31

1.2K 39 2
                                    

31

FARRAH

Gumising na sya! Oh em gee! Matutuwa di mr. A dito!! Nasuri na sya ng mga doktor and ok naman na daw ito. Buti naman. Pagkaalis nila ay lumapit na ako sa kanya. Napatingin sya sakin.

"J-jules? W-where h-he is?" Nahihirapang tanong nito.

"May pinuntahan lang saglit but babalik din sya. I promise." Sabi ko. Napaiyak naman sya. Hala! Ano gagawin ko!

"Ui wag kang umiyak. Makakasama sa baby mo!" Panic kong sabi. Di ko kayang mag comport ng tao! Juicemeyo!

"W-what? I'm what?"

"You're pregnant so you have to calm yourself. Mapapagalitan ako ni Mr. A pag naabutan kang ganyan!" Panic kong sabi. Itinaas naman nya ang maayos ayos nyang kamay at inilagay sa bandang puson nya.

"Sorry." Pag hingi nya ng tawad sakin. Napabuntong hininga naman ako. Medyo inangat ko yung kalahating bahagi ng kama nya para makaupo naman sya. Nakangiti naman syang nagpasalamat sakin. Inabutan ko na rin sya ng tubig at pinainom. Tahimik lang sya pag katapos nyang makainom ng tubig. Para bang sinasariwa ang nangyari sa kanya. Kung ako ba naman kasi yun. Nako papatayim ko silang lahat! In my most brutal way..

MAXINE

Tulala at tahimik lang ako habang nakaupo sa kama na inuukopa ko. Di ko matanggap lahat ng nangyari at nalaman ko. Bakit? Bakit si Ate pa? Minahal ko sya nirespeto. Pero bakit hinayaan nya akong bastusin at babuyin ng mga walang hiya na yun? Pati ang anak ko. Nadamay. Pakiramdam ko tuloy napakasama kong ina. Napaka walang kwenta ko at napaka laki ng kasalanan ko sa anak ko.

Pilit kong pinipigilan ang mga luha ko. Ayokong umiyak pero ayaw tumigil. Napaka sakit kasi. Sobrang sakit!

Sa lahat ng nangyari sa akin doon. Sa lahat ng pambababoy nila sakin. Paano ako haharap kay Jules. Pakiramdam ko ang dumi dumi ko. Pakiramdam ko napaka sama kong babae. Di ko gusto ang mga nangyaring yun. Pero ano ba magagawa ko? Napakahina ko at ayun anng ikinaiinis ko sobrang hina ko. Hinayaan ko. Hinayaan ko lang na mangyari yun.

"Wife." Rinig kong sabi ng isang lalaki pagkabukas ng pinto ng kwartong to. Nanlaki ang mga mata ko. Si Jules.

Di ko sya pinansin ni tinignan. Paano ko sya pakikiharapan kung nangyari sa akin yun. Paano pag nalaman nya. Ano magiging reaksyon nya? Baka iwan nya ako. Baka mawala sya ulit sakin. Di ko kaya yun.

"Mahal." Masuyo nyang sabi at hinawakan ang kamay ko. Di ako gumalaw. Patuloy lang ako na nakatingin sa bintana. Ayoko syang tignan. Pakiramdam ko napakalaki ng kasalanan ko sa kanya.

"Far" Si Jules.

"Nung gumising sya iyak sya ng iyak. Pinatigil ko lang sabi ko buntis sya kaya wag syang umiyak. Alam mo naman na di ako marunong mag comfort ng tao." Sabi nito rinig ko naman na napabuntong hininga si Jules.

"Mahal. You're safe now. I wont let anyone hurt you again." Sabi pa nito pero diko parin sya tinitignan. Patuloy ang pagtulo ng luha ko. Ano ba gagawin ko? Ano sasabihin ko? Naramdaman ko nalang na niyakap nya ako ng mahigpit at hinalikan sa ulo sabay bulong sakin.

"I love you. I always have I always will." Ito. Napapikit nalang ako at pinakawalan ang iyak na kanina ko pa pinipigilan

"Jules. Sorry. I'm so sorry. Sorry!" Paulit ulit kong paghingi ng tawad sa kanya. At hinawakan ang braso nyang nakayakapp sakin. Pakiramdam ko ligtas na ako. Pakiramdam ko wala ng makakapanakit sakin dahil nandito na sya. Yakap na nya ako.

"Its ok. Its ok. We will make them pay. I wont let this pass. I will. Love I will." Naramdaman kong na tense ang katawan nya habang sinasabi yun. Napaiyak nalang ako lalo. Naiinis ako sa sarili ko!!

Forlorn VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon