38

257 17 7
                                    

KAIRA

"8, 7, 6, 5, 4, 3, 2, 1. Then tapos. Pahinga na tayo." announce ni Jaehyuk pagkatapos namin maperfect ang dance steps.

Napaupo naman kaming lahat sa sala at uminom kami lahat ng tubig. Tsaka napapapunas kami sa mga pawis namin. Paano ba naman kasi? Ang hirap ng dance steps namin. Pero okay lang. Enjoying naman!

"Okay lang ba yung dance step, guys? Maganda ba?" nakangiting tanong ni Jaehyuk sa amin at lahat naman kami napatango.

"Okay na yun. Maganda yung vibe niya." sagot ni Minhee sa kanya at lahat naman kami sumang-ayon sa sinabi niya.

"Thank you." nakangiting sambit niya. "Tsaka na yung output natin kapag tapos na overall yung dance choreo natin. Since madami na tayong napractice at namemorize ngayon, bukas nalang tayo magpatuloy. Gabi na at.. kanina pa tayo nagprapractice dito." dagdag niya at napatango naman kaming lahat.

"Teka nga, kanina pa tayo nagprapractice pero hindi pa nakisali sa atin si Haruto. Alam na natin lahat, eh yun? May alam ba yun? Kanina pa yun nasa kusina at hindi pa din siya lumalabas." nagtatakang tanong ni Junkyu kay Jaehyuk.

Tama siya. Kanina pa kami nagprapractice dito at lima lang kami. Tsaka si Big Nose Watanabe? Yun, hanggang ngayon nasa kusina pa din. Hindi pa din siya lumalabas doon. Baka nagtratrabaho lang? Tsk.

Si Nyxie at Minhee nakapagpractice na sa sayaw bilang magpartners. Kami ni Haruto, wala pa. Partners nga kasi kami. Pero nasa kusina daw nila yung lalaki na yun. Malay ko ba kung ano ang ginagawa ng lalaki na yun.

"Oo nga 'no? Ang tagal-tagal 'non ah." patango-tango na sambit ni Jaehyuk tapos tumayo yata siya para i-check na naman si Haruto doon sa kusina.

Papapunta na sana siya doon pero nakita naman namin agad na biglang bumukas yung pintuan ng kusina at nakita naming papalabas si Big Nose Watanabe at papalapit siya sa amin. Kaya napaupo nalang uli si Jaehyuk.

"Oh! Ngayon ka lang! Akala ko, patay ka na!" reklamo ni Junkyu sa kanya pero hindi siya pinansin.

"Nakapagpractice na ba kayo?" tanong niya.

Tumango si Jaehyuk, "Oo. Nakapagstart na kami. Tapos wala ka pa." sagot niya.

"Okay lang. Turuan mo nalang ako bukas." sambit niya at tumabi naman siya kay Jaehyuk sa upuan.

"Bakit ba ang tagal-tagal mo sa kusina? Anong ginagawa mo doon? May palock ka pa ng pinto na nalalaman diyan." nagtatakang tanong sa kanya ni Junkyu.

Nakita ko namang mukhang nabigal siya sa tanong ni Junkyu at hindi naman siya nakasagot agad-agad.

"Huy! Bakit ba hindi ka masagot agad? Ang weird mo!" angal na naman ni Junkyu sa kanya.

"Ganon ba?" sambit ni Big Nose Watanabe at napakamot-kamot siya sa buhok niya. Tapos nakita naman naming lahat na may.. icing yung kamay niya.

"Uy, ano yan?" nagtatakang tanong ni Nyxie sabay turo sa icing na nasa kamay ni Big Nose Watanabe.

"Icing?" Jaehyuk.

Bakit ba mukhang naiilang si Big Nose Watanabe ngayon? Mukha siyang tanga!

"Ah, oo. Icing." sagot niya at napatingin siya sa icing sa kamay niya at dinilaan niya yun. "Yeah, icing. HAHAHAHA!" natatawa niyang sambit. Wala namang nakakatuwa!

"Alam mo? Ang weird mo. Gusto ko ibangga yung ulo mo sa pader." sabi sa kanya ni Junkyu. Bigla naman kumunot ang noo ni Big Nose Watanabe at tinapunan niya ng unan si Junkyu.

"Pero bakit kasi may icing ka diyan sa kamay mo?" tanong sa kanya ni Jaehyuk.

"Kumain kasi ako ng cupcakes." sagot niya.

"Ha?! Kumain ka ng cupcakes?! Sa loob ng kalahating oras?! Tapos naglock ka pa ng pintuan?! Di mo man lang kami binigyan?! Ang damot mo!" reklamo na naman ni Junkyu. Jusko. Hindi naman bingi yung mga kasama niya ah.

Iniwas naman agad ni Big Nose Watanabe ang tingin niya kay Junkyu, "O-oo. Di ko kayo nabigyan kasi.. konti nalang yun. Good for two persons yata.. ganon." napapansin kong bakit parang nagsisinungaling 'tong tao na 'to?

"Good for two persons only? Tapos ang sobrang tagal mo sa loob? Naglock ka pa?" natatawang tanong sa kanya ni Jaehyuk.

"Talagang madamot lang yan at sobrang bagal ni Watanabe!" sigaw na naman ni Junkyu. "Pag ako may cupcakes, di kita bibigyan!" dagdag niya.

"Edi wag. Hindi naman ako hihingi sa'yo." sabi niya din at tumayo na siya. "Ready na yung dinner. Kain na tayo." sabi niya sa dahilan na napatayo kaming lahat.

Ang laki din pala ng bahay nina Big Nose Watanabe. Ang ganda. Di ko inaakala na sa sobrang gulo niya, mayaman pala siya. Grabe. Sarap tumira dito. Tapos dito pa kami kakain!

Papapunta naman kami sa kusina nila at habang naglalakad kami papunta doon, nagtama ang tingin namin ni Big Nose Watanabe. Nabigla naman ako. Pero nakita ko naman na iniwaa niya agad ang tingin niya sa akin. Huminga nalang ako ng malalim.

Mukhang hindi ko siya ma-spell ngayon. Yung expression niya, mukhang blanko. Hindi naman sa seryoso, pero yung blankong expression talaga. Mukhang peke lang nga yung tawa at ngiti niya kanina.

Hindi naman sa nag-aalala ako at curious lang naman.. pero,

Okay lang ba siya?

- - -

boy | harutoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon