71

279 14 0
                                    

KAIRA

"Sorry ma'am, di po talaga pwede makapasok kapag dalawang tao. Isa lang talaga." pagsasaway ng guard sa amin.

"Kuya naman! Please naman! Kailangan kami ng kaibigan namin ngayon! Madalian lang naman e!" angal pa ni Junkyu.

"Sir, makinig nalang kayo sa akin. Hindi po talaga pwede." kalma ng guard sa kanya.

Kanina pa kasi kami dito nagpipilit sa guard ng Strayz Bar na papasok kaming dalawa ni Junkyu sa loob. Kaso hindi daw pwedeng dalawa ang tao doon. At masyado nang gabi. Tangina. Ano ang kwenta ng bar?

Nakita ko lang naman na napapakamot lang sa buhok si Junkyu. Huminga ako ng malalim, "Ganito nalang Junkyu o, ako nalang ang papasok doon sa kanya. Hintayin mo nalang kami dito." sabi ko sa kanya.

"Sigurado ka Kaira? Kaya mo si Haruto?" paninigurado ni Junkyu.

"Edi pipilitin ko nalang. Isa pa, wala na tayong magagawa. Hindi talaga pwede makapasok kapag dalawang tao." sabi ko sa kanya.

Napatango naman siya, "Sige. Hihintayin ko nalang kayo. Sayang, di man lang ako makatulong. Arte kasi nang bar na 'to." pagpaparinig niya sa guard at napaiwas naman ng tingin yung guard sa amin.

Napatawa naman ako at binatukan ko ng mahina si Junkyu sa kanyang balikat, "Okay lang yan. Ganito talaga. Sige, mauna na ako doon." nakangiting sambit ko sa kanya.

"Sige Kaira, mag-ingat ka diyan sa loob." paalala niya sa akin at tinanguan ko lang naman siya.

Huminga ako ng malalim at pumasok na nga ako sa loob ng bar. Naguguluhan pa ako dahil masyadong maraming tao sa loob. Kaya pala siguro may limit kasi halos mapuno na ang loob ng bar kahit masyado nang gabi.

May nagsasayawan, nag-iingayan, naglalasingan, nagtatawanan at nag-iinuman dito sa loob. Nakakasakit din sa ulo yung ingay ng music. Ang sobrang lakas. Grabe naman 'tong pinasok na bar ni Big Nose Watanabe.

Agad-agad na akong pumunta doon sa cashier at tinanong kung saan yung V.I.P room na stinayan nung Hyunjin at mga kasama niya kanina dahil nandoon daw si Big Nose Watanabe.

- - -

Papunta na ako sa ika-limang V.I.P room kasi andoon daw siya ngayon. Sana okay lang yun ngayon. Palasing-lasing pa kasi hindi naman pala kaya ang sarili.

Pero kasalanan ko naman kung bakit siya nagkakaganyan.

Nakarating na din ako sa pintuan ng V.I.P room. Bago ko yun buksan, huminga muna ako ng malalim. Pagkatapos, pumasok na ako doon.

Pagkapasok ko doon, nakita kong ang sobrang gulo ng loob. Ang daming inumin na nasa sahig at kung ano pa. Halatang grabe yung pagsasayahan sila dito. Pero ngayon, ang sobrang tahimik na.

Hinanap ko naman agad kung saan siya. Tsaka agad ko naman siya nahagip ng mata ko. Nakita kong nakaupo siya at nakapatong yung ulo niya sa mesa tapos.. mukhang tulog na siya.

Huminga naman ako ng malalim at agad-agad ko siya doon nilapitan. Nanlaki naman ang mata kong basa siya. Shet naman, pinaliguan ba 'to ng alak? Amoy alak e.

Umupo naman ako sa tabi niya at ginalaw-galaw siya, "Haruto, gising. Gising." pag-gising ko sa kanya at patuloy ko siyang ginalaw-galaw at unti-unti din naman siyang nagigising.

Dahan-dahan niya naman akong tinitignan at talagang sobrang lasing siya. Pero kahit lasing siya, nakikita ko pa din ang maamo at gwapo niyang mukha. Yun nga lang, mukhang zombie siya ngayon.

"Kaira?" paos niyang tawag sa akin.

Mabilis akong napatango, "Oo, ako 'to si Kaira. Halika na. Umuwi na tayo at doon ka na magpahinga sa bahay niyo." nag-aalala kong sambit sa kanya.

"Ayaw ko. Dito lang ako." pagtanggi niya sa akin.

"Wag na makulit, please. Umuwi--"

Di ko na natapos yung sasabihin ko dahil nabigla ako ng bigla niya akong inakbayan at nahila pa ako malapit sa kanya. Shet, ang lapit na ng mukha naming dalawa. Nakakailang na din. >.<

Nabibigla lang naman ako sa kanya. Kahit lasing siya, nararamdaman ko pa ding tinititigan niya ako. Pero hindi naman maiwasan ang puso kong tumibok ng mabilis. Shet diko alam kung bakit ganito.

"H-huy."

"Kaira, mahal kita." lasing niyang sambit sa akin sa dahilan na natahimik ako.

Mas lalo lang pabaliw yung puso ko ngayon. Mas nakakaiba pala sa feeling kapag galing na kanya at naririnig ko na galing sa kanya. Hindi ko na alam ang sasabihin ko sa kanya.

Pero ang super weird ng nararamdaman ko ngayon. Waaaahhhh! Di ko 'to alam!

"Sorry kung iniwasan kita ng matagal, nagselos kasi ako sa inyo ni Minhee. Yung sa dare. Ang babaw ng rason ko Kaira. Pero kaya ako nagselos bigla kasi mahal kita." kwento niya saking naiiyak sa dahilan na nabigla ako.

"Tangina naman kasi. 'I love you' sabi mo sa kanya and you hugged him too. Masakit sakin kahit dare lang yun. Masakit din sa akin kasi di mo yun masabi sa akin."

"Pero sino ba naman ako para sabihan mo ng 'i love you'? Hindi mo din naman ako mahal." naiiyak niyang sambit at natawa pa siya.

"Kahit iniiwasan kita, mas lalo lang akong nababaliw sa'yo." sabi niya sa akin. Inayos-ayos niya naman yung buhok ko, "Sobrang miss na miss kita, Kaira."

"Pero lagi mong tatandaan 'to Kaira, kahit saktan mo ako at di mo ako mahalin ng pabalik.." sabi niya at ningitian niya ako, "Mahal pa din kita at mamahalin pa din kita. Maliban nalang kung kakayanin pa ng puso kong magpakatanga sa'yo." dagdag niya at nang dahil doon, naiyak naman ako.

"Wag mong saktan ang sarili mo. Bakit kasi sa lahat Haruto, ako pa? Ako pa ang minahal mo?" naiiyak kong tanong sa kanya.

"Mahal kita kung sino ka, Kaira. Lagi mo akong pinapasaya at pinapangiti. At 'tong puso ko? Sa'yo lang tumitibok ng nakakaiba."

"Hindi ko din inaakala na sa'yo ko mararanasan yung kirot at sakit, Kaira." nakangiting sambit niya sa akin.

Nang dahil doon mas lalo naman akong naiyak. Naaawa ako sa kanya. Bakit ba kasi ang manhid ko? Hindi niya ako deserve, hindi ko siya deserve.

"But don't worry Kaira, you're my favorite love and pain." lasing na nakangiting sambit niya sa akin.

"Haruto..." naiiyak na tawag ko sa kanyang pangalan.

"Ssshhhh. Don't cry, I'm fine. Don't force yourself to love me back. I'm already happy even just seeing you." lasing niyang sambit.

"Mahal kita, Kaira. Tandaan mo yan. Walang halong biro, seryoso ako sa'yo." bulong niya sa akin. Pagkatapos, nakita kong sumandig siya sa balikat ko at agad siyang nakatulog doon.

Hinayaan ko nalang siya at hinawakan ko yung buhok niya. Pero hindi ko maiwasan na maiyak lalo. Masakit din sakin na nalalamang nasasaktan siya nang dahil sa akin. Hindi ko naman inaakala na mahal niya pala ako. Pero ang nasa isip ko.. ayaw ko siyang saktan lalo. Ayaw ko siyang nakikitang nasasaktan sa akin.

Pero hindi ko alam ang gagawin ko kung paano.

Naiyak naman ako lalo nung tinignan ko siya. Bumilis naman ang tibok ng puso ko nung naalala ko yung mga pinagsasabi niya sa akin bago lang. Ang sobrang iba ng epekto. Lalo na nung sinabihan niya ako ng.. ng..

"Kaira, mahal kita."

This is new, I guess. Pero hindi ko masabi kung ano. Hindi ko pa masabi na gusto ko din siya.

"Sorry, Big Nose Watanabe. I'm so sorry." naiiyak na sambit ko sa kanya. "Just wait for me. Babawi ako sa'yo." I added.

"Ibabalik ko sa'yo lahat-lahat ng mga ginawa at naramdaman mo sa akin, promise."

- - -

excited na ako sa 90's love ~ omg sgshshsgs

boy | harutoWhere stories live. Discover now