SPECIAL (2)

1.6K 50 25
                                    

SPECIAL (2)

Lander X Jade

"Lander." Usal ni Jade ng mapatingin sya sa pintuan ng church. Kilala nya ang built ng katawan nito. Kilala nya ang galaw nito. Alam nya at kilalang kilala nya ito kaya naman alam nya sa puso nya na si Lander ang lalaking nakita nya.

"Jade lets go." Pukaw ni Jace sa atensyon ni Jade. Napatingin naman sya rito at ngumiti ng unti.

"Wait lang na c-cr lang ako." Sabi nito at tumakbo na papasok ng simbahan.

"Wait, Jade di mo ba mapipi---"

"Hindi na!! Wait lang talaga!!" Sigaw pa ni Jade at nagmadali ng pumasok.

Hinanap nya agad ang lalaking pakay nya. Nararamdaman nyang naroon ito. Pero saan? Nasaan ito!?

"Kuya may nakita po ba kayong lalaki na nakakulay itim? Naka-cap po sya at ripped jeans. Meron po ba?" Nagmamadali nyang tanong sa isang nagliligpit doon. Napatingin naman ito sa kanya.

"Oo pumunta sa taas. Papuntang kampana. Doon sya umakyat." Sagot nito. Napangiti nalang sya at nagpasalamat saka nagtatakbo na paakyat.

"Lander. I know you are here." Sabi ni Jade sa sarili nya. Miss na miss na nya talaga ang lalaking yun. Halos apat na taon na nya itong di nakikita. Gusto na nya itong mayakap.

Paikot na sya papunta sa pinaka taas ng....

"Aahhh!!" Halos sigaw nya ng may yumakap sa kanya. Kakawala sana sya pero napigilan sya. Kilala nya ang amoy na ito. Yung init na pinadarama nito. Kilala nya. Kilalang kilala nya.

"Ang ganda mo kanina." Sabi nito na ikina iyak nya. Saka yumakap sya ng sobrang higpit rito na para bang aayaw na nya itong pakawalan.

"Bat di ka nagpaalam? Bakit umalis ka agad?" Umiiyak na sabi ni Jade. Napangiti naman ng unti Lander at hinalikan amg ulo nito.

"Dahil kaylangan." Sagot ni Lander. Napatingin naman si Jade sa kanya.

"Kaylangan! Bakit? Bakit kaylangan?" Lumayo si Lander ng bahagya at hinawakan ang magkabila nyang pisngi.

"Dahil gusto kong mamuhay ka ng normal at di mangyayari yun kung nasa paligid mo ko. Hintayin mo ako. Ok. Pagkalipas ng 7 taon kukunin na kita.

"Lander please. I'll be a normal girl. Just dont leave me." Paki usap ni Jade habang umiiyak napaluha nalang rin si Lander at hinalikan sya sa noo.

"I'll always beside you. Kahit na di mo ako nakikita. Papangalagaan kita. Diba! Sayo na ako. At ikaw akin ka lang. Mahal na mahal kita Marion. Sobrang mahal na mahal." Sabi ni Lander at niyakap mula ang bata. "Kukunin kita kahit na nakanino ka pa. Kahit na ano na kalagayan mo sa hinaharap. Kukunin kita. Tandaan mo yan."

"Please wag kang magtatagal. Ok. Mag hihintay ako." Sabi ni Jade at ngumiti rito. Maya maya pa ay natahimik na sila.

"Marion." Pukaw ni Lander sa atensyon nya.

"uuhhhm?"

"Can I kiss you. Real one." Sabi ni Lander. Napatingin naman si Jade sa kanya at ngumiti.

"You can. Always." Nakangiting sagot nya. Napangiti nalang rin si Lander at agad agad na sinakop ang labi nya.

Napaka banayad nun at punong puno ng pagmamahal. Napayakap nalang si Marion sa leeg ni Lander.

Pakiramdam nya kasi jelly-o na ang mga tuhod nya dahil sa halik na ginawad sa kanya ni Lander.

Napatigil lamang sila ng may tumatawag na kay Jade.

"I love you, Marion. Wait for me." Sabi ni Lander. Tumango naman. Si Jade at yumakap rito.

"I'll wait for you. Untill the day you and I will be legal enough to love each other. UNTILL THEN. I'll wait." Ginawaran pa sya nito isa pang halik at nauna ng bumaba si Jade na.may pag asa sa puso nya na babalikan sya nito. Na sa araw na yun magkakasama na sila.

"Where have you been!!?" Galit na sigaw ni Jazz sa kapatid. Na kalalabas ng simbahan

"Wait! Are you crying? Why?" Tanong naman ni Jace. Umiling nalang si Jade at umakbay sa mga kapatid.

"I'm fine. I'll be fine." Sabi nya sa mga kapatid at nauna ng tumakbo sa sasakyan nila. Napatingin sya sa kampana ng simbahan. Naroon parin si Lander at nakatanaw sa kanya. Mapangiti sya.

"Until then. Lander. I'll be waiting until you come back again." Sabi ni Jade sa sarili nya at pumasok na sa loob ng kotse.

Napangiti nalang si Lander at napahawak sa labi nya saka napasandal sa pader. Ngumiti sya at yumuko.

"Ilang taon nalang mahal ko. Magkakasama tayo. Sa panahaong yun. Hinding hindi na kita hahayaang mawala pa sakin." Sabi nito ay tinanaw na ang dinaanan ng sasakyan ng pinaka mamahal.

----------

Will it be a typical love story?
Or
As tragic as her parent love story has?

Forlorn VowWhere stories live. Discover now