Introduction

870 21 9
                                    

– Ang storyang ito ay katang-isip lamang. Gawa gawa lang ng may akdang walang magawa charrr.

PLAGIARISM IS A CRIME!

  -Pangit man ang storyang ito, well wag mo pa ring gayahin, make your own story!

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

WARNING: Matured Content ahead!

                               *****
Prologue

"D-demy." Akma akong aalis na nang hilahin niya ako pabalik at mahigpit na niyakap. "P-please wag mo akong iwan."

Nararamdaman kong lalabas nanaman ang mga luha sa Mata ko kaya agad na akong lumayo sa kanya. Hinde pwede ito dahil alam kong sa oras na lumambot ako ay mawawala lahat Ng pinaghirapan ko.

"I'll make you choose me" malungkot na mga matang saad niya habang diretsong nakatingin sa mga Mata ko.

Naiiyak ako pero kailangan ko paring ipakita sa kanya na tama ang desisyon ko...na para ito sa kanya. Alam kong sa gagawin kong ito may mabigat na kapalit maaaring ikawasak naming dalawa o di kaya sa magdaang panahon ay maging maayos na siya samantalang ako ay maiiwang nagsisisi sa lahat pero...

"How much you can risk to insist me choose you?...We're done ken...  Tapos na tayo, so please stop it, kase kahit anong gawin mo, lumuhod ka man sa harapan ko, Hindi mo mapapalitan ang desisyon ko...Pamilya ko pa rin ang pipiliin ko." Piyok ang boses na saad ko.

Bagsak ang balikat na nag-iwas siya ng tingin sa akin. It's hurt, lalo kapag ikaw mismo ang gumagawa ng dahilan para lumayo ang mahal mo.

"Nasasabi mo lang yan dahil wala kang choice." Aniya.

Hindi ko na napigilan ang luha ko dahil naramdaman ko itong nag-uunahan nang tumulo sa pisngi ko. Ayaw ko mang Ipakita sa kanya ito pero huli na ang lahat. Sa huling pagkakataon mahina parin talaga ako lalo na pagdating sa kanya.

"You caught me... I caught up in your heart... And you let go of me...But I choose to love you, kahit sobra na akong nasasaktan sa ginagawa mo." His voice crack.

Gusto kong magmakaawa sa kanyang tumigil na pero sumisikip ang dibdib ko lalo na kapag nakikita ko siyang ganito, malayo sa Ken na kilala ko.

"If you love me then-" bumuntonghininga ako "let me go."

Naramdaman kong unti-unti nang naninikip ang dibdib ko pero pinili kong hindi ipahalata sa kanya iyon.
Ayoko ng madagdagan pa ang sakit na nararamdaman niya ngayon... Ayoko na. Dahil hindi ko kaya..

"Loving you is not a sin, so why do I choose to let you go?" Mahinang tanong niya. Tumutulo na rin ang mga luha sa mata.

Gusto ko na lang siyang murahin para ipaintindi sa kanyang hindi kami pwede. Mahal ko siya pero para sa kanya rin naman ito.

"Ken please tumigil kana." Natigil ako nang hawakan niya ang ulo na para bang sumasakit ito. "K-ken are you alright?"

Akma akong lalapit sa kanya nang pigilan niya ako.

"B-baby answer me....did you make me fall in love to break my heart?" Pagtapos nun ay bigla na lang siyang natumba sa kinatatayuan.

Ken!

Caught Up In Your Heart (Aldama Siblings Series #1)Where stories live. Discover now