatupag." sweet na sabi nito habang nakayakap kay Jules. Napayuko nalang ako. Ayoko silang makita.

"Wala yun ate. Sir lalabas na p---"

"No you stay here. At saka di pa natin yan nakakain " Pigil sakin ni Jules sabay kalas kay ate. Nakunot naman ang noo nito. Parang di nagustuhan ang sinabi at ginawa ng boyfriend nya..

"Pero sir..."

"No. Ayusin mo nalang yan then pumasok ka ulit rito." Sya. Ano ba yan!? Ipapamuka ba. Nakaka asar!! Pumunta nalang ako sa kusina at inayos yung mga kwek kwek. Eto yung binili nya dati para sakin yung whole chicken egg.

Nilagay ko yun sa dalawang bowl. Tig lima and isang lalagyan mg sawsawan. Napabuntong hininga nalang ako at pumasok nalang doon.

Handa na ako sa ano mang makikita kong nakakasakit pero iba ang nakita ko. Si ate nasa sofa at nagbabasa ng magazine na parang badtrip samantalang si Jules nasa table nya at nag ta trabaho ulit...

Maingat nalang akong pumunta kay ate at inilagay sa center table ang binili namin ni Jules.

"Sir ito na po." Sabi ko. Napatingin naman sya at iniwa ang ginagawa nya. Lumapit sya samin at umupo sa isang single na upuan doon.

"Kumakain ka nito?" Tanong ni ate na parang di gusto ang nakikita. "Max. What if madumi yan. Gad! Throw that orange garbage away." maarte nitong sabi. I pout di naman basura to!

"Di naman basura to ate. Try mo ma--"

"No... Throw that and buy something more clean and fancy. Ghad! Street food ipapakain mo sa boss mo? Are you out of your mind or what? Stupid." Bulong yung huli pero rinig na rinig ko parin. Napayuko nalang ulit ako. Hiyang hiya ako sa ginagawa nya. Sa harap pa mismo ni Jules

"Ilalabas ko nalang so---" nanlaki ang mga mata ko ng kunin ni Jules yung tinidor. Kumuha ng isang itlog at kinuha rin yung sawsawang souce at kumain.

"Jules, what are you doing!?" Inis na sabi ni ate.

"Eating. Selena its a food. And I saw how they prepair it. I know its clean. Nasa high society tayo pero di naman kaylangang magmataas pa tayo ng sobra. If you dont want this. Don't eat we're not forcing you to do so." Napangiti ako ng palihim. Hahaha tumingin ako kay ate. Nawala yung ngiti ko. Kasi naman dark aura talaga sya ngayon...

"Umupo ka na Max." utos ni Jules. Umupo ako sa single chair kaharap nya. Nakakatakot si ate ayoko syang tabihan..

"By the way. What are you doing here, Selena??" Tanong ni Jules rito. Ayaw pakawalan yung sawsawan.... T.T

"I'm here to personally tell you that I have project in L.A matatagalan din akong wala dahil sa Canada naman ako pagkatapos nun." Sabi nito. Ahhh mawawala pala sya. " Di naman na ako matatakot na baka may mahanap kang iba cause nandito naman ang kapatid ko. May tiga bantay ka na." Then tumawa sya ng plastic. Yes halatang halatang plastic yun.

"Ok. Kaylan ba alis mo?" Tanong ni Jules na kumakain parin. Yung sawsawan!!! Huhuhu

"Sir. Penging sauce." Sabi ko. Tingin naman sya sakin and dedma.. Wahhh kasama!! T.T dapat pala pinagdalawa ko ng lalagyanan yun. Nakakatatlong itlog na sya!

"Tonight. Dumaan lang talaga ako para magpaalam." sabi nya at tumayo na.

"Take care." Tumayo rin si Jules at niyakap si Ate matapos nun ay kumalas na rin. Tapos lumapit naman sakin si ate.

Forlorn VowWhere stories live. Discover now