50

1.1K 31 1
                                    

50

LANA

Napatigil ako sa paghihiwa ng mga gulay ng marinig kong may nabasag sa sala. Ano nangyari doon?

Agad akong pumunta roon si Alister hawak ang bola ng baseball at nakatingin sa frame na nasa sahig na.

Agad agad akong lumapit. Napahawak ako sa dibdib ko ng makita ko ang nasa frame. Si Amon yun. Di ako makahinga at parang bumigat ang dibdib ko.

"Mama sorry nag-naglikot ako." Sabi nya sabay yakap sa akin. Napangiti ako at niyakap rin sya.

"I-it ok. Aayusin nalang ni mama. Labas ka muna." Sabi ko at agad agad naman syang tumalima.

Nanginginig akong umupo at kinuha ang basag na frame ni Amon. Di ko mapigilang di mapaiyak.

"Amon, ligtas ka diba? Amon.." kahit ayoko ay napalakas ang iyak ko. Takot na takot na ako. Wala parin akong alam sa nangyayari sa asawa ko.

"Lana." Si Max. Napatingin ako sa kanya. Puno ng pag aalala ang mukha nya.

"Max, di ko na kaya. Gusto ko ng umuwi don. Nag aalala na talaga ako kay Amon." Sabi ko sa kanya.

Kahit na di nya maigalaw ng maayos ang katawan nya ay pinilit parin nyang makaupo sa tabi ko at yakapin ako. Napayakap nalang din ako sa kanya.

"Kung yun ang magpapalubag ng loob mo. Alam kong mahirap Lana. Alam ko ang nararamdaman mo kaya naman di kita pipigilan." Sabi nya. Napatingin ako sa kanya.

"Pano yung mga bata? Walang maiiwan sa kanila."

"Kaya na namin ni Lander ang ang mga bata. Bilisan mo na at mag ayos. Sigurado akong di ka papayagan ni Lander pag nalamang aalis ka." Sabi nya. Tama hindi nga nito ako papayagan. Ni pag punta nga ng palengke kasama sya. Tumango nalang ako at nagmadaling inayos ang mga bubog dito at pagkatapos nun ay nag empake na.

------
LANDER

"Waaahhhh!!!" Sigaw ni Jade habang nakikipag habulan sa alon. Napangiti ako. Napaka saya nyang tignan. Napaka puti nya at parang lumiliwanag sya sa ilalim ng sinag ng araw. Natatawa nalang ako na kinuhanan sya ng nakaparaming pictures. Kami lang dalawa yung namasyal. Nasa bahay kasi yung tatlo.

Bodyguard daw sila doon. Ok na yun atleast nakakasama ko si Marion ng kami lang

"Lande!" Sigaw nya sabay kaway. Napangiti naman ako at kinunan sya ng pic at pagkatapos ay kumaway. Kanina pa yata ako dito Uubusin ko nga yata yung buong memory ng gamit kong camera para lang ma picturan sya ng mapicturan.

"Marion. Mainit na halika na dito." Sigaw ko. Ngumiti naman sya at lumapit sakin. Nasa ilalim kasi ako ng puno ng buko medyo mababa kaya naman napakalilim. Agad naman syang lumapit sakin. Isang itim na tshirt at maikling shorts ang suot nya. Tshirt ko yun! Ano kaya itsura nya nna ganito ang suot after 10 years! Gosh! Can't wait

Agad ko syang pinunasan ng tuwalya ng makalapit sya.

"Bat ayaw mo kong samahan doon?" Sabi nya. Napangiti naman ako at inakbayan sya.

"Masusunog kasi ang kagwapuhan ko." Sabi ko napatingala naman sya.

"Meron ka pala nun?" Tanong nya. Aba't itong batang to!

"Gumaganyan ka na ngayon hah!" Sabi ko sabay kinakiti sya. Natawa naman sya at nagwala hanggang sa..

"Ehem!" Sabi ng isang babae. Napatingin kami ni Marion sa kanya. Si Ate Farrah dala si Sabrina.

"Ate Farrah!" Halos mamatay matay ako sa gulat. Bakit nandito sya? Tatayo sana ako kayalang yumakap na si Marion sakin. Jealous.Haha

"Who is she? Wife?" Seryosong sabi ni Marion. Napatingin ako sa kanya. Alam nyo yun. Nakaka takot sya.

Forlorn VowWhere stories live. Discover now