27

1.3K 43 2
                                    

27

LYKA

"Zephyr Cast!?" Sigaw ni Luke? Huh? Sino yun?? Tingin ako sa gwapong lalaki na nakahiga sa kama at natutulog. Langya kahit may mga galos ang mukha nya ang waffu parin nya!!!

"Di mo ba sya kilala? Top model yan ng Philippines. He also do photoshoots abroad." Napatingin ako kay Luke. Abat ang dami nyang alam!

"Beki ka no! Bakit ang dami mong alam sa waffu na to?"

*PAK*

ARUHHHH HUHUHU napahawak ako sa ulo ko konyatan ba naman ako!

"Aray!! Eh bakit kilala mo sya kung di ka beki!!" Singhal ko. Kasi naman nakaka asar kaya. Sakit sakit!

"My co-doctor likes him a lot. This, ano ba meron sa lalaking to? Muka namang lampa." Sabi nya. Napatitig ako kay Zephyr. He looks like a young sweet man while he's sleeping. Ano naman kaya nagawa ng lalaking to? Bakit ganun nalang ang pag iingat ni Mr. A sa kanya?

"Mukhang malaking tao nakakaban ng gagong to. He was badly injured. Limang bullets sa likod balikat at braso. Mukang pupuruhan talaga sya ng mga yun. Buti't nakaligtas tong payatot na to." Sabi Luke habang hawak ang medical history ni Zephyr. Kaya naman pala di parin ito nagigising.

"Hoy, na inlove ka naman." Sigaw ni Luke sakin di ko pinansin ang sinasabi nito at hinawakan ko ang kamay ni Zephyr. Napakagaspang nun para sa isang top model. Nakunot ang noo ko. Hinawakan ko yung kay Luke. Pero mas magaspang parin yung kay Zep. Nakakaloka naman to. Pang kargador ang kamay.

"Uhhhmm" napatingin ako sa mukha nya. Mukang gusto nya na may humahawak sa kamay nya. Naging mas relax kasi ang aura nya.

"Lyka, lets go! Labas na tayo." Binitawan ko ang kamay nya at sumunod kay Luke palabas ng kwarto. Isang glimpse pa ay lumabas na ako ng tuluyan...

------------------------------------------------------------------------------------------------

AMON

"Di ko ma contact si Max." Sabi ni Lana sa akin. Kanina pa kasi namin sya kino contact. Malapit na birthday ni papa. Di parin sya nagpapakita.

"Sa pinagtatrabahuhan kaya nya? Sa A.Add. Baka may alam sila." Wala na rin sila sa unit nila. Si manang din di rin sumasagot. Nag aalala na ako roon. Napa tango nalang ako at tumayo na sa swive chair. Halata sa mukha ng asawa ko ang pag aalala. Maging ako nag aalala na rin ayoko ng mangyari yung dati.

Hinawakan ko ang kamay ni Lana at hinalikan ang likod ng palad nya. Mahal na mahal ko tong pandak na to.

"She's fine." Sabi ko. Tumango nalang sya at sabay na kaming lumabas ng office..

A.Add.Blg

Nasa loob na kami ng building but wala daw ang C.E.O nila. Tinanong ko rin si Maxine pero di rin daw nila nakikitang pumapasok. Hay, nasan man kaya yun! Kaasar!

"Bakit nyo po hinahanap si Maxine?" Tanong sakin ng isang babae na parang haggard na haggard ang itsura. .

"I'm Amon Lazerna I'm her brother." Sabi ko nanlaki naman ang mata nya napayuko. Kinakabahan ako sa kinikilos nito..

"Sa labas po natin pag usapan. Ma'am sir." Sya. Tumango naman ako at sinundan sya hanggamg sa makalabas ng building at makarating sa isang cafe.

"Ano ba yun?" Humikbi sya. Maya maya pa umiyak na. Naalarma naman si Lara at tinabihan ito.

"Sorry po, di ko po sya na iligtas. Huhuhu may kumidnap po sa kanya nung isang araw at hanggang ngayon wala parin po akong balita kung ano na nangyari. Di rin po kasi pumapasok si sir Jules. Sya lang po ang pwede kong mapagtanungan sa nangyari kay Maxine" May bumangong takot sa dibdib ko para sa kapatid ko. Ito nanaman nawawala nanaman sya! Napaiyak si Lara dahil sa nalaman. Shit! Ginagago nalang ba kami ng mundo! Bakit!

Forlorn VowWhere stories live. Discover now