19

2K 48 3
                                    

19

"Good morning, Wife." Si Jules na boxer lang ang suot at may hawak na maliit na parang lamesa na may lamang pagkain. Napangiti naman ako. Kung ganito lang naman ang makikita ko sa twing gigising ako. shete! Always na sanang umaga. Pupungas pungas naman akong umupo at ngumiti sa kanya.

"Sorry nakatulog ako kagabi." Sabi ko.

"Ok lang yun wife. Ang intense mo naman kasi." Sabi nya sabay halik sa ulo ko at binaba nya sa harap ko ang dala nya. Namula ako sa sinabi nya. Ayoko lang naman na maikumpara nya ako sa ibang naka sex nya nitong nakaraang 7 taon.

"Dahil lang ba talaga sa gusto mong ipaalala sakin lahat ng ginagawa natin noon kaya ka ganyan or may mali kang iniisip?" Napatingin ako sa kanya. Mataim nya akong tinignan.

"I just want you to remember everything. That's all." Napabuntong hininga sya at hinawakan ang kamay ko. Napatitig naman ako sa kanya.

"Wife, Alam kong ikinukumpara mo ang sarili mo sa lahat ng nakasama ko." Napayuko ako. Basang basa nya talaga ako.

"Jules. Pakiramdam ko kasi marami akong kakompitensya. Marami akong dapat ipaglaban. Iba ka na ngayon. Isang sikat, Mataas, at mahalagang tao sa mundong kinabibilangan mo. Sigurado akong maraming dumaan sa buhay mo sa panahong wala ako. at sigurado akong magaganda sila. Example na nga si ate. Natatakot lang ako na mawala ka, na maghanap ka ng iba lalo na ngayon na wala kang maalala. Natatakot akong ipag palit mo ako sa ibang mas better sakin." Confession ko. Itiaas nya ang mga kamay ko at dinala nya sa labi nya.

"Aaminin ko sa pitong taon hinanap ko sa iba't ibang babae yung di ko maramdamang saya kay Selena. Di lang ilang beses kundi napakaraming pagkakataon. Oo maganda sila, sikat at mas karapat dapat sa katulad ko at sa katayuan ko. Pero wala sa kanilang lahat ang nakapagparamdam ng pinararamdam mong saya sa akin. Sa bawat release ko ay emptiness ang nararamdaman ko pag sila ang kasama ko pero sayo, iba feeling ko... Buo ako. Wag mong itulad ang sarili mo sa lahat ng nakasama ko. Kasi ikaw lang. Ikaw lang yung nakapagparamdam sakin ng kakaibang saya na di ko pa nararanasan sa loob ng pitong taon na wala akong maalala. Ikaw yung pumuno sa pagkatao ko. Ikaw ang dahilan kung bakit muli akong nagkaroon ng pag asa at dhilan para maalala ang nakaraan ko." Di ko namalayan na napaiyak na pala ako. Parang nawala lahat ng pangamba ko sa loob ng puso ko.

"Thank you, Mahal na mahal kita Jules. Mahal na mahal lang talaga kita." Sabi ko. Napangiti sya. Tumabi sya sakin at hinalikan ako a labi. Sandali lang yun at hinalikana nya ulit ako sa noo.

"No, wife thank you. You bring back the joy in my life." Sabi nya. Napangiti nalang ako.

"Nilalanggam na tayo Hubby." Sabi ko. Natawa naman sya. Totoo naman kasi.

"Oo nga wife. Kain na muna tayo." Sabi nya at pumwesto na ulit sa harap ko at nagsimula na kaming kumain..

Pagkatapos namin sa bahay ay lumabas at pinuntahan si Lei na hanggang ngayon di parin nagigising. Hay! Naroon si ate Arc kasama ang anak nilang si Lyon at Air. 6 si Lyon (lalaki) at 4 naman si Air (babae). Napaka cute nila lalo na at nakuha ni Lyon ang itim na itim na mata ng papa nya samantalang si Air naman ay ang sa mama nya. Di ko maiwasang ma guilt dahil sa nangyari kay Lei. May mga anak ito at buntis pa si ate Arcadia ng pitong buwan. Alam ko yung hirap na walang karamay. Yung wala kang mapagsabihan ng hinanakit at pangamba mo. Naranasn ko kasi yun. Noon nng iniwan nila ako sa harap ng bahay nila papa. Walang makaintindi sa akin noon dahil sino nga bang matinng tao na magmamahal sa rapist nya?

"Jules, pwede ba tayong mag usap?" Tumango naman sya. Napatingin ako kay Ate Arc. Gusto kong sumama. "Max, kami lang muna, please." Sabi nito. Napabuntong hininga nalang ako. Hay wala talaga akong maitulong pag ganitong pagkakataon.

Lumayo sila sakin at naiwan ang mga anak nya sa kin. Tahimik lang si Air at parang sya si Jazz. Nagbabasa lang ng libro. Samantalang si Lyon nakatitig sakin..

"Hi, baby." Sabi ko rito. Napa igtad pa ito at nanlaki ang mga mata. Hala! hahaha ang cute nya!

"I'm Lyon Ash Venivicto. Can I marry you when I grow up?" Sabi nya natawa naman ako at hinawakan ang kamay nya.

"Baby Lyon sorry but Tita Max is already married to that man." Turo ko kay Jules na halatang seryoso ang topic nila ni Ate Arc. Ano naman kaya yun?

"But, He is the boyfriend of the evil witch." Sabi nito sa akin. Huh? Evil Witch? Si Ate?

"Evil Witch? How come?" Tanong ko pa. Di naman yun sasabihin ng bata kung walang dahilan diba?

"She point a gun on my mother's head before. We was so scared that time cause I thought she would blow my mother's head. She said my parent's have to obey her cause she will kill us if they dont." Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko yun. Ramdam ko rin yung takot sa katawan ni Lyon na para bang ayaw na ayaw na nitong maranasan ang naranasan nya noon. "I'm glad that you're now tito Jules's wife. You're more beautiful and kind than that witch. But do you have a daugther? Can I marry her?"

Nako tong batang to. Parang laruan lang ang hinihingi.

"I have but she's older than you."Napasimangot naman sya. Hinawakan nya yung puson ko. Napatingin naman ako roon...

"I'll marry you next daugther." Sabi nya saka ngumiti. Hala sya yata yung wizard!

"Ok If I ever have a daugther again I tell her to marry you.." Napangiti sya.. pero syempre gusto ko free will parin ng anak ko ang masusunod. "But,"

"But?"

"You have to prove us you're worth for her. And she has to choose you. You need to make her love you cause we wont force her to marry you... Are we clear?" Tumango tango naman sya. Nakong batang to. Sigurado naman akong makakalimutan din nya ito pag lumaki sya. Sa gwapo ba naman nyang to. Sigurado akong kabikabilang mga babae ang papaiyakin ng batang ito paglaki nya...

"Ok tita, swear she'll be mine." Natawa nalang ako. Adik sya. Marami pa syang kinukwento sakin. Kung ano anong tungkol sa kanya na parang nagpapalakas. Di naman sure kung magkaka anak ba ako ng babae or hindi. Hahahaha Ang bata kong may manugang..

"Wife," Si Jules. Tumabi sya sakin at hanawakan ang ulo ni Lyon

"What do you want young man?" Tanong nito sa bata.

"Tito Jules I want to marry you're next daughter! I swear! I'll do everthing." Sabi nito. Natawa naman si Jules.

"Really. But you have to promise me you treat her right and you wont hurt her." Ito na nakisakay sa kalokohan ng bata.

"Sure thing tito. I promise!!!"Taas kamay pa sya na parang nanunumpa. Natawa nalang pati ang ina nito. Marami pa kaming napag kwentuhan pero parang ilag sila sa ibang bagay. Sana naman ay di ganoong ka delikado ang bagay na ayaw nilang ipaalam sakin. Ayoko kasing mawala ulit sya sa akin.

"Let's have vacation once. Para naman magkakila kilala yung mga bata." Sabi ni Jules napatangon naman kami ni Lyon. SI Air stay still parin sa pagbabasa sa gilid ng tatay nya.

"I think that's a good idea. Maybe sa Ilocos." Ate Arc. Napangiti akong ng malapad.

"Sa Ilocos!! You mean! Sa hacienda ni Lei?" Excited kong sabi. Tumango naman si Ate Arc.. "Oh God! I wonder how Kyle are!"

"WHO"S KYLE??"

Natawa ako.. HAhahahaha ganun din si Ate Arc...

"Na exchange student sya sya sa Japan. Ang alam ko hanggang makatapos sya ng pag aaral doon sya titira. Sobrang talino kasi." Wahhhh!! Sabi ko na nga ba sa talino ba naman nya. Di malayong napadala sya sa ibang bansa. Ang galing talaga nun!

"Tss, Lets go wife." Sabi ni Jules. Napangiti naman ako.. Kasi seloso.... Nagpaalam na kami sa mag iina. Then lumabas na. Sana lang talaga ay maging maayos si Leighton....

Forlorn VowDonde viven las historias. Descúbrelo ahora