12

505 77 18
                                    


KAIRA

* recess alarm bells *

Pagkadinig ko agad non, dali-dali kong tinago ang mga gamit ko. Tsaka agad ako tumayo at hinila ko ng mabilis si Jillian patayo at mabilis kaming lumabas.

"Ano ba Kaira, ang sakit ng katawan ko. Dahan-dahan lang. Gutom ka na ba talaga?" reklamo ni Jillian sa akin.

"Hindi naman." naiirita na sagot ko.

"Eh bakit ganyan ka?" nagtatakang tanong niya sa akin.

Napakamot ako sa ulo ko, "Mas okay pa yata sa last section no. Sa totoo yan umiiwas ako sa Watanabe na yan. Parang ayoko nalang siya makita. Bakit kaklase pa natin siya? Basta ang OA ko na. Basta.. di ko siya bet kasi ang harsh niya." naiinis kong sambit sa kanya.

Pero natawa lang si Jillian, "Ano ka ba Kaira. Tumigil ka na nga diyan. Tsaka isa pa, medyo malapit ako kay Mashiho. Crush ko yun." parang nakikilig niyang sambit at napailing nalang ako.

"Uy Kaira at Jillian."

Napaharap naman kami sa tumawag sa aming lalaki. Tsaka naman kami napangiti nung nakilala namin siya.

"Uy, Minhee!" natutuwang tawag namin ni Jillian sa kanya.

"Akala ko forever na kayo sa last section." natatawa niyang sambit sa amin.

"Hindi 'no! Nilipat na kaya kami!" natutuwang sambit ni Jillian.

"Sabay na tayong tatlo sa canteen?" nakangiting tanong niya sa amin.

"Sige."

Tsaka nga sabay na kaming tatlo papuntang canteen. Nag-uusap lang naman kaming tatlo papuntang canteen.

Kung nagtataka kayo, siya si Kang Minhee. Matagal na din siya dito sa Gaxtone High. Boy bestfriend namin siya ni Jillian. Mabait siya, matalino, masaya at syempre.. gwapo yan 'no! Hahaha! Yun nga lang, single.

Pagkatapos naming bumili, naghanap naman kami ng table namin. Tapos yun, kumain na kaming tatlo.

-

HARUTO

Ibang klaseng Kaira Park na yun. Hindi nya na ba talaga ako kilala? Ang lakas ng loob niyang apihin yung ilong ko. Sobrang iba siya sa mga babae na nakilala ko.

Nakatingin lang naman ako sa kanya sa kalayuan na nagtatawanan kasama yung Jillian at Minhee. Tuwang-tuwa pa siya sa lalaki na yun. Where's my boy daw. Boy niya yata yang Minhee na yan. Masaya siya doon. Tsk. Cheap. Low standards. Mas pogi pa ako doon.

Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanila.

"Akalain niyo? Isang Haruto Watanabe? Binabara ng babae? HAHAHAHAHA!" natatawang kwento ng gagong Junghwan na 'to. Tuwang-tuwa.

"Himala yan ah. Kung ibang babae yan, hindi sana ganyan." Hyunsuk.

"Tinarget pa ang ilong mo, Harutoto. Natawa talaga kami kanina." natatawang sambit ng paASAHI na 'to.

"Wag kang mag-alala Haruto, nagsasabi lang ng totoo yung Kaira." natatawang sambit ni Jihoon at tumawa naman ng malakas ang mga kaibigan ko dito.

Parang nawawalan ako ng gana magrecess sa topic namin ngayon. Yung harsh na Kaira na naman. Kaya nilapag ko ang pagkain ko sa mesa ko. Malakas kong hinampas ang mesa sa dahilan na nagulat sila.

"Tumahimik nga kayo!" saway ko sa kanila.

"Kalma lang nga diyan, bro. Jamming lang 'to." Jeongwoo.

"Eh sa nakakainis kasi. Nakakainis yung babae na yun." naiinis kong sambit. "Ang lakas ng loob niyang barahin ako. Ang sungit talaga. Hindi niya ba ako kilala? Pati ilong ko, pinakialaman pa." dagdag ko. Tapos natawa na naman sila.

"Ang harsh mo kasi kaya harsh din siya sa'yo." natatawang sambit ni Doyoung.

"Oo nga." Junkyu.

"Ano naman? Pero hindi. Iba siya. Binabara ako sa chat, tapos kaya niya din pala akong barahin sa personal. Nakakainis pa yung tawag niya sa akin."

"Big Nose Watanabe." natatawang sambit ni Yedam.

"Nako, wag ka ngang highblood diyan, bro. Kainin mo nalang yang nilibre ko." natatawang sambit ni Jaehyuk.

"Wala na akong gana."

"Pwede sa akin nalang?" tanong ni Yoshi.

"Bahala ka." sabi ko at dali-dali niya namang kinuha yung pagkain sa harapan ko.

"Aba grabe ka. Hindi ka talaga kakain nang dahil sa babae na yun? HAHAHAHA!" natatawang sambit ni Hyunsuk.

"Nakakainis yung sinabi niya. Akala mo kung sino siya." sabi ko. "Di ko papalampasin yung sinabi niya sa akin. Kung sa kanya biro lang yun, sa akin hindi."

"Ilong mo lang kaya yun! Ang over mo masyado!" react ni Junkyu.

"Tsk. Kahit na. Sakin din naman yun." sabi ko. Tsaka kinuha ko ng mabilis yung phone ko.

"Banatan mo kasi bro. Baka may talent din na karupokan." suggest ni Jihoon sa akin.

"Gagawin ko siyang marupok, pero hindi muna ngayon. Naiinis ako sa kanya dahil bakit sa lahat, ilong ko pa talagang kailangan niyang apihin." sabi ko habang nagtatype sa phone ko.

"Chinachat mo ba siya?" tanong ni Asahi sa akin pero hindi ko siya sinagot at patuloy lang ako sa pagtatype.

"Hay nako Haruto Watanabe. Ang pikon mo masyado." naiiling na sambit ni Mashiho.

"Pikon na kung pikon. Hindi ako natutuwa sa kanya." sabi ko at nakita ko lang naman na napapailing silang lahat sa akin.

Ako na nga nag-aapply patago bilang boy niya tapos ganyan pa siya sa akin? Tsk! Bahala na.

-

boy | harutoWhere stories live. Discover now